17/10/2025
Pakipaliwanag nga kung anong klaseng buntis? Kasi buntis ang pusa namin. So may 350 pesos na matatanggap? Pakiexplain...
PBBM: Buntis pa Lang Makakatanggap na ng ₱350 Kada Buwan na Ayuda
Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakatanggap ng ₱350 buwanang ayuda ang mga buntis upang masuportahan ang nutrisyon at kalusugan ng kanilang anak.
Ayon sa Pangulo, layunin ng programang “First 1,000 Days” na suportahan ang nutrisyon ng mga bata mula pa sa pagbubuntis ng ina.
Makakatanggap ng ₱350 kada buwan ang mga benepisyaryo para matiyak ang sapat na nutrisyon ng mga sanggol at ina.
“Meron tayong programa na ‘First 1,000 Days.’ And the first 1,000 days, ang pagbilang niyan, it starts from conception. Magsisimula pagka nabuntis na ang nanay. So, buntis pa lang nandiyan na ang programang ito. Mga buntis at kanilang anak (0-2-anyos) na kasama sa 4Ps, makatatanggap ng ₱350 kada buwan para suportahan nutrisyon ng bata.” sabi ni PBBM.
Isang hakbang para sa mas malusog na kabataan, mas malakas na kinabukasan.