100.7 Star FM Dagupan

100.7 Star FM Dagupan Serving the nation thru music and information. This is STAR FM, the music station of Bombo Radyo PH

10/10/2025

PANOORIN| Inanunsyo ni Office of Civil Defense (OCD) Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro na naramdaman ang magnitude 6.9 na lindol sa bahagi ng Davao Oriental malapit sa coastal areas ng lalawigan dahilan para muling magtaas ng Tsunami Warning sa mga coastal areas sa lugar at magsagawa ng evacuation.|via Bombo Bea Peniza

🎥Office of Civil Defense


BREAKING NEWS: Isang malakas na lindol na may lakas na Magnitude 6.9 ang yumanig sa karagatan ng Manay, Davao Oriental d...
10/10/2025

BREAKING NEWS: Isang malakas na lindol na may lakas na Magnitude 6.9 ang yumanig sa karagatan ng Manay, Davao Oriental dakong alas-7:12 ng gabi ng Biyernes, Oktubre 10, ayon sa Phivolcs. | Bombo John Flores


JUST IN: Star FM Dagupan's "Lolo Kiko: Legacy of Love and Humility" is one of the finalists at the 47th Cathotic Mass Me...
10/10/2025

JUST IN: Star FM Dagupan's "Lolo Kiko: Legacy of Love and Humility" is one of the finalists at the 47th Cathotic Mass Media Awards.

Maraming salamat mga ka-Bombo at ka-Starnation.
BASTA Radyo... Bombo! Star FM... IT'S ALL FOR YOU!


10/10/2025

BOMBO NETWORK NEWS EVENING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web. Hosted by BOMBO DENNIS JAMITO AND BOMBO EVERLY RICO




NEWS UPDATE | Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mangangailangan ng tulong...
10/10/2025

NEWS UPDATE | Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mangangailangan ng tulong kasunod ng pagtama ng malakas na lindol sa Davao Oriental.

Ayon sa ahensya, naka-preposition na ang 103,614 family food packs, 5,000 ready-to-eat food boxes, at 30,019 non-food items para agad maipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Tiniyak din ng DSWD na magpapadala pa ng karagdagang tulong upang matiyak na lahat ng nangangailangan ay agad na maaabutan ng suporta sa oras ng sakuna. |

via Bombo Ysa Cotoner

LA NIÑA CONDITIONS ARE PRESENT IN THE TROPICAL PACIFICPeriods of cooler than average sea surface temperatures (SSTs) in ...
10/10/2025

LA NIÑA CONDITIONS ARE PRESENT IN THE TROPICAL PACIFIC

Periods of cooler than average sea surface temperatures (SSTs) in the equatorial Pacific Ocean that started in August 2025 continue to persist and further strengthened reaching La Niña conditions threshold of -0.5°C sea surface temperature anomaly (SSTA) in September 2025, as shown by the recent oceanic and atmospheric indicators. La Niña condition exist if a one-month SSTA of -0.5°C or less is observed and an expectation that the 3-month SSTA (Oceanic Niño Index) of -0.5°C or less will be met (i.e., September-October-November (SON), December-January-February (DJF)).
It is likely that La Niña conditions will continue at least until DJF 2025-2026 season as suggested by several climate models.
With this development, higher chances of above normal rainfall in October 2025 to February 2026 are expected, most especially along the eastern section of the country.

This can be due to increased chance of tropical cyclone activity within the Philippine Area of Responsibility (PAR) and combinations of rain-bearing weather systems, which may cause floods, flashfloods and rain-induced landslides in susceptible areas.
PAGASA will continue to monitor the country's weather and climatic conditions. Meanwhile, the public and all concerned agencies are advised to monitor relevant PAGASA information regularly.

BREAKING NEWS:
10/10/2025

BREAKING NEWS:

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang makalaya habang nililitis ang mga kaso laban sa kanya. Ayon sa Pre-Trial Chamber I ng ICC, nananatiling kailangan ang kanyang pagkakakulong alinsunod sa mga probisyon ng Rome Statut...

10/10/2025

PANOORIN: Halos sumayaw ang isang hospital na ito sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang malakas na Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 10. | Bombo John Flores

🎥 Jeb Corpuz Enoraria

via 95.9 Star FM Bacolod

Tumugon agad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Davao Region sa mga apektado ng lindol na may lakas na 7.4 magnitude na...
10/10/2025

Tumugon agad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Davao Region sa mga apektado ng lindol na may lakas na 7.4 magnitude na yumanig sa Davao Oriental.

Sa gitna ng mga sunod-sunod na aftershocks, brownout, at aberya sa komunikasyon, nagsagawa ang mga tauhan ng BFP ng humanitarian at disaster relief operations, kabilang na ang paglikas ng mga residente at pagsusuri sa mga istruktura.
Sa kabila ng mga nasirang pasilidad, nanatiling nakaantabay ang kanilang grupo upang tumulong sa mga apektadong komunidad at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

📸 BFP 11
via 95.9 Star FM Bacolod

TINGNAN: Nagsasagawa ng clearing operations ang Bureau of Fire Protection–Special Rescue Force sa San Pedro College sa D...
10/10/2025

TINGNAN: Nagsasagawa ng clearing operations ang Bureau of Fire Protection–Special Rescue Force sa San Pedro College sa Davao City matapos makatanggap ng ulat ng chemical spill sa ika-6 na palapag ng gusali.

Naganap ang insidente kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 10. | Bombo John Flores

📸: BFP
VIA 89.5 Star FM Baguio - Philippines

10/10/2025

LOOK: BABY, NASAWI MATAPOS ANG MALAKAS NA LINDOL SA DAVAO DE ORO
Isang batang may Evans Syndrome ang nasawi matapos ang malakas na lindol na tumama sa rehiyon, ayon sa ulat ng pamilya.
Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng biktima, naglalakad umano ang mag-ina pauwi sa bahay ng kanilang lola sa bayan ng Pantukan nang mangyari ang pagyanig. Mahigpit umanong karga ng ina ang bata sa gitna ng lindol at hindi totoo ang mga kumakalat na balitang “nahulog” ito.

Matapos ang pagyanig, bigla umanong nanghina at namutla ang bata kaya’t agad siyang dinala sa Pantukan District Hospital. Gayunman, idineklara itong dead on arrival matapos mabigong ma-revive ng mga doktor.

Nilinaw ng pamilya na matagal nang may karamdaman ang nasabing bata, at posibleng naapektuhan ng tensyon at takot dulot ng lindol ang kaniyang kondisyon.

Hiling ng pamilya sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon at igalang ang kanilang pagdadalamhati.

via 93.7 Star FM Cotabato

TINGNAN: Umabot na sa 179 ang naitalang aftershocks kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Dava...
10/10/2025

TINGNAN: Umabot na sa 179 ang naitalang aftershocks kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 10, 2025.

Ayon sa ulat, sampu (10) sa mga aftershocks ang malinaw na naramdaman ng mga residente.


Address

Bonuan Catacdang
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 100.7 Star FM Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 100.7 Star FM Dagupan:

Share

Category