20/09/2025
πππ‘πππ’ π‘π πππ¦π¨π’π§ππ‘π π£ππππ£ππ‘π’
Filipiniana, Iba Ang Iyong Dalang Saya
Akda ni Shan Carlet Dacasin, One TSH
Matatalinhagang mga saya, disenyo nilaβy naka ukit pa. Mga tuwid at pormal na barong, plantsadong-plantsado ng ating kasaysayan at nakaraan. Ngayon, para sa linggo ng kasuotan, ating pagnilayan at alalahanin ang mayaman nating kultura sa tuntunin ng pananamit at ang ebolusyon nito.
Nagsimula sa simpleng pagtatagpi tagpi ng mga tela para sa iisang layunin, ang protektahan ang katawan laban sa lamig at irritasyon. Hanggang sa lumipas ang ilang taon, na siya ring nagpa bago at nagdagdag ng ibang kahulugan sa ideya ng pananamit sa ating mga ninuno. Una na rito ang panahon ng ating mga datuβt sultan.
Bago pa nasakop ang pilipinas, naging paraan na ng ating mga katutubo ang paggamit ng kasuotan upang imarka at maitatag ang kanilang estado at pagkakakilanlan. Na kung makikita at maihahalintulad mo sa ngayon, βdi man kabigat at kapansin-pansin gaya ng dati, ngunit mapapaisip ka ngangβgaya rin nila, tayo rin ngayoβy nagdadamit at nag-aayos ng ating sarili na akma sa ating estado, kakayanan, at trabaho. Ngunit syempre, hindi naman tayo agad nagbago mula sa paggamit ng bahag diretso sa pagsusuot ng pantalon. Dumating ang mga kastilaβt marami silang dalaβdalang lungkot at sayaβ¦
βSayaβ na hindi emosyon, saya na kasama ng baroβt ito ay mahaba habaβkapareho ng mahaba-habang taon nilang pananakop at pangaalipin sa atin. Dahil sa kristiyanismong dala-dala at ipinakalat ng mga banyaga, at ang konserbatismong kalakip nito, nag simulang umunlad ang pananamit ng ating mga kababayanβsilaβy nagbago ng estilo at walang nagawa kundi sumuko sa istandard o pamantayan ng mga mananakop. Ngunit ika nga sa ating mahal na lupang hinirang, βSa manlulupig, βdi ka pasisiil,β tayoβy mga Pilipino at kahit ganon pa ang ating kapalaran noong panahong iyon, nagawa pa rin natin na gawing atin at ipakita ang ating pagiging makabayan. Kaya doon, doon siya isinilang at nakilala; ang mahal nating Filipiniana.
Iniibig at kinilala bilang atin, bilang isang Filipiniana; ang tradisyonal na kasuotan ng mga Maria Clara, mga dalaginding sa perlas ng silanganan. Maging ngayon ay dala-dala at ibig na ibig pa rin natin ito, moderno at makabago man ang panahon. Marami man ang pinagdaanan, marami man ang pagbabago, at naka ilang ebolusyonβikaw at ikaw ang pipiliin; kasama ang iyong paΓ±uelo, camisa, at saya.
Saya na amin, saya ng Pilipina, saya ng buong bansa.
// dibuho ni Tyrone Cedrick Melendez
// paglalapat ni Katrina Sorio