27/06/2025
To all parents out there must read para sa health ng ating mga anak‼️
Iwasan hangang maaari na ipainom sa mga bata yung mga “healthy drinks” kuno
Posting to help more families be aware of the dangers of sugary beverages na marketed as "healthy" drinks 🥴
Wag magpalinlang at maniwala sa mga commercials mga momsh! Always read label ng mga pagkain lalo na pasukan na wag na yan ipabaon sa mga junakis!
Lalo na pag mga liquids kasi di na tutunawin diretso absorb na yan ang taas agad ng sugar spike nyan 😭
--
Ito sinasabi ko na pwedeng epekto ng araw-araw na chocolate drink (yung sikat) at yogurt drinks (sikat din) 🥺
Magang maga ang right leg ng bata, puro sugat--sana di naman umabot ito sa infection sa buto 🥺 At pangalawang beses na nya ito magkaron ng Cellulitis 😵💫 Laking pasalamat na lang din at tuloy pa ang pabreastfeed ni Mommy kaya kahit papano ay nakakatulong sa infection.
Bat ko talaga pinagbabawal mga drinks na namention ko?Super taas ng sugar nyan kada 1 small bottle has 4-5 tsp artificial sugar!!! Allowed lang ang mga bata 7-8 tsp sugars total PER DAY! So sa paginom ng kahit isa lang na maliit na bote ng mga ganyang drinks, halos makonsumo na yung allowable sugar intake ng bata sa isang araw kaya sosobra talaga shempre kakain pa ng other foods at yung iba nakaka isang pakete pa (proud pa sila na nakakaubos ng isang pack 😓). Magiging prone po talaga sa mga bacterial infection katulad nito lalo na pag summer.
Kahit din magantibiotics minsan balik balik pa rin pag di nacocontrol talaga ang triggers.
Madalas din mapeklat ang mga bata na maatas ang sugar intake sa food/drinks 😓
Kaya I really take time to help and make my fellow parents aware sa bad effects dahil sa totoo lang marketed ito as something healthy pero hindi healthy! Hindi naman din ito kasalanan ng magulang dahil madalas di naman din aware ang karamihan na unhealthy ang mga ganitong inumin.
Kaya wag na iggrocery mga momsh!
Pakisama po sa prayers si baby para di maadmit 🙏 Dami rin ganitong cases lately haay..
Ctto