29/05/2025
MARAMING PAGKAKATAON NA UMIIYAK ANG MGA NANAY NATIN PERO HINDI NILA SINASABI... 🥺
Maraming pagkakataon na humahagulgol sila pero hindi natin alam...
Maraming beses silang umiiyak pero hindi nila ipinapaalam...
Una — umiiyak sila kapag pakiramdam nila nababastos sila. Pag sinasagot sagot natin sila. Pag nagtataas tayo ng boses sa kanila. Umiiyak sila kasi feeling nila "wala silang kwentang ina" pag ginaganun natin sila.
Pangalawa — umiiyak yung mga nanay natin dahil sa takot. Dahil disoras na ng gabi, hindi pa tayo umuuwi. Natatakot sila dahil baka kung ano na ang nangyari sa atin. Kung saan tayo nagpunta, kung saan tayo napunta, baka nabiktima na tayo ng mga masasamang loob... Umiiyak sila sa takot pero hindi nila sinasabi. Pagdarating tayo ng disoras ng gabi, magagalit sila malakas ang boses, magagalit sila sisigawan tayo na akala mo ang tapang tapang nila. Pero bago sila nagtapang tapangan, umiyak muna sila sa takot kung anong nangyari sa atin. Kung nasan na tayo pero hindi nila sinasabi.
Pangatlo — umiiyak ang mga nanay natin, pag alam nilang umiiyak tayo. Yung niloko tayo ng ibang tao. Niloko tayo ng karelasyon natin, sinaktan tayo ng boyfriend natin, sinaktan tayo ng girlfriend natin. Umiiyak sila pag umiiyak tayo. Habang umiiyak tayo umiiyak sila, pero hindi nila sinasabi. Dahil ayaw nilang humina ang loob natin pag nakita nating umiiyak sila.
Pang apat — umiiyak sila pag may hinihingi tayo na hindi nila maibigay. Kasi nanliliit sila. Hiyang hiya sila dahil gusto nilang ibigay pero hindi nila kaya at alam nating nagtatampo tayo at pag hindi nila maibigay yun umiiyak sila pero hindi nila sinasabi.
Pang lima — umiiyak ung mga nanay natin pag nag aaway away tayong magkakapatid. Pag ung ang tatanda na natin pero hindi tayo nagkakasundo sundo. Gusto nyang mamagitan, gusto nyang sabihin kung sino satin ang mali pero hindi nya magawa kasi ayaw nyang magmukhang meron siyang pinapaboran. Nahihirapan siya pag nag aaway away tayong magkakapatid, umiiyak siya pero hindi niya sinasabi.
At panghuli — umiiyak ung mga nanay natin dahil kahit umiiyak sila WALA TAYONG PAKE... 🥺