SMNI Top News Luzon

SMNI Top News  Luzon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMNI Top News Luzon, Digital creator, Dagupan City, Dagupan City.

02/09/2026

GUMAMIT NG TAMANG SALITA

Binara ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison si Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. sa paggamit nito ng terminong "transfer" sa halip na "disbursement" — na tumutukoy sa ginawa umanong pag-"disburse" ni dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta ng confidential funds kay dating OVP Security Head Col. Raymund Lachica.

Iginiit ni Atty. Sison na mahalagang tama ang gamiting termino sa paglilitis sapagkat may malalim itong implikasyon na maaaring makapag-mislead sa mga nanonood

Patuloy ang retrieval operation ngayong Miyerkules, Setyembre 2, para sa SUV na nahulog sa naputol na Agana Bridge sa Ta...
02/09/2026

Patuloy ang retrieval operation ngayong Miyerkules, Setyembre 2, para sa SUV na nahulog sa naputol na Agana Bridge sa Tarlac City noong Agosto 29.

Gumagamit ng crane at excavator upang maiangat at maiahon ang sasakyan.
Katuwang sa operasyon ang Tarlac PDRRMO, CDRRMO, POSO, Philippine Army, Philippine Coast Guard, at iba pang emergency volunteer teams upang matiyak ang ligtas na pagkuha sa sasakyan.

📸Tarlac City Government

02/09/2026

PATAASAN BA NG BOSES?

Wala na halos maintindihan sa naging sagutan nina Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison at Private Prosecutor Atty. Benjamin "Jay" Tolosa Jr. matapos kuwestiyunin ng depensa ang mga ibinigay na posibleng senaryo at espekulasyon ng prosekusyon hinggil sa tiyempo at pagkakalikha ng mga sertipikasyon kaugnay ng Audit Observation Memorandum (AOM).

Nag-ugat ang tila bangayan nang hilingin ni Atty. Sison na ipatanggal sa opisyal na rekord ng korte ang naging tugon ng testigong si Atty. Michael Poa sa tanong ni Tolosa, dahil lumalabas na hindi ito nakabatay sa kanyang personal na kaalaman.

02/09/2026

MALING TAO ANG TINATANONG

Ipinagtaka ni Senator-Judge Erwin Tulfo kung bakit pinasasagot ng prosekusyon sa testigong si Atty. Michael Poa ang mga tanong na wala naman siyang direktang kinalaman.

Giit ni Tulfo, mistulang sinasayang lamang ang oras ng pagdinig dahil tinatanong ang testigo sa mga usaping labas sa kanyang nalalaman.

02/09/2026

SUPALPAL SI TOLOSA

Kinatigan ni Presiding Officer Chiz Escudero ang depensa matapos niyang i-"sustain" ang "objection" ni Atty. Sheila Sison laban sa maling pahayag ni Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. habang isinasagawa ang direct examination sa testigong si Atty. Michael Poa.

Ayon kay Escudero, walang sinabi ang mga saksi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala itong ginamit na impormasyon mula sa Department of Education (DepEd), kabaligtaran sa iginigiit ng prosekusyon.

Aniya, "Two of the certifications said that they got information from DepEd, specifically the certification issued by Col. (Panopio) as pointed out by the Senate President in his questioning and intervention yesterday, in the certification of Col. Panopio."

02/09/2026

'HINDI NGA PWEDE'

Tila uminit ang ulo ni Presising Officer Chiz Escudero sa pagpupumilit ni Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. na iplay ang isang video, mula sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa kabila ng nauna nang pagtutol ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison.

Ayon kay Escudero, hindi na kailangang i-play ang naturang video dahil maaari namang direktang itanong at kumpirmahin sa testigong si Atty. Michael Poa ang mga naging pahayag nito sa nakaraang pagdinig sa Kamara.

Bagamat iginiit ng prosekusyon na kailangan ang video para sa tamang konteksto, tuluyang ipinagbawal ng korte ang pagpapalabas nito upang maiwasan ang mga walang basehang konklusyon at akusasyon.

02/09/2026

BAKIT GINAWANG TESTIGO SI POA?

Tinanong ni Presiding Officer Chiz Escudero si Private Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. kung bakit nila pinatetestigo si Atty. Michael Poa, gayong tinawag nitong "abogadong walang alam" si Poa sa pagsisimula ng ika-21 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Tolosa, mahalagang malaman kung bakit kay Poa iniatas ni Vice President Sara Duterte ang pagsagot sa mga isyu ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng liquidation ng confidential funds, sa kabila ng umano’y kakulangan nito ng sapat na kaalaman sa usapin

02/09/2026

SISON VS. TOLOSA

Umalma si Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison sa pagtawag ng prosekusyon kay Atty. Michael Wesley Poa bilang "abogadong walang alam" sa gitna ng pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinagtanggol ni Atty. Sison ang karapatan kapwa niya defense counsel na
tumatayong "hostile witness" ng prosekusyon at hiniling sa korte na ipabura ang nasabing pambabastos mula sa opisyal na rekord ng impeachment court.

Iginiit niya na ang naturang pahayag ay isang malinaw na insulto at hindi angkop na paratang laban sa isang kasapi ng bar na tumutugon lamang sa mga katanungan sa paglilitis.

POA AS HOSTILE WITNESSIniharap ng prosekusyon si Defense Counsel Atty. Michael Wesley Poa bilang "hostile witness" para ...
02/09/2026

POA AS HOSTILE WITNESS

Iniharap ng prosekusyon si Defense Counsel Atty. Michael Wesley Poa bilang "hostile witness" para sa isyu ng umano'y maling paggamit ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) noong kalihim pa ng kagawaran si Vice President Sara Duterte

02/09/2026

LIVE |IMPEACHMENT TRIAL OF VP SARA DUTERTE - DAY 21

Address

Dagupan City
Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMNI Top News Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share