MadiskartengPamilya by God's Grace

MadiskartengPamilya by God's Grace I share authentic reflections about life, business, parenting, and faith.

It’s my space to encourage fellow moms and families to grow with wisdom, creativity, and God at the center.

🧠 HOW TO TRAIN OUR BRAIN 🧩Maraming nagsasabi na “mindset is everything” — at totoo ‘yun.Pero paano nga ba natin sinasana...
29/10/2025

🧠 HOW TO TRAIN OUR BRAIN 🧩
Maraming nagsasabi na “mindset is everything” — at totoo ‘yun.
Pero paano nga ba natin sinasanay ang ating isipan para maging mas matatag, creative, at kalmado sa gitna ng mga challenges ng buhay?

Narito ang ilang practical ways para palakasin ang iyong mental focus at emotional balance:

📚 Read every day — Kahit ilang pahina lang araw-araw, nakakatulong itong palawakin ang vocabulary, knowledge, at imagination mo.

📝 Write down ideas — Huwag hayaang mawala ang mga biglaang inspiration o thoughts mo. Isulat mo agad; minsan dyan nagsisimula ang bagong opportunity.

💪 Regularly exercise — Hindi lang katawan ang lumalakas, pati utak. Movement improves blood flow and focus.

⏰ Stick to a routine — Discipline is a form of self-love. Ang consistent na routine ay nagbibigay ng structure sa araw mo.

🧘‍♀️ Meditate — Take time to pause, breathe, and reconnect with your thoughts. Nakakatulong ito para maging kalmado at aware ka sa emotions mo.

📓 Keep a journal — Isulat ang mga nangyari sa araw mo, mga lessons, at mga bagay na ipinagpapasalamat mo. It clears your mind and strengthens self-awareness.

🚫 Remove distractions — Iwasan ang mga bagay na ubos-oras pero walang saysay. Protect your focus and energy.

🌱 Get out of your comfort zone — Growth happens when you challenge yourself. Huwag matakot sumubok ng bago o harapin ang takot mo.

✨ Ang pag-train ng utak ay hindi isang beses lang ginagawa, kundi araw-araw na commitment.
Remember, you can rewire your mind to think better, live better, and love deeper, with God’s guidance and discipline. 🙏

Romans 12:2 (ESV)
“Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewal of your mind,
that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect."

"14 years ago..."Panahong puro pa lang kami pangarap mag-partner.Sa mga larawang ito, kapag nagde-date kami, isang order...
28/10/2025

"14 years ago..."
Panahong puro pa lang kami pangarap mag-partner.
Sa mga larawang ito, kapag nagde-date kami, isang order lang ng siomai ang pinaghahatian namin.
Pareho kaming contractual employees noon, pagod man sa trabaho pero puno ng pag-asa.

Nagsimula kami bilang magkasintahan noong 2009, kinasal noong 2013, at binigyan kami ni Lord ng aming unang anak ang una naming biyaya.

Naging LDR kami ng halos 3 taon bilang magkasintahan, at 2 taon bilang mag-asawa, dahil OFW pa noon si hubby.
Ang hirap ng distansya, pero pinili naming magtiwala sa plano ni Lord.
Nagsakripisyo muna kami bago dumating ang matagal naming dasal, na sana, dumating ang panahon na hindi na kailangang mag-abroad, at wala nang LDR.

At dumating nga. 🙌
God truly answers prayers, pero natutunan naming His answers come in His time.
Hindi laging madali, may mga season na sinusubok ka muna Niya, pero doon ka rin Niya hinuhubog.

Ngayon, kapag binabalikan ko ‘yung mga panahong ‘yon, masasabi ko lang:
We admire our patience and sacrifices,
because we know God was there, watching, listening, and knowing our hearts. ❤️

May mga panahon na tila walang sagot, pero God was silently working behind the scenes.
At nung dumating ‘yung tamang panahon, doon namin naintindihan,
lahat ng delay, lahat ng struggle, may dahilan pala.

We truly believe in His Grace and Glory. 🙌
He answered our prayers, but first, we needed to go through the process.
Hindi smooth, hindi madali, pero bawat season, tinuruan kami at binuo kami ni Lord.

✨ “The Lord will fight for you; you need only to be still.”
Exodus 14:14

✨ “Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer.”
Romans 12:12

✨“Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude.
It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful;
it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth.
Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.”
1 Corinthians 13:4–7 (ESV)

✨“Trust in the Lord with all your heart, and do not lean on your own understanding.
In all your ways acknowledge him, and he will make straight your paths.”
Proverbs 3:5–6 (ESV)

Ang plano ni Lord, hindi laging mabilis, pero palaging sigurado.💛

"Rest in His presence"To all who feel downfalls,to those who feel alone, battling anxiety or depression.I know, it’s eas...
25/10/2025

"Rest in His presence"

To all who feel downfalls,
to those who feel alone, battling anxiety or depression.
I know, it’s easy to say “uplift yourself” or “stay positive,”
but in reality, minsan ang hirap talagang gawin.

And that’s okay.
You’re not weak. You’re just human.

When everything feels heavy,
and you don’t even have the strength to understand what’s happening, the best thing to do is pray harder and surrender all to Him. 🙏💛

Hindi lahat ng laban ay kailangan mong harapin mag-isa.
Minsan, ang pinaka-matatag na hakbang ay yung pagluhod sa panalangin.
Doon, sa katahimikan, maririnig mo ang boses ng Diyos na nagsasabing:
"Anak, ako na ang bahala. Just rest in Me."

Walang masama sa pagod. Walang masama sa pag-iyak.
Ang mahalaga, huwag mong bitawan ang pananampalataya.
Dahil sa bawat luha, may plano si Lord na unti-unting nagaganap. 🤍✨

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.”
Matthew 11:28

"When silence, speak through writing "If you're an introvert like me, and you’re in situations where you need to express...
25/10/2025

"When silence, speak through writing "

If you're an introvert like me, and you’re in situations where you need to express what’s inside, your thoughts, your feelings, for me, I write it on my page. ✍️

Ito ‘yung paraan ko para ma-express ang nararamdaman ko,
para mabawasan ‘yung bigat sa isip at puso,
lalo na kung sabay-sabay mong iniisip ang lahat.

Hindi kabawasan ng pagkatao natin ang maging totoo sa nararamdaman.
Hindi kahinaan ang pag-amin na minsan, pagod tayo o nalulungkot.
Because in real life, hindi sa lahat ng oras masaya tayo, and that’s okay.

Normal ang maramdaman ang lungkot, pagod, o pagkalito.
Ang mahalaga, sa gitna ng lahat ng iyon,
mas pinipili pa rin nating magdasal at ipaubaya kay Lord ang mga bagay na hindi na natin kayang kontrolin. 🙏💛

Even in journaling, or posting and hiding it on your account, kahit naka “Only Me,”
it still matters. 🤍
Because expressing your feelings is not for others to understand,
but for you to release, to heal, and to breathe again.
Don’t mind if others can’t relate, as long as you know who you are,
and you’re choosing peace over pretense. 🌿

Ang pagiging totoo sa sarili ay hindi kahinaan, ito ay katapangan.
Kasi pinipili mong maging real, hindi para sa simpatiya,
kundi para kilalanin kung ano ang laman ng puso mo.
At sa bawat sandaling ibinubuhos mo ‘yan kay Lord,
unti-unti Niyang pinapalitan ng kapayapaan ang bigat.

Hindi mo kailangang maging okay palagi.
Ang mahalaga, lumalapit ka pa rin sa Kanya kahit hindi mo alam ang sagot. 🌙

“Cast all your anxiety on Him because He cares for you.”
1 Peter 5:7

Hindi sa lahat ng oras kailangan nating may patunayan sa iba.Hindi rin kailangan maglabas ng resibo o ipakita sa mundo k...
25/10/2025

Hindi sa lahat ng oras kailangan nating may patunayan sa iba.
Hindi rin kailangan maglabas ng resibo o ipakita sa mundo kung ano tayo at kung ano ang meron tayo.

Mas masarap i-treasure ‘yung mga sandaling Si Lord, ikaw at yung malalapit na pamilya lang ang nakakaalam, yung mga simpleng tagumpay, tahimik na answered prayers, at mga moment na hindi kailangang i-post para maging totoo.

Sa panahon ngayon na halos lahat ay digitalized,
madalas nasusukat ang halaga ng tao base sa post, likes, o kung gaano ka ka-active sa social media.
Pero tandaan, hindi lahat ng ngiti ay kasiyahan,
at hindi lahat ng kumikintab ay katotohanan.

Mas mabuting gamitin natin ang social media
hindi para magyabang, kundi para magbigay ng aral, magpataas ng kamalayan, at magbigay-inspirasyon sa katotohanan. ✨

Ang tahimik na buhay na puno ng pagmamahal, pananampalataya, at pasasalamat, iyon ang tunay na kayamanan.
Hindi kailangan maging maingay para mapansin.
Dahil ang mga biyayang galing sa Diyos,
kahit hindi ipost, ay patuloy na kumikilos at nagbibigay ng liwanag sa buhay mo at ng pamilya mo.

Sa mundo ngayon na mabilis ang takbo,
piliin pa rin nating maging totoo, maging mapagkumbaba, at manatiling rooted sa grasya ni Lord. 🙏💛

“Pag-ingatan ninyong hindi maging pakitang-tao ang paggawa ninyo ng mabuti. Kung gayon, wala kayong gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit.”
Mateo 6:1

“Hayaan mong ang ibang tao ang magpuri sa iyo, hindi ang iyong sarili; ibang bibig, hindi ang iyo.”
Kawikaan 27:2

Kapag pinanghihinaan ako ng loob, kapag nagsisimulang magduda sa sarili ko… binabalikan ko ‘yung dating ako.‘Yung ako na...
23/10/2025

Kapag pinanghihinaan ako ng loob, kapag nagsisimulang magduda sa sarili ko… binabalikan ko ‘yung dating ako.
‘Yung ako na kahit pagbebenta ng tuyo online, ginagawa ko, yung walang puhunan pero puno ng diskarte at pananampalataya.

At sa tuwing tinitingnan ko ‘yung mga lumang litrato,
napapaluha ako.
Kasi totoo, hindi na ako tulad dati.
‘Yung simpleng side hustle noon, ngayon ay naging negosyo, negosyong may mga taong nabibigyan ng hanapbuhay. 🙏

Glory to God, kasi kung saan ako ngayon,
hindi ko ‘to narating dahil sa galing ko,
kundi dahil sa biyaya at grasya Niya. 💛

Oo, malayo pa… pero ang layo na rin ng narating.
At totoo, iba noon, iba ngayon.
Mas madali noon, pero ngayon mas malalim, mas mabigat, dahil the more you grow, the more responsibilities you carry.

Pero sa kabila ng lahat, pipiliin ko pa ring magpatuloy,
dahil alam kong kasama ko Siya sa bawat hakbang. 🌿

"But by the grace of God I am what I am, and His grace to me was not without effect."
1 Corinthians 15:10

Nothing and no one can stop God’s plan for your life. 🙏🏻🤍

23/10/2025

Minsan talaga, dumarating 'yung panahong nawawalan tayo ng gana.
At alam ko, normal lang ‘yon. Bilang negosyante, hindi araw-araw malakas, may panahon din ng panghihina.

‘Yung tipong pagod ka na mag-solve ng problema, pagod ka na mag-budget, at kahit anong solusyon, parang wala pa rin epekto.
Pero ganito talaga ang buhay ng may negosyo, lahat ng bigat, ikaw ang sasalo.
Ikaw ang gagawa ng paraan, magde-desisyon, at magpapatuloy kahit pagod na.

Madaling sabihin na “okay ang negosyo” kapag nakikita ng iba na umaandar, may customer, may benta…
Pero ang hindi nakikita ng marami, ay ‘yung mga gabi ng madaming iniisip, pag-aalala, at dasal sa likod ng bawat tagumpay.

Kaya saludo ako sa lahat ng madiskarteng negosyante, yung patuloy na lumalaban, hindi lang para sa sarili, kundi para sa pamilya at sa mga taong umaasa sa kanila. 🙏💪

Kaya kapag napapagod, binabalikan ko na lang ‘yung mga ‘why’ ko.
‘Yung mga dahilan kung bakit ko sinimulan ‘to,
bakit ko pinangarap ‘to,
at bakit hanggang ngayon, andito pa rin ako.

Dahil sa totoo lang, sarili mo lang talaga ang makakapagpalakas ng loob mo.
Walang ibang mag-uplift sa’yo kundi ikaw din,
‘yung boses na nagsasabing:
“Anjan ka na eh… sukuan mo pa ba?”

Bilang entrepreneur, alam nating accountable tayo sa bawat desisyon, tama man o mali, kailangan nating harapin.
At kahit ilang beses pang madapa,
ang tunay na panalo ay ‘yung patuloy na nagsho-show up, kahit pagod na.

Kaya sa bawat pagkakataong parang gusto mo nang sumuko,
balikan mo kung saan ka nagsimula,
at higit sa lahat, balikan mo si Lord.
Doon mo ulit makikita ang dahilan kung bakit mo kailangang magpatuloy. 🙏✨

"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up."
Galatians 6:9

May iba’t iba talaga tayong ugali at personalidad.Ang mahalaga, alam mo kung sino ka at kung saan ka payapa.Hindi kailan...
23/10/2025

May iba’t iba talaga tayong ugali at personalidad.
Ang mahalaga, alam mo kung sino ka at kung saan ka payapa.
Hindi kailangang sumabay sa iba para lang masabing masaya...
Minsan, ang pagiging totoo sa sarili ang pinakamagandang uri ng kalayaan. 🤍

Reflection:
Hindi lahat ng tahimik ay malungkot.
Hindi lahat ng simple ay kulang.
Minsan, doon sa pagiging ikaw lang,
doon mo mararanasan ang tunay na saya at kapayapaan na galing kay Lord. 🙌💛

“I praise You because I am fearfully and wonderfully made.”
Psalm 139:14

Hindi dahil hindi ka mahilig makisalamuha o wala kang maraming kaibigan ay malungkot na ang buhay mo.Ang tunay na saya a...
23/10/2025

Hindi dahil hindi ka mahilig makisalamuha o wala kang maraming kaibigan ay malungkot na ang buhay mo.
Ang tunay na saya ay hindi nasusukat sa dami ng tao sa paligid, kundi sa lalim ng kapayapaan sa puso.
Kapag ang puso mo ay may Diyos, pamilya, at pagmamahal, hindi mo na hahanapin ang gulo ng mundo. 💛

Minsan, ang katahimikan ay hindi kalungkutan kundi pagpapala.
Doon mo maririnig ang boses ni Lord na nagbibigay ng direksyon, lakas, at kapanatagan.
Ang kaligayahan ay hindi kailangang hanapin sa labas;
ito ay binubuo araw-araw sa loob ng tahanan at puso nating may pananampalataya. 🤍

“Delight yourself in the Lord, and He will give you the desires of your heart.”
Psalm 37:4

Dahil pumasok na ang mga kids… 👩‍👧‍👦It’s ME TIME 🌤️, pause for a while, huminga, at alaga sa sarili muna.Kahit 10AM na, ...
23/10/2025

Dahil pumasok na ang mga kids… 👩‍👧‍👦
It’s ME TIME 🌤️, pause for a while, huminga, at alaga sa sarili muna.

Kahit 10AM na, okay lang magpaaraw!
Pero alam mo ba? 🌤️
👉 Best time to get sunlight is between 6:00–8:30 AM,
dahil sa oras na ‘yan, mataas ang Vitamin D benefits pero mababa pa ang UV rays.
Kung late ka na gaya ko, limit to 5–10 minutes lang at magpaaraw sa may hangin o lilim. 🌿

Minsan, ‘yung simpleng pag-upo sa araw habang tahimik ang bahay,
‘yun na pala ang pahinga, healing, at recharge na kailangan mo. 💛

Kahit gaano karaming gawain,
alagaan pa rin ang sarili.
Hindi lang sa panlabas na itsura, kundi sa loob, sa kalusugan, puso, at isipan. 🧠💖

🙏 Thank You, Lord, sa libreng vitamins, sa liwanag ng araw na nagbibigay lakas sa araw-araw.

💭 Reminder for all of us:
Kailangan nating maging healthy, hindi lang para sa sarili,
kundi dahil may mga anak at pamilyang umaasa sa atin.
Kapag ang mindset natin ay selfless, at nag-iisip tayo ng tama, not for ourselves, but for others also, nagiging kalmado ang puso at malinaw ang isip. 💫

At kapag align tayo kay God,
Siya ang nagbibigay ng wisdom, right mindset, at lakas sa lahat ng sitwasyon. 🙌

💡 Healthy Reminder:
🌞 Best time: 6:00–8:30 AM (10–15 mins)
☀️ Okay pa: 9:30–10:00 AM (5–10 mins only)
🧴 Light sunscreen sa face kung mainit na
💧 Uminom ng tubig after
🌸 Libre ang araw, gamitin bago bumili ng gamot!

🌟 Reflection: Be the Salt and Light 🌟Minsan iniisip natin, para saan ba ang pagiging mabuti, mapagbigay, o mapagpatawad ...
29/09/2025

🌟 Reflection: Be the Salt and Light 🌟

Minsan iniisip natin, para saan ba ang pagiging mabuti, mapagbigay, o mapagpatawad kung wala namang kapalit? Pero ang totoo, ang pagiging salt and light ay hindi dahil may gusto tayong makuha mula sa iba. Ginagawa natin ito dahil mahal natin ang Diyos. ❤️

👉 Salt – nagbibigay ng lasa at nagpe-preserve. Gaya nito, tinatawag tayong magbigay-halaga at magdala ng “flavor” sa buhay ng iba, sa pamamagitan ng kabutihan, malasakit, at tamang pamumuhay.

👉 Light – nagbibigay liwanag sa dilim. Tinatawag tayong maging gabay at inspirasyon sa iba, lalo na sa oras ng panghihina at kawalan ng pag-asa.

Ang tunay na pagmamahal kay Lord ay nakikita sa paraan ng ating pamumuhay. Kahit walang nakatingin, kahit walang kapalit, piliin nating maging asin at ilaw ng mundo. Dahil sa bawat mabuting gawa, napapapurihan natin si Lord, at nadadala natin ang iba palapit sa Kanya. 🙏✨

“You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden.”
Matthew 5:14

Lord, tulungan Mo ako na maging asin at ilaw sa mundo. Nawa’y makita ng iba ang Iyong pag-ibig sa pamamagitan ng aking salita at gawa. Amen.🙏

Motherhood & homemaking are never easy, but always worth it. 💕Motherhood and being a housewife is never easy, pero sobra...
17/09/2025

Motherhood & homemaking are never easy, but always worth it. 💕

Motherhood and being a housewife is never easy, pero sobrang fulfilling. From day one, I’ve embraced this role with love, caring for my children, supporting my husband, and making our home my top priority. Kahit may maliit kaming business, I make sure na hindi naapektuhan ang pagiging wife and mom ko.

Hindi biro ang multitasking, pero with God at the center, plus the right support system and time management, nagiging possible lahat. Truly, being a mother and homemaker is a role like no other, puno ng sacrifices pero kapalit ay joy and blessing na incomparable. 💕

Now, looking back at my 13 years of motherhood, homemaking, and being a housewife, I can only say one thing: this is truly a great calling from above. 🙏✨

Success is not only measured by career, titles, or material things. Sometimes, the greatest success is found in the quiet victories of family life, the laughter of our children, the love we nurture in our marriage, and the simple joy of being present for the people who matter most. True joy is not gathered from things, but from the precious moments and blessings that money can’t buy. 💖

✨ Proverbs 31:25
"Her Children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her. "

To God, be all the Highest Glory 🙏

Address

Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MadiskartengPamilya by God's Grace posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MadiskartengPamilya by God's Grace:

Share