15/11/2023
RIDER COURIER NG PARCEL,Papasok ng 6:30 am . Per rider 60-100parcels o mataas pa everyday
Siguro easy para sainyo kasi hindi niyo nasusubaybayan ang araw-araw na buhay nila. Aalis ng bahay 6:00 am para kuhain ang parcels nila for delivery. Tska sila uuwi ulit or pupunta sa isang lugar na kung saan pwede ilatag lahat at i-sosort out uli para mabilis ang rota, Plus mopa yung mga dadaanan nila papunta at pauwi habang bitbit yang malalaking sako.
Araw-araw ganyan ang routine nila.
Sana huwag tayo mag o-order kung icacancel lang din. (Exept kung bugos, nag advise namn Ang rider dahil Sila nakaka experience araw-araw kung alin Ang bugos sa ndi especially kapag FACEBOOK ORDERS) At wag mag dodouble order kung hindi mo mahintay ang una mong order.
May mga nag lalagay din ng address sa ganitong lugar, pero nasa kabilang brgy naman pala. Sana wag naman gawing komplikado ang rota nila. Bawat rider kasi may brgy na sakop at bayan. Iba iba yan hindi porket Paliparan 1,2,3 o Dasma ka ee un lang talga be specific sa address mo tlga para less hustle sa rider, dhil the more na kumplikado may mga nasasayang na minute pa para matunton Ka..
Minsan wala ng kain kain at meryenda, madeliver lang nila lahat ng parcels natin. Sana ma appreciate natin yun. UMULAN MAN O UMARAW, nasa kalsada mga yan, plus mopa ung ndi maiwasang pagtumba ng motor sa maling pag side stand or center stand dahil sa bigat Ng dala sa motor, at be responsible sa order mo antabayanan I,track mo kung asan na ung parcel mo para kung may lakad ka man ee nabibilen ang pambayad or iwan sa part ng bahay na masasabi mo sa rider kapag tumawag si rider sayo o GCASH PAYMENT, kaya SALUTE 🫡 sa mga CUSTOMER na responsable sa orders nila, na naiisip ung rider nila na ma hustle pa .. dhil laking tipid sa minute Ng rider un sa Isang parcel kaya sa mga pa VIP na CUSTOMER practice kana magbago
Nakasalalay po ung work nila sa bawat orders niyo. Hindi po biro na mag hapon nila bitbit yun tapos aayawan niyo lang un order niyo.
Maging sensitive sa lahat ng desisyon at ginagawa natin, kung saiyo ay for tripping lang, sila naman ay para sa pamilya nila.
Yung pagod na pagod na sila sa pag dedeliver tapos aawayin lang sila ng costumer sa kanila pa isisisi ung maling laman ng parcel nila.d nman kasalanan ng nagdedeliver yan nasa seller yan, at never silang nagkaroon ng connect sa seller na bugos na walng alam kundi manloko at kumita sa maling pamamaraan..
SALUTE 🫡 sa lahat ng rider na ang dinideliver ay mga PARCEL, ingat lagi sa pagmamaneho araw-araw may nag hihintay sa inyo sa pag-uwi