26/03/2026
PAALALA PARA SA MGA KA-GRAB
Gamitin ang QR link at ilagay ang inyong Driver’s License number.
📌 Kapag “Driver Not Found” ang lumabas, ibig sabihin ay wala pa kayo sa listahan.
👉 Mag-submit lamang muli hanggang kayo ay ma-direct sa Profile Update Page.
📌 Sa Profile Update Page, siguraduhing i-update ang inyong tamang impormasyon ✔️
📌 Matapos mag-update, maghintay ng susunod na announcements at updates kung kailan at saan ang inyong schedule para sa fuel subsidy.
BAKIT POSIBLENG WALA KA SA LISTAHAN?
Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit “Driver Not Found” ang lumalabas:
1️⃣ Nasa ibang lugar ang listing mo
Maaaring ang record mo ay napunta sa ibang city (halimbawa, taga-Bulacan pero naka-list sa QC), kaya hindi ka lumalabas sa kasalukuyang listahan.
2️⃣ Hindi tugma ang iyong impormasyon
Siguraduhing eksaktong pareho ang iyong detalye sa Driver’s License — pangalan, date of birth, at spelling. Kahit maliit na error ay maaaring maging dahilan ng mismatch.
3️⃣ Duplicate o multiple platform accounts
Kung ikaw ay nasa iba’t ibang platform o may multiple entries, maaaring pansamantalang inalis ang iyong pangalan upang maiwasan ang duplicate claims. Tandaan, isang beses lamang maaaring makatanggap ng subsidy.
📌 PAALALA:
Siguraduhing tama at updated ang inyong impormasyon upang maiwasan ang aberya.
📌 PAALALA PARA SA MAY ERROR / “DRIVER NOT FOUND”:
I-check mabuti ang inyong Driver’s License details bago mag-submit:
✔️ Siguraduhing tama ang spelling ng pangalan
✔️ Walang extra space o sobrang characters
✔️ Gamitin ang tamang format (ALL CAPS kung kinakailangan, tulad ng paggamit ng “N” o “O”)
✔️ Dapat eksaktong pareho sa nakalagay sa inyong Driver’s License
📢 Malaking tulong ang tamang pag-input para maiwasan ang error at mapabilis ang proseso!
MGA KA-GRAB, PAALALA AT GABAY!
Kapag nag-error o “Driver Not Found”, huwag mag-alala 👇
👉 Mag-submit lang nang mag-submit hanggang kayo ay ma-direct sa Profile Update Page.
📌 Kapag nakapasok na sa Profile Update Page:
✔️ I-update ang tamang impormasyon
✔️ I-submit ang inyong updated profile
📌 Pagkatapos mag-submit:
👉 Maghintay lamang ng updates o announcements mula sa gobyerno o sa Grab tungkol sa inyong schedule at venue ng susunod na disbursement.
📌 Para laging updated:
✔️ Makibalita sa inyong LGU (Local Government Unit)
✔️ I-follow ang official pages ng LTFRB at DSWD
📢 I-share ito para matulungan ang iba nating ka-Grab.
Nasa comment section ang QR code