Princess Lea

Princess Lea Radyo Siram Disc Jockey. Ang DJ na ubod ng L.... ubod ng lambing ��

21/08/2026

❤️ Minsan, ang pinakamahirap bitawan ay ang taong pinakamamahal mo—lalo na kung alam mong hindi ka niya kayang mahalin pabalik. 💔

Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, pipiliin mo bang manatili o matututong bumitaw?
💬 Ibahagi ang inyong saloobin at karanasan sa Hearts & Minds sa Siram, tuwing Sabado, 1:00–3:00 PM, kasama sina

& . 🎙️❤️

Tara, makipagkwentuhan at makinig sa mga usapang puso at isip dito lang sa Radyo Siram 101.1 News FM!

Rakman 😜
18/08/2026

Rakman 😜

Grabe ang problema kaini, panu niya daa makukumbinsi so namutan niyang babaye na mamoot saeya, na so babaye may namutan ng iba. 🥱

Tabangi daw nindo aq mag advice kaini ta makulog na payo q 🥴🤧

&Minds
&PrincessLea

12/08/2026

💔 MAY LOVE PROBLEM KA? MAY GUSTONG IKUWENTO? 💭❤️

May problema ka ba sa puso? hugot, relasyon dilemma, situationship, heartbreak o kwentong matagal mo nang kinikimkim? Huwag mo nang sarilinin! 🥺

📩 Ipadala ang inyong love problems sa aming textline: 📱 Globe: 0954 288 9099
📱 Smart: 0961 917 2040

Pwede rin kayong mag-message sa aming page: 101.1 Radyo Siram News FM. At kung malapit lang kayo sa aming istasyon, pwede rin kayong mag-drop by at personal na magbahagi ng inyong kwento. ❤️

At siyempre, tuwing Sabado ng hapon, babasahin at pag-uusapan natin ang inyong mga kwento kasama ang inyong paboritong duo—
&
sa HEARTS & MINDS sa SIRAM! 🎙️❤️

Walang huhusga. Walang dapat ikahiya. Minsan, kailangan lang talaga natin ng taong makikinig at makakaintindi. 🫶

Kaya kung may bumabagabag sa puso mo, ipadala mo na! Baka ang kwento mo ang maging sagot, aral o inspirasyon din para sa iba. 💌
Tayo-tayo lang ang magtutulungan dito. ❤️

📻 HEARTS & MINDS SA SIRAM — dahil bawat puso, may kwentong dapat pakinggan.

12/08/2026

💔 Minsan, mas magaan pala ang buhay kapag hindi mo alam ang lahat.
Kapag wala kang alam, wala kang kailangang isipin. At kapag wala ka nang pakialam, mas tahimik ang puso at isip.

Pero hanggang saan nga ba ang kaya nating hindi malaman? 🤔


.1

12/08/2026

Pera din po :D 💵

Ayon sa PSA, umakyat ang unemployment rate sa 4.9% noong June 2026, mula 4.8% noong May 2026 at 3.7% noong June 2025. Si...
06/08/2026

Ayon sa PSA, umakyat ang unemployment rate sa 4.9% noong June 2026, mula 4.8% noong May 2026 at 3.7% noong June 2025. Siguro hindi naman ibig sabihin nito na ang ayuda ang direktang dahilan.

Pero ito ang tanong: possible kaya na may epekto rin ang paraan ng qualifications sa ayuda? Kung ang eligibility ay nakadepende sa pagiging unemployed o sa mababang income, may ilan kaya na hindi na nagde-declare ng totoong sitwasyon nila o mas pinipiling huwag maghanap ng formal work dahil baka mawalan sila ng benepisyo?

Hindi ako against sa ayuda. Sa totoo lang, napakalaking tulong nito sa mga tunay na nangangailangan. Pero baka may mga requirements sa pagkuha ng ayuda na hindi sinasadyang nagtutulak sa iba na huwag ideklara ang tunay nilang trabaho o sitwasyon para lang maging kwalipikado.

Kung ganoon ang nangyayari, baka panahon na rin para pag-usapan kung paano mas mapapaganda ang sistema. Hindi naman siguro ang solusyon ay pantay-pantay ang ayuda, mayaman man o mahirap, pero baka mas mahalagang siguraduhin na ang assistance ay fair, transparent, at hindi nagdi-discourage sa mga gustong magsumikap o magtrabaho.

Sa huli, mas maganda sigurong mag-invest tayo sa mas maraming trabaho, mas mataas na sahod, at mas maayos na social protection, kaysa umasa na lang sa ayuda bilang pangmatagalang solusyon

06/08/2026

💔 HEARTS & MINDS SA SIRAM 💔

Closure: Kailangan ba talaga, o sapat nang tanggapin na tapos na?

May mga relasyong natatapos nang may maayos na usapan. Pero paano kung iniwan ka na lang nang walang paliwanag? Kailangan ba talaga ng closure para tuluyang maka-move on, o sapat nang tanggapin na may mga tanong na mananatiling walang kasagutan?

📻 Samahan kami sa isang makabuluhang talakayan ngayong Sabado, 1:00 PM – 3:00 PM!
Mapapanood at mapapakinggan kasama ang inyong paboritong duo tuwing Sabado:

❤️ ❤️

📞 Ibahagi ang inyong opinyon at mga karanasan. Baka ang kwento mo ang maging inspirasyon ng iba.

Address

Daraga
4501

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Princess Lea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category