
13/11/2024
‼️Paki basa‼️
Hindi ko alam ano napasok na negative sa isip ko. Pero simula ngayon never nako mag-aalok ng labubu. Lalo na for kids. Matutulog na sana kami kaso yung anak ko na bunso nag chat sa partner ko 11:44pm. Yes gising pa sya nyan kasi nga may okasyon bukas madami kami ginawa sa bahay di sya agad naka tulog, never nagchat ng ganyan samin yan dahil konti lang alam nyan ichat panay voice record lang alam nyan. Di din pwedeng anak kong dalawa gumawa nyan kasi magkahiwalay sila ng bahay, samin yung 2 kong anak yung bunso ko naman sa mama ko. Lola’s girl kasi sya. Check nyo pic sa dulo convo namin puro voice record lang kami ng bunso ko. Basahin nyo maigi chat ng anak ko, tumaas ang balahibo namin.(di din naman pwedeng mama ko gumawa nyan) at kung anak ko yan, bakit? Bakit ganyan yung chat?😥 Then yung pangalawa kong anak binangungot, gising daw sya pero di daw nya mahawakan bunso ko kahit nakikita daw nya bunso ko may kasama daw na babae yung bunso kong anak. Pero di daw sya maka galaw at makapag salita. Hindi ko sinisiraan ang labubu since fan din ako nyan at diko lang afford ang orig price, at seller din ako nyan. Base on my experience lang kaya ako nag share. Pero nasa inyo padin naman yan. Simula naging fan sila ng labubu may ganito nang eksena sa mga anak ko. Kapag tinagalog nyo yung chat ng anak ko parang ritwal.
Ps: nagsira ng damit anak kong pangalawa para daw gawin nyang damit sa labubu nya. Grabe impact ng laruan sa anak ko diko alam kung dahil mapag mahal lang ba sa gamit anak ko kaya sya ganyan o may epekto na talaga yung laruan sa kanya/kanila.
Bigla ako inatake ng anxiety ko😔
CTTO