PaltaraZone

PaltaraZone vlogs

Kita niyo ito? Ito si Kai Kai, 9 yrs old, nakabalot sa kumot, habang mahigpit na yakap ng kaniyang tatay.Isang masayahin...
04/08/2025

Kita niyo ito? Ito si Kai Kai, 9 yrs old, nakabalot sa kumot, habang mahigpit na yakap ng kaniyang tatay.

Isang masayahing bata na naglalaro lamang sa labas ng kanilang bahay at biglang nawala noong August 2. Pero alam niyo kung paano siya natagpuan? Isang araw matapos mawala, kahapon nakita siyang wala nang buhay. At mas masakit pa—pinaniniwalaang ginahasa.

At sino ang suspek? Isang 13 ANYOS na bata.
13 YEARS OLD.

Ito po ang katotohanan, may mga bata na ngayon na kayang gumawa ng ganitong klaseng krimen, pero dahil sa batas, hindi sila makukulong.

Ito ang dahilan kung bakit dapat nating suportahan ang panukala ni Senator Robin Padilla na ibaba ang edad ng pananagutan sa batas. Dahil sa ganitong mga ka*o, hindi sapat na sabihing, “bata pa sila, hindi alam ang ginagawa.”

Sino ang mananagot para kay Kai Kai?
Sino ang sasagot sa sigaw ng hustisya ng pamilya niya?

Ctto

Condolence sa family 🥹😢Nakakadurog puso, basahin..👇👇👇👇July 2, 2025 11:20AM Pumunta kami ng asawa ko sa Adventist medical...
19/07/2025

Condolence sa family 🥹😢
Nakakadurog puso, basahin..👇👇👇👇

July 2, 2025 11:20AM Pumunta kami ng asawa ko sa Adventist medical health center para mag paNST and BPS at may nararamdaman nadin akong contractions nilagyan nila ako ng mga aparato para mamonitor heartbeat ng baby ko at mamonitor kung may contractions na o nag sisimula na ako mag labor (CTG), after that sinumulan nako IE 2cm, May gestational diabetes ako, sabi nila sakin pwede panaman daw ako umuwi ka*o pag nasa bahay ako walang mag momonitor ng heartbeat ng baby ko and ng contraction ko, edi pumayag nako mag paadmit sinabihan ko na din asawa ko na kumuha na ng mga gamit namin ni baby, at bumili ng pagkain ko dahil sabi sakin ng doctor need ko daw kumain,

1:50pm nag start nako kumain sobrang konti lang ng kinain ko dahil baka mag trigger diabetes ko after ko kumain pinalipat ako ng room

pag lipat ko ng room,kinabitan na nila ako ulet ng mga aparato para mamonitor baby ko, dun na nag simula humina heartbeat ng baby ko and ramdam ko at ramdam ng mga doctor na tumingin sakin kung gano kalikot baby ko sa loob ng tyan ko.

humihina na heartbeat ng baby ko di padin nila ako tinigilan kakahanap ng hb ng baby ko sobrang tagal nila hinanap heartbeat ng baby ko almost 20-30mins, sobrang bigat ng pagpapaikot ikot nila ng doppler sa tyan ko as in sobrang tigas ng pagkakalapat nila sa tyan ko and sobrang likot din ng baby ko that time, nag sasalita nako sa kanila na iimergency cs nako sagot nila sakin hindi sila basta basta nag ccs ng walang dahilan, HINDI PABA DAHILAN NA HUMIHINA NA HEARTBEAT NG ANAK KO PARA ICS NAKO????

nung wala na talagang heartbeat baby ko, nag uusap usap sila na kailangan ko maultra*ound nag labas sila ng lumang pang ultra*ound para icheck sana baby ko ka*o hindi nagana kaya no choice sila need nila ako ibaba sa ultra*ound room, nung nilabas ako ng delivery room nag tatanong asawa ko kung anong nangyare o kalagayan ko pero walang pumapansin sa kanya. ayaw panga nila nung una ibaba ako sa ultra*ound room dahil baka MAJUDGE DAW SILA NI MAAM SHARON.

3:30pm nasa ultra*ound room nako para icheck baby ko, ka*o ayun wala ng buhay anak ko. Wala ng heartbeat at pag galaw. Nagsabi na din yung asawa ko sa kanila that time na iemergency cs na ako para marevive pa anak namin pero sinabi lang sa kanya nonesense na daw kasi matagal na palang walang heartbeat anak namin hindi man lang daw sya inupdate nung nasa hallway lang sya ng delivery room which is sa labas lang ng delivery room.

Inakyat ako agad delivery room para putukin panubigan ko dahil patay na daw baby ko,
At ang una nilang sinabi sa pamilya ko at pamilya ng asawa ko ang dahilan daw ng pag kamatay ng baby ko is yung sa gestational diabetes ko which is CONTROLLED naman namin yon kasi talagang lahat ng diet and pagmomonitor ginawa namin para lang maging safe si baby, second naman na cause of death daw ay napoison sya ng sarili nyang poo poo sa loob ng tyan ng ko pagbutas daw ng panubigan ko nakakain daw si baby ng poo poo nya pero wala silang naipakitang proweba tungkol dun kahit hinihingi na daw ng asawa ko yung proweba is wala silang maipakita

July 3, 2025
Ipinanganak ko ang munti kong anghel, dun lang nila nalaman na ang cause of death ng baby ko, which is pumulupot na cord niya sa leeg niya. COMPLETE 40WEEKS. Ang gusto namin malaman bakit nung inultra*ound ako ay di ni manlang nila inobserbahan ng ayos para makita na nakapulupot na pala yung cord nya sa leeg ng baby namin.

Grabe ang mga pinagsasabi nila sa pamilya ko at pamilya ng asawa ko nung mga time na nagtatanong tanong sila kung ano na ba update sakin kasi halos hindi daw sila kausapin ng mga nurse or doctor kung ano na ba lagay ko nung before and after namin malaman na wala na baby ko, nung time na paiba iba na ang sinasabi nilang cause of death ng anak namin syempre nangungulit na mga pamilya namin at nagtataka kasi may tanong kami na di nila masagot sagot. And nung lumabas na ang baby ko sa tyan ko pinicturan nila yung bata ng walang consent ko or ng asawa ko, tapos pinagtataka namin bakit may sugat yung pisngi at mga bra*o ng baby ko na para syang nabanat or nahatak tapos nung tinatanong ng asawa ko ano nangyare sa pisngi ng anak namin halos wala silang masagot kasi paiba iba sila unang sabi ng isang nurse dahil daw sa nawalang ng oxygen yung anak ko tapos sabi naman ng iba dahil daw sa napulupot yung cord ng anak ko ang gulo nila wala silang specific na sagot.
Cnt



Ako si Lyka. Lumaki ako sa hirap. Elementarya pa lang, naririnig ko na kung paanong minamaliit ako ng ibang tao. Minsan,...
18/07/2025

Ako si Lyka. Lumaki ako sa hirap. Elementarya pa lang, naririnig ko na kung paanong minamaliit ako ng ibang tao. Minsan, mismong kamag-anak pa.

“Wala kang mararating,” “Hanggang d'yan ka lang,” “Anak lang yan ng walang-wala,” mga salitang hindi ko makakalimutan.

Habang lumalaki ako, bitbit ko lahat ng panghuhusga. Wala akong magandang damit. Laging baon ko kanin at toyo. Pero hindi 'yon naging dahilan para mahiya ako. Sabi ko sa sarili ko, "Darating ang araw, hindi ko na kailangang magpaliwanag. Magpapatunay na lang ako."

Nagtinda ako ng kung anu-ano — kakanin, isda, yelo, gulay. Puma*ok ako bilang kasambahay. Hindi naging madali, pero tiniis ko, kasi may pangarap ako. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong mapatunayan na kaya ko.

Hindi ako matalino. Pero determinado. Natapos ko ang kolehiyo, kahit ilang beses akong gustong sumuko. Naging working student ako, naglalakad pauwi para lang makatipid sa pamasahe.

At ngayon, isa na akong g**o. Hindi marangya ang buhay ko, pero may dignidad. May respeto. At higit sa lahat, napatahimik ko 'yung mga dating humusga sa akin.

Ngayon, bumabalik sila. Hindi na para maliitin, kundi para bumati. At sa puso ko, walang galit. Dahil alam ko, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi ko naranasang maliitin noon.

Kaya sa mga katulad kong minamaliit at ginagawang biro ang pangarap — huwag kayong maniwala sa sinasabi nila. Mas kilala mo ang sarili mo. At balang araw, tatahimik din silang lahat kapag nakita na nila kung gaano ka tumindig.

Ctto: Moral Story

UPDATE: BUNTIS NATUMBAHAN NG NIYOG, PAT@Y 💔😭Hindi mapigilan ang hagulgol ng asawa habang yakap-yakap ang kanyang buntis ...
18/07/2025

UPDATE: BUNTIS NATUMBAHAN NG NIYOG, PAT@Y 💔😭

Hindi mapigilan ang hagulgol ng asawa habang yakap-yakap ang kanyang buntis na misis na nadaganan ng puno ng niyog ngayong Huwebes, July 17, 2025, sa Sitio Talaod, Brgy. Ticulon, Malita, Davao Occidental.

Sa panayam ng DXDC RMN Davao sa Malita Police, kinilala ang biktima na si alyas “Lyn,” 23 years old, housewife, at siyam (9) na buwan nang buntis.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaba daw si Lyn nang mapansin niyang may pabagsak na puno ng niyog sa direksyon niya. Mabilis sana siyang nakatakbo palayo pero bumalik siya para iligtas ang kanyang 3-anyos na anak.

Kasama rin sa nasawi ang alagang a*o ng pamilya. 😢

Base sa ulat, may taas na 15 metro ang puno ng niyog at sinasabing mababaw lang ang pagkakatanim nito, dahilan kaya bigla na lang itong bumagsak.

Idineklarang dead on the spot si Lyn matapos magtamo ng matinding bali sa kaliwang binti at malalim na sugat sa ulo.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kalagayan ng sanggol sa kanyang sinapupunan

Ctto

Minsan, hindi mo nakikita, pero may mga mag-asawang silently nagkakaroon ng utang, hindi dahil careless sila…Kundi dahil...
15/07/2025

Minsan, hindi mo nakikita, pero may mga mag-asawang silently nagkakaroon ng utang, hindi dahil careless sila…
Kundi dahil sila yung tahimik na nagdadala ng bigat ng isa’t isa.

Hindi lahat ng utang galing sa mga luho.
Minsan, galing ito sa sakripisyo — para sa mga gastusin sa bahay, gamot, at mga pangangailangan, habang pareho silang nahihirapan na mag-survive.

“Mag-ipon kayo!” Madali lang sabihin, pero mas mahirap ‘pag yung sahod nila, hindi lang para sa sarili nila, kundi para sa lahat ng pangangailangan ng pamilya.
At hindi ‘yan madalas napag-uusapan.
Puro mga nagbigay ang pinupuri, pero sino ang nagtatanong kung kumusta na sila?

Pero yan ang nakakabilib sa kanila, kahit nahihirapan, nairaraos nila. Kaya nila at kinaya nila lahat para sa pamilya.
Kaya para sa mga mag-asawang ginagawa ang lahat para sa pamilya — be proud of yourself. Kasi hindi madaling magtaguyod ng pamilya, at ang bawat sakripisyo mo ay may halaga. You’re doing great, kahit walang nakakaalam ng hirap na dinadanas mo. ❤️

CTTO:

Address

Daraga

Opening Hours

Monday 12am - 11:59pm
Tuesday 12am - 11:59pm
Wednesday 12am - 11:59pm
Thursday 12am - 11:59pm
Friday 12am - 11:59pm
Saturday 12am - 11:59pm
Sunday 12am - 11:59pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PaltaraZone posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share