28/07/2025
STORY TIME
(Long post ahead)
Kung isa ka sa mga taong nalilito kung anong direksyon ang tatahakin sa buhay ngayon, sana may mapulot kang aral sa post na ito.
Between 2020 to 2022, sa kasagsagan ng pandemic, I hit rock bottom, LITERAL. I was confined for almost 2 months sa ospital sa Dasma due to COVID-19 and almost lost my life. Akala ko ’yun na ang katapusan ko, pero salamat, nabuhay ako.
Wala pang Petology noon. Ang meron lang kami ay ang Zootopia Animal Clinic. Dahil sa COVID, napilitan kaming magsara ng halos 2 buwan. Tuloy-tuloy ang bayarin pero wala halos pumapa*ok na kita. Less than 10 pa lang ang staff namin noon. Dumating kami sa punto na hindi na kami makabayad sa suppliers we had to delay payments just to survive and we even cut off man power just to be able to sustain the business.
At hindi ibig sabihin na nung nakabalik kami sa operasyon ay naging okay agad ang lahat. Mahina pa rin ang sales noon dahil pandemic at bukod dun mahina padin ang katawan ko. Simpleng paglalakad, hinihingal na ako. Pero kahit mahina ako, I had no choice but to work again. Kailangan kong bumangon para sa pamilya ko, andyan ang anak at asawa ko, negosyo at mga empleyadong nasa aking mga balikat kaya kailangang mag function na ako asap kahit hindi pa ako ok.
That time, I was already doing vlogs. Wala akong pakialam kung may nanonood o wala, kung pagod ako o hindi. I just had to show up. Kahit papaano, I had to keep going.
Before, I only had the clinic to support our family. A lot of people think na kapag may sarili kang clinic, financially fulfilled ka na. Pero ang totoo, karamihan sa amin, halos hindi makatawid sa dami ng gastos and most of us are just struggling to make ends meet
Dumating ako sa puntong napaisip ako: “What if mangibang-bansa na lang ako?”
Maybe I’d have a better chance abroad. Dyan sa mga pictures yung isa sa mga clinic sa Singapore na inaplayan ko noon. Ininterview nila ako. Madami akong pinasahan ng application, pero walang tumanggap sa akin. I don’t even know why. At kahit may tumanggap man, hindi rin ako sigurado kung kakayanin kong lumayo sa mag-ina ko. In the end, i planned to give up but it never happened.
Imagine that: I had my own clinic, yet I was desperate to be hired by someone else. I almost died, I almost gave up on my business, I was pleading for work abroad. I was hanging by a thread, but I kept showing up.
May mga pagkakataon na nawawala ako bilang content creator, pero bumabalik din. I have my own pace, and that’s okay.
Gumawa ako ng paraan para maiahon ang sarili ko at ang practice namin. I tried different businesses. Kahit axie nga non pinatos kong gawin. Pinursige ko pa rin ang clinic hanggang sa unti-unti naming napaunlad ito, hanggang sa maging Petology.
Akala niyong lahat madali lang ang mga pinagdaanan ko? Hindi, dugot pawis ang pinagdaanan ko. Malalim na mga gabi, mga araw na hindi nakakatulog ng maayos kaka isip sa lahat ng responsibilidad at probelma habang pinapasan ko yung mga sakit at hinanaing ng mga pasyente ko at damdamin ng mga client ko noon, lahat yan, bigat sa dibdib na ilang taon kong dala. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko.
Moving forward, kahit ilang beses akong bumagsak kahit gusto ko nang bumitaw noon siguro hindi talaga inallow ng tadhana na sumuko ako.
And today, Petology continues to grow. We’re not the biggest, but we’re proud to be serving our community as a 24/7 emergency veterinary hospital in Cavite. Slowly, we’re getting there one step at a time.
Lahat ng negosyo na meron ako ngayon, lahat nagsimula mula sa pagbagsak. Lahat nagsimula nung halos wala na ako. Never kong ikahihiya lahat ng hustle ko na ginawa sa buhay. Ito yung history na hndi lahat nakakaalam. Kaya gusto kong makita niyo yung mga totoong nangyari noon sa buhay ko.
Kaya ikaw, may sarili kang storya, may sarili kang journey, magpatuloy ka lang sa ginagawa mo. Huwag kang titigil. Huwag kang susuko. Babagsak ka, pero aahon ka rin.
Fall seven times, stand up eight!
That’s how winners are made.