Pluma at Balaraw

Pluma at Balaraw Ang tanging pahayagang Tagalog para sa lahat ng uri ng Pilipino

28/01/2023

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas walang Pilipino ang napahamak sa sagupaan sa pagitan ng Israel at mga tulisang Palestino

(Mula sa Philippine News Agency)

Ika 28 Enero 2023

Sabi ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas kahapon na walang Pilipinong napabalitang napahamak o nasawi sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng Israel at mga tulisang Palestino.

Siyam na tulisang Palestino ang napabalitang napatay ng sadatahan ng Israel habang nilulunsad nito ang pagpapakawala ng mga armas panghimpapawid laban sa mga tulisang Palestino.

Simula kahapon, ang sandatahan ng Israel at ang mga tulisang Palestino ay nagpalitan ng putok sa loob ng pinag-aagawang teritoryo ng Gaza.

Mahigit kumulang 29,000 Pilipino ang naitalang naninirahan o namamasukan sa Israel.

26/01/2023

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.6% sa taong 2022, nalampasan ang target ng DBCC

(Mula sa Kagawaran ng Pananalapi)

Ika 26 Enero 2023

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.2% sa ikahulihang bahagi ng taong 2022 upang nakapagtala ng kabuuang 7.6% na paglaki sa ekonomiya sa loob ng apatnapung anim na taon. Nilagpasan nito ang nakaraang hula ng DBCC na 6.5% hanggang 7.5% na paglaki ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kabilang sa pinakamahalagang antas ng ekonomiya, ang antas ng paglingkod at industriya ay lumago ng 9.8% at 4.8% ayon sa pagkakasunod. Ang paglago ng antas ng paglingkod ay makaugnay sa mga gawaing pangangalakal at pagseseguro. Samantala ang gawaing kawanggawa ang nagpataas sa antas ng industriya ng Pilipinas.

Sa lahat ng antas ng ekonomiya ng bansa, ang antas ng paglingkod ay nakapagtala ng pinakamataas na pagtaas na may 9.2%, ang antas ng industriya na may 6.7%, at panghuli ang antas ng pagsasaka na may 0.5% na paglago.

Kaagapay ng Philippine Development Plan PDP 2023-2028, ang pamahalaan ay gagawa ng mga hakbang na magtutulak sa bansa patungo sa landas na magbibigay ng pantay at patas na pag-unlad, pantay na pagkakataon, at pagkakataon upang makilahok sa isang makabago at pandaigdigang ekonomiya

25/01/2023

Kagawaran ng Likas Yaman nanawagan sa pamahalaan ng Bohol ang pagtigil sa pagbungkal ng tubig

(Mula sa Manila Bulletin)

Ika 26 Enero 2023

Ang pamahalaan ng Bohol ay nanawagan sa Kagawaran ng Likas Yaman na itigil ang pagbungkal ng kalapit nitong bayan na magbungkal ng tubig mula sa sapa na matatagpuan sa loob ng lalawigan.

Nagsimula ang suliranin sa pagbungkal ng tubig nang mayroong mga nananahan ang naghain ng karaingan kaugnay ng pagsasagawa ng pagtayo at pagkabit ng mga water lines sa pook.

Si Punong Lungsod Juliet Dano ay nagpaabot ng liham sa kagawaran noong 18 ng Enero ukol sa P95 milyong halaga ng water lines na ipinatayo ng bayan ng Balilihan kung saan napaghimasukan ng nasabing water line ang hangganan ng bayan ng Magsaysay, Sevilla.

Si Punong Lungsod Dano ay nanawagan rin sa pambansang lupon ng tubig yaman upang pigilan ang bayan ng Balilihan sa pagbungkal tubig.

24/01/2023

Kagawaran ng Edukasyon ilalabas ang ulat sa pangunahing edukasyon sa susunod na linggo

(Mula sa Manila Times)

Ika 24 Enero 2023

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay maglalabas ng ulat sa pangunahing edukasyon ng taong 2023 sa katapusan ng buwan upang ilathala ang mga kasalukuyang suliraning kinahaharap ng antas ng edukasyon at upang tiyakin ang mga pangunahing tungkulin na dapat na gampanan ng kagawaran.

Sa isang pagpupulong kahapon, si Ikalawang Pangulo at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Sara Duterte ang maghahatid ng nasabing ulat ayon kay Tagapagsalita Michael Wesley Poa.

Ang kagawaran ay maglalabas rin ng panibagong paanyaya sa bayan para sa mga naaangkop na Pilipinong kasama sa nasabing panukala.

22/01/2023

Kagawaran ng Gugugulin isinasangalang ang patas na pagkuha ng pambansang gugugulin

(Mula sa Kagawaran ng Gugugulin)

Ika 22 Enero 2023

Ang procurement service ng Kagawaran ng Gugugulin ay naglalayong magpatupad ng green public procurement GPP upang tiyakin na gumagastos ang pamahalaan ng tama.

Isang lupon ang ibubuo upang iatang ang tungkulin ipatupad ang GPP at pagsusuri ng mga kagamitan upang tiyakin ang pagpapanatili ng mga ito.

Ang mga ito ay dapat na umayon sa mga pamantayan na ipinapatupad sa ibayong dagat at dapat na ipakita ang kakayahan ng mga ito na magbigay ng lunas sa mga suliranin sa kalikasan, lipunan, at ekonomiya bago bilhin ng pamahalaan.

Sabi ni Kalihim ng kagawaran Amenah F. Pangandaman, “green choices in public procurement puts the Philippines closer to its ultimate goal of ensuring sustainable management and use of natural resources by 2030.”

21/01/2023

Kagawaran ng Pagsasaka ipinagdiwang ang ika 93 na taong pagkakatatag

(Mula sa Kagawaran ng Pagsasaka)

Ika 21 Enero 2023

Binanggit ng Kagawaran ng Pagsasaka-Kawani ng Industriya ng Halamanan ang kahalagahan ng masigasig na industriya ng halaman upang ipagpatuloy ang daloy ng pagkain habang ipinagdiwang ng kagawaran ang ika 93 na taong pagkakatatag.

Upang igiit ang kahalagahan ng pagdiriwang, namahagi ang kagawaran ng libreng buto sa pananim at nagtanghal ng isang presentation kung saan itinampok ang mga natagumpayan ng kagawaran sa iba't-ibang pasilidad nito sa buong bansa.

Ang kagawaran, sa pamamagitan ng Lingkod Tulong sa Agribusiness at Marketing ay nagbukas rin ng bagong pamilihan sa loob ng BPI Compound sa Malate Manila.

Samantala, hinihikayat ni Nakatatandang Mababang Kalihim Domingo F. Panganiban ang BPI paigtingin ang pakikipagtulungan nito sa mga magsasaka sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya ng durian, cacao, kape, at goma.

12/01/2023

Kagawaran ng Paglululan tiniyak na lulunasan ang mga suliraning paglululan ngunit binanggit ang brain drain sa antas ng aviation

(Mula sa Business Mirror PH)

Ika 12 Enero 2023

Tiniyak ng Kagawarang ng Paglululan noong Martes pagbubutihin ang mga pasilidad at kagamitan sa pandaigdigang paliparan ng Ninoy Aquino sa Paranaque Maynila ngunit binanggit ang kinahaharap na suliranin ukol sa brain drain sa antas ng aviation.

Sinabi ni Kalihim Jaime Bautista sa isang pagpupulong kasama ang lupon ng paglululan ng kongreso kasunod ang nangyaring technical glitch noong araw ng bagong taon na nagdulot ng pagkakaantala sa paglipad at pagurong ng paglululan ng ilang mga manlalakbay.

Sabi ni Kalihim Bautista, patuloy na pinagaaralan ang mga panukala sa paglalagay ng mga backup system tiyaking hindi mauulit ang nasabing pangyayari.

Sabi din ni Kalihim Bautista na kinakailangan ng P13 bilyon upang paigtingin ang mga kagamitan na nagdulot ng pagkakaalintala kamakailan noong araw ng bagong taon sa NAIA.

Samantala ayon kay Patnugot Manuel Antonio Tamayo ang bansa ay kasalukuyang nauubusan ng mga dalubhasa sa aviation sanhi ng mababang pasahod.

Idinulog ni Patnugot Tamayo ang suliraning ito sa pambansang pamahalaan itaas ang sahod ng mga manggawa sa antas ng aviation.

Ang lupon sa mga korporasyong pagmamay-ari ng pamhalaan ay nagharap na ng kanilang pakikipagtulungan upang lunasan ang suliraning kinahaharap ng antas ng aviation ukol sa nangyayaring brain drain.

12/01/2023

Kagawaran ng Kalakalan inaasahan ang pagsulong ng Isang Bilyong Pisong USAID Project sa pagpapaigting ng mga MSME

(Mula sa Business Mirror PH)

Ika 12 Enero 2023

Sinabi ng Kagawaran ng Kalakalan na inaabangan nila ang proyekto ng USAID sa pagpapalakas ng digital economy upang tulungan ang mga electronic commerce-related targets ng kagawaran.

Habang inilulunsad ang USAID’s Strengthening Private Enterprise for the Digital Economy (SPEED) Activity, sinabi ni kalihim Pascual na isa sa mga pangunahing tungkulin ng kagawaran ay ang pagtulong sa mga MSME sa pagbabagong anyong pan-digital.

Ang USAID SPEED ay isang limang-taong proyekto nilalayong palawakin ang pakikilahok ng mga MSME sa digital economy.

Ayon sa pahayagang inilabas ng USAID, ang SPEED ay may apat na layunin: palawakin ang kakayahan ng mga MSME at ang kanilang kakayahang gamitin ang mga e-commerce platforms, palawakin at dagdagan ang paggamit ng mga e-payment systems at paggamit ng iba pang mga financial technologies, pahusayin ang pagsasama ng e-commerce platforms at logistical supply chains, at pagpapalawak ng kabatiran at kaalaman ng mga mamimili at ang pagtatanggol sa mga MSME.

12/01/2023

Pilipinas at Tsina nilagdaan ang kasunduaang Pagtutulungan sa Panukalang Panlalakbay

(Mula sa Philippine Inquirer)

Ika 12 Enero 2023

Ang Pilipinas at Tsina ay lumagda ng panandaan ng pakikipagkasunduan ng Implementation Program on Cooperation upang ilunsad ang programang panlalakbay sa pagitan ng dalawang bansa.

Sabi ng Kagawaran ng Panlalakbay, sa ilalim ng limang taong-kasunduan sa panlalakbay sa pagitan ng dalawang bansa, ang Pilipinas at Tsina ay nagkasundo na magkaroon ng pakikipagtulungan sa antas ng mga panuluyan at pampahingahan, daungan, at mga kahalintulad na mga industriya sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga kawani mula sa Pilipinas tungo Tsina at gayundin ang Tsina.

Nakapaloob din sa kasunduan ang kaayusan ng panlalakbay sa loob ng dalawang bansa kung saan ang dalawang nasabing bansa ay magsasagawa ng mga hakbang upang ipagtanggol at tiyakin ang mga karapatan at kaligtasan ng mga manlalakbay ng dalawang bansa.

Ang mga katuwang na seminars at training sessions ang mamumuno sa pagpapaunlad ng mga daungan, paglikha ng mga panindang panlalakbay, pagpapaunlad ng mga katubigan, ang pinaigting na kalakalan sa panlalakbay, mga operasyong may kinalaman sa paghahanap at pagsagip upang maghatid ng pangunang lunas at pangangalaga.

Bukod dito, ang dalawang bansa ay nagkasundong magtatag ng mga travel fairs, tourism exhibitions, at promotional activities upang linawagan at anyayahan ang mga manlalakbay na bilhin ang kanilang mga paninda at gayundin upang magbihay ng kamalayan sa mga manlalakbay ng pangangalaga ng kapaligiran at palagiang pagunlad ng antas ng panlalakbay sa dalawang bansa

Address

Sampaloc 1, Emilio Aguinaldo Highway
Dasmariñas
4114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pluma at Balaraw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share