SJAD Journalism Guild- The Forthright/ Tahas

SJAD Journalism Guild- The Forthright/ Tahas The Official Publication of Saint Joseph Academy of Dasmariñas, Inc.

“ Volleyball Boys, Inuwi ang kanilang Unang Panalo sa CDAPS’AL 2024”Hindi nagpatinag ang mga manlalaro mula sa Saint Jos...
21/10/2024

“ Volleyball Boys, Inuwi ang kanilang Unang Panalo sa CDAPS’AL 2024”

Hindi nagpatinag ang mga manlalaro mula sa Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc. (SJAD), at ipinamalas ang kanilang abilidad kontra Holy Child Jesus Montessori (HCJM) sa puntos na 22-25, 25-19, 15-9 sa City of Dasmariñas Association of Private School’s Athletic League (CDAPS’AL), na naganap sa Southcrest Village noong ika-15 ng Oktubre.

Nanguna sa laro ang kanilang team captain na si Roman James Ivan Lumindas na nag-ambag ng 16 points (10 aces, 6 attacks), sinundan ni Kalel Villarreal na nagkamit ng pitong puntos (1 ace, 6 attacks), gayundin sina Prince Dominic Lumindas at John Conrad Ogang na parehas na nakakuha ng apat na puntos (3 aces, 1 attack).

Nagsimula ang unang set ng puro errors ng bawat kuponan, bagama’t pumupuntos ang SJAD, hindi pa rin maikakaila ang mga unforced errors na nakakamit ng mga ito, kung kaya’t nagresulta sa iskor na 22-25 pabor sa HCJM.

“Personally ako wala akong masyadong pressure sa sarili ko, minomotivate ko lang yung mga teammate ko kasi nakikita ko sa kanila na first set pa lang, naddown na sila. Yun yung ginagawa ko, di ako masyadong nappressure, mas minomotivate ko sila na bumawi at ipagpatuloy yung laro kahit na medyo panget yung start ng set namin” ayon kay James Lumindas

Sa ikalawang set, dikit pa rin ang laban ng dalawang kuponan, pero mas nabawasan ang kanilang mga errors kumpara sa naunang set at mas naging pursigido rin ang mga players ng SJAD sa set na ito upang makuha ang panalo kung saan humantong sa puntos na 25-19.

Sa huling set, dulot na rin ng kaba at ng pagod, marami na naman ang mga naging error, ngunit hindi nagpatalo ang SJAD at mas pinakita ang kanilang determinasyon upang manalo, kung saan napagtagumpayan naman nila ito at nagkamit ng puntos na 15-19.

“Para makapag-contribute ng score sa team, mostly nag-focus ako sa drop balls and sa servings kase walang masyadong [nagfo-focus sa] laro na yon. Ginagawa ko lang yung best ko para maayos lang [at] ma-adjust [yung game]” ayon naman kay Villareal.

|✍️: Jamille M. Fuego
|📷: Zhian Dhaimler D. Edulag

“SJAD’s Level 2 (3x3) Basketball strengthened their standings to 2-1.”A thrilling showdown happened at Blessed Mary Acad...
20/10/2024

“SJAD’s Level 2 (3x3) Basketball strengthened their standings to 2-1.”

A thrilling showdown happened at Blessed Mary Academy (BMA), last October 18, 2024, as SJAD's Level 2 - 3x3 Basketball clinched their first victory at the CDAPS-AL, defeating ISCAG (Islamic Studies, Call and Guidance of the Philippines, Inc.) with a final score of 16-11.

The match was a nail-biter, with both teams exchanging scores and displaying intense determination throughout.This game marked a crucial moment for SJAD, especially after their first match against Cavite School of Life (CSOL) was forfeited, granting them an automatic win. However, the clash with ISCAG was a true test of skill and patience, as both teams faced a do-or-die situation.

Alistair Perio was the standout player, earning the title of Player of the Game with 6 points. His performance was crucial in securing the win, but he was well-supported by teammates Xander Bagobo, who contributed 4 points, and Yuuri Marasigan, who added 3 points.

Reflecting on the game, Perio shared, “May natutunan kami sa mga pagkakamali namin at nagkaroon kami ng magandang experience,” emphasizing the valuable lessons learned despite the challenges.With this victory, SJAD improves their standings to 2-1, setting a promising tone for the remainder of the season.

| ✍️: Lorenzo M. Montaño
| 📷: Asherah Marga Pauleen C. Macalino

“Esmen Pumukol ng 18 points: SJAD Level One Men's Basketball Nakamit ang Unang Panalo.”Winalis ng koponan ng SJAD laban ...
20/10/2024

“Esmen Pumukol ng 18 points: SJAD Level One Men's Basketball Nakamit ang Unang Panalo.”

Winalis ng koponan ng SJAD laban sa atleta ng DANHILL, nasilat ang unang panalo sa score na 26-4, 44-14, 64-29, at 74 - 45 sa ikaapat na quarter, nakamit ang ika-unang panalo para sa koponan ng SJAD para sa Level 1 Basketball mens sa naganap na CDAPS’AL noong Oktubre 17, 2024 sa Salawag Proper Basketball Court.

Nagawang tambakan ng koponan ng Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc.(SJAD) ang koponan ng Danhill Academy sa Iskor na 74-45.

Muling pinatunayan ng mga batang Josephean na sina Miles Esmen at Klyde Rempis na gumawa ng puntos para sa koponan ng SJAD.

Pag sisimula ng first quarter na pinangunahan ng first five na sina Miles Esmen, Klyde Rempis, Charles Espelita, Ck De Padjua, at si Antonio III Almo, sa unang minuto ng laro magandang opensa at depensa ang ipinapakita ng bawat koponan ngunit mas-angat ang opensa ng koponan ng SJAD, isang mainit na laban para sa unang quarter ngunit natapos ang unang quarter na pabor para sa koponan ng SJAD sa puntos na 26- 4.

Mula sa second quarter at third quarter nagawang durugin ang depensa ng kalabang koponan, magandang foot work at teamwork ang pinapakita ng koponan ng SJAD sa tulong na din ng kanilang coach na si Sir Jhon Carlo Burcer, at sa bawat bitaw ng bola ng koponan ng SJAD ay nagagawang pumasok kahit alanganin kaya't nagawa nilang tapusin ang second quarter at third quarter sa puntos na 44-14 at 64 - 29.

Dinomina at namayagpag ang koponan ng SJAD laban sa DANHILL Academy, sa pag sisimula ng ikaapat at huling round mas nag init ang bawat koponan upang makuha ang panalo, pumokol ng three point shot si Klyde Rempis hudyat upang mas painitin pa ang laban mas humigpit ang depensa ng DANHILL Academy, ngunit sa galing at teamwork ng koponan ng SJAD nagawa nilang makalusot at makagawa ng puntos.

Sa huli nagawang makamit ng koponan ng Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc. (SJAD) ang panalo Laban sa Danhill Academy (DANHILL), sa huling segundo ng fourth quarter pumukol pa rin ng puntos si Miles Esmen hudyat para sa pagkapanalo at doon natapos ang laro sa puntos na 75-45 mahigit isang buwang tambak.

Ayon sa kanilang coach na si sir Jhon Carlo Burcer kaya sila nanalo laban sa Danhill Academy dahil "Na execute nila ng maayos ang bawat itinuro niyang play at mga galaw, ngunit kulang pa rin sila sa depensa at mga bench players." ngunit mas pagbubutihin nila ang pag eensayo upang makakuha ng magandang teamwork at mas lalong galingan sa bawat laro nila.

|✍️: Ian Troy D. Reyes
|📷: Marishka Nicole G. Gonzales

“SJAD Volleyball Girls, Binandera ang Galing sa Unang Laro”Pinatunayan ng volleyball girls ng Saint Joseph Academy of Da...
20/10/2024

“SJAD Volleyball Girls, Binandera ang Galing sa Unang Laro”

Pinatunayan ng volleyball girls ng Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc.(SJAD) ang kanilang husay matapos talunin ang Saint Paul College, Island Park (SPCIP) sa sunod-sunod na sets sa puntos na, 25-10 at 25-23, noong Oktubre 15, 2024 sa Blessed Mary Academy(BMA).

Umpisa pa lamang ng laban, agad nang dinomina ng SJAD ang laro sa iskor na 5-0, salamat sa mga service ace ng kanilang kapitan na si Anja Macey Reovoca.

Hindi rin nagpahuli si Ianah Sophia Nicole Agnus, na nagpakitang-gilas sa kanyang sunod-sunod na mga service, na nagresulta ng pitong service aces at naging susi sa kanilang panalo sa unang set.

Sa second set naman, lumamang agad ang kalaban na SPCIP, ngunit hindi nagpatalo ang mga manlalaro ng SJAD.

Dahan-dahan nilang hinabol ang kalamangan ng SPCIP at muling dinomina ang laro sa tulong nina Reovoca at Angus, na nagdala ng kuponan sa isang dikit na panalo sa ikalawang set.

|✍️: Cyan Franz Angcaya
|📷: Ahleighna B. Tablatin

“Teamwork and Talent Shine as SJAD Basketball Level 2 Secures First Win at CDAPS-AL 2024”Starting off their CDAPS-AL jou...
20/10/2024

“Teamwork and Talent Shine as SJAD Basketball Level 2 Secures First Win at CDAPS-AL 2024”

Starting off their CDAPS-AL journey on the right foot, Saint Joseph Academy of
Dasmariñas Inc. level 2 basketball team turned the court into a battleground of raw skill
and talent as they secured a win against Saint Paul TIC last October 15, 2024.

From the start, SJAD established the pace of the game. Their defense was powerful
stopping their opponent’s attempts to get into the lane. Their attack was also astounding,
with sharpshooters nailing three-points and players making perfect plays. Thus, achieving
a final score of 89-25.

Earning the first point for the team, Matt Celajes delivered an outstanding performance,
Being the first scorer, already contributing 16 points at the first quarter of the game, and
achieving a total of 23 points in his player stats. According to him, the strategy to pull-off
a game is having the strength to avoid nervousness and committing yourself to God.

Following Celajes, teammates Ian Troy Reyes and Laurence Jumaquin, who each scored 10
points. Their contributions were essential to keep offensive pressure against a driven Saint
Paul TIC defense. Jhared Javier also contributed 9 points, revealing SJAD's team strength
and a well-rounded team effort.

The team captain, Jervin De Guzman is responsible for leading them to success with
his dedication to the team. He claimed that, “As a team captain, I must be open-minded in
the suggested plays and strategies to win, but I have the initiative to decide how and what is
best for the team, but of course our coach first must be followed.”

The coach praised the team's effort, highlighting their hard work in practice leading up to
the tournament. SJAD will take on The First Uniting Christian School (TFUCS) in their
second game and is now preparing to attain another win to carry our school’s pride.

| ✍️: Gwyn Therese Tubanza
| 📷: Asherah Marga Pauleen C. Macalino

“SJAD Basketball Level 3, Nagtagumpay sa Unang Pagkakataon”Matinding laban ang ipinakita ng mga manlalaro mula sa Saint ...
19/10/2024

“SJAD Basketball Level 3, Nagtagumpay sa Unang Pagkakataon”

Matinding laban ang ipinakita ng mga manlalaro mula sa Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc. (SJAD) kontra The First Uniting Christian School (TFUCS) sa puntos na 48-47, sa City of Dasmariñas Association of Private School’s Athletic League (CDAPS’AL) 2024, na ginanap sa National University - Cavite (NU-C) noong Oktubre 15, 2024.

Mula una hanggang ikatlong quarter, tambak na iskor ang iniwan ng TFUCS sa SJAD, ngunit hindi nawalan ng lakas ng loob ang mga manlalaro ng SJAD at patuloy na lumaban upang makamit ang pagkapanalo.

Pagsapit ng ikaapat na quarter, nakabawi ang SJAD at nagkaroon ng makapigil-hiningang tie na nagdulot ng labis na kasiyahan at pagkabahala sa mga manlalaro at manonood, sa huling mga segundo ay nakagawa si Lee Jedred Balanza ng isang free-throw na naging dahilan ng kanilang pagkapanalo at nagtapos sa iskor na 48-47.

Itinanghal si Balanza bilang Player of the Game na nakakuha ng 19 na puntos.

Ang tagumpay na ito ay makasaysayan dahil ito ang kanilang unang panalo sa ikatlong antas ng paligsahan sa basketball sa CDAPS’AL sports event.

|✍️: Sofhia Nicole Sarmon
|📷: Victoria Amberleigh C. Bondoc

“SJAD, Namayagpag sa Larangan ng Chess sa CDAPS”Matagumpay na lumahok ang mga manlalaro mula sa Saint Joseph Academy of ...
19/10/2024

“SJAD, Namayagpag sa Larangan ng Chess sa CDAPS”

Matagumpay na lumahok ang mga manlalaro mula sa Saint Joseph Academy of Inc. (SJAD) sa larangan ng Chess sa City of Dasmariñas Association of Private School’s Athletic League (CDAPS’AL) 2024 na ginanap sa Blessed Mary Academy (BMA) noong Oktubre 9, 2024.

Nagpakita ng husay ang mga manlalaro sa iba’t ibang level ng kompetisyon at nag-uwi ng karangalan para sa kanilang paaralan.

Sa level 1; si Manalo ay nagpakita ng isang kahanga-hangang simula, kung saan siya ay nakakuha ng tatlong panalo, isang tabla, at isang talo.

Bagaman hindi napanatili ang sunod-sunod na panalo, ipinakita pa rin ang determinasyon sa laban.

Samantala, si Sobpreña, ay nagkamit ng dalawang panalo, at dalawang talo sa kanyang mga laban, habang si Vinluan naman ay nagtapos ng may isang panalo at tatlong talo.

Sa level two; pinahanga naman ni Odeña ang lahat matapos makuha ang siver medal, siya ay nagtapos ng may apat na panalo, isang tabla, at isang talo, na nagbigay sa kanya ng ikalawang puwesto sa kompetisyon.

Pagdating naman kay Tubanza, bagaman nagkaroon ng isang talo, ngunit nakapagtala pa rin ng tatlong panalo at isang tabla, na nag-resulta para sa solidong pagtatapos para sa kanya.

Bukod kay Odeña at Tubanza, si Padilla ay nagtala ng tatlong panalo, at dalawang talo, habang si Pelicano ay nagtapos ng may apat na panalo, kabilang na ang isa sa pamamagitan ng default, at isang talo.

Sa level three, kung saan ang pinakamataas na antas ng kompetisyon ay nakapaguwi ng isang gold medal si Pasquil, matapos masungkit ang tagumpay sa tie-breaker laban sa FIAT-LUX, natalo niya rin ang DLSU at nakakuha ng tatlong sunod-sunod na panalo.

Kasama rin sa mga nagsipagwagi sina Babasa at Ramos, parehong nagpakitang gilas sa kanilang laban, na nagtala ng tagumpay laban sa malalakas na kalaban.

|✍️: Cyan Franz Angcaya
|📷: Marishka Nicole G. Gonzales

"Bronze Medalist, Lumaban Hanggang Dulo"Isang kagilas-gilas ang ipinakitang laro ng SJAD laban sa CSOL sa ginanap na CDA...
19/10/2024

"Bronze Medalist, Lumaban Hanggang Dulo"

Isang kagilas-gilas ang ipinakitang laro ng SJAD laban sa CSOL sa ginanap na CDAPS’AL 2024 sa iskor na 20-21, hindi man nakamit ang slot para sa championship ngunit naiuwi pa rin ang Bronze Medal.

Naipamalas ang galing ng bawat manlalaro mula sa SJAD (Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc.) laban sa paaralan na CSOL (Cavite school of life) nakamit ng CSOL ang slot para sa Championship round laban sa SJAD sa larong badminton mens double level two na ginananp noong Oktubre 07, 2024 sa GCC Badminton court (Glory Christian Center Badminton Court).

Nakuha ng kuponan ng SJAD ang tatlong panalo na pinangunahan ng atletang sina George Chavez at Coby Quirimit, ngayon sila ay makikipag paligsahan laban sa mge atleta ng Cavite School of life (CSOL) na sina Punzalan at Florida, para sa slot ng champion ship round.

Isang magandang laban ang ipinakita ng mag kabilang kopunan, nagsimula ang unang set sa isang magandang pagpapakita ng kani-kanilang depensa at opensa, isang matinding smash ang binibitawan ni Quirimit at nakakagawa sila ng puntos kontra sa CSOL.

Ngunit nanaig ang opensa ng CSOL kaya't nakuha nila ang kalamangan sa ika unang round, sa puntos na 8-11.

Nakakapatindig balahibo ang simula ng ikalawang round, ang ginawang smash ni Chavez ang naging dahilan ng pagkakuha nila ang kalamangan sa iskor na 20-18, ngunit hindi nagpadaig ang manlalaro ng kabilang kuponan na sina Punzalan at Florida, sa dikit ng laban nagawang makahabol ng CSOL at nakuha ang panalo sa iskor na 20 - 21, nakuha nila ang slot para sa championship round.

Sa kabila ng kabiguan ng kuponan sa pagkamit ng slot para sa championship round, ginawa pa rin nila ang kanilang makakaya upang makarating at makuha ang medalyang inaasam.

Nakamit at nakuha pa rin nina Chavez at Quirimit ang bronze medal sa larong badminton mens double ng level two.

|✍️: Ian Troy D. Reyes
📷: Trish Altheia Lenchel O. Gonzales

“Quirimit, Inuwi ang Silver Medal ng Badminton Girls sa SJAD”Hindi nagpahuli sa pagpapakitang gilas si Krystelle Shaine ...
19/10/2024

“Quirimit, Inuwi ang Silver Medal ng Badminton Girls sa SJAD”

Hindi nagpahuli sa pagpapakitang gilas si Krystelle Shaine Quirimit, ang kaisa-isang babaeng atleta ng badminton, mula sa paaralan ng Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc. (SJAD), at kinalaban ang ilang mga atleta mula sa iba’t ibang paaralan, sa puntos na 21-17, 21-20, 21-18, at 21-11 kung saan nag-resulta sa pagkamit ng silver medalist, sa City of Dasmariñas Association of Private School’s Athletic League (CDAPS’AL) 2024 na ginanap sa Glory Christian Center (GCC) Badminton Court noong Oktubre 3, 2024.

Sa unang laro ni Quirimit kontra De Lasalle, parehas nagpapatagisan ng galing ang dalawang kuponan ngunit hindi pa rin nagpatalo sa pag-depensa at pag-opensa ni Quirimit, kung kaya’t humantong sa puntos na 21-17.

“Maganda yung [laro na] pinakita ni Krystelle, [mayroon siyang] footwork, determination, and focus siya sa laro kaya siya nanalo”, ani ni Coach Irish Tumesa.

Sa ikalawa at ikatlong laro, FIAT-LUX ang kuponan na kalaban ni Quirimit, kung saan parehas na nagpamalas ng talento at determinasyon para manalo, at humantong din ito sa puntos na 21-20 at 21-18.
Sa huling laro ni Quirimit kontra Legacy Academy, nakamit niya ang kaniyang huling panalo sa iskor na 21-11, kung saan nagkaroon siya ng tyansa na makapaglaro sa battle for gold.

Ngunit hindi siya pinalad na manalo kontra Marasigan Institute, at humantong ito sa puntos na 6-21.

“Tinuloy-tuloy ko pa rin po yung pagtre-training, kahit ineexpect kong matatalo ako kasi yung mga kalaban ko sa CDAPS, nakita ko na last year maglaro, tapos malalakas sila, kaya akala ko hindi ako mananalo. Very happy [nung nalaman kong magba-battle for gold ako] and very proud of myself kasi I didn’t expect [na aabot ako don]”, ayon kay Quirimit.

|✍️: Jamille M. Fuego
|📷: Trish Altheia Lenchel O. Gonzales

“Pagbubukas ng CDAPS’AL sa mga Atletang Mag-aaral”Pagsisimula ng City of Dasmariñas Association of Private School's Athl...
17/10/2024

“Pagbubukas ng CDAPS’AL sa mga Atletang Mag-aaral”

Pagsisimula ng City of Dasmariñas Association of Private School's Athletic League (CDAPS’AL) 2024, na ginanap noong Oktubre 12, 2024 sa National Computer Science and Technology (NCST), isa sa nakiisang paaralan ang Saint Joseph Academy of Dasmariñas Inc. (SJAD).

Ipinakita ng mga manlalarong Josephean na ang pagkakataong ito ay hindi lamang isang kompetisyon kundi isang tanghalan upang ipakita ang tunay na diwa ng pagiging isang atleta at mag-aaral, kung saan mayroong disiplina, sipag at respeto sa bawat isang mag-aaral at kabataan.

Handang ipamalas ng mga atleta ng SJAD ang kanilang kahusayan at talento sa iba’t ibang larangan ng isports sa tulong at gabay ng kanilang mga coaches’ staff na sina Carlo De Guzman ng Level One Men’s Basketball, Albert Fajardo ng Level Two Men’s Volleyball, Marose Chan ng Level Two Women’s Volleyball, Carl Jay Basallote ng Arnis Team, Carla Millen Layaban ng Men’s Athletics, at Aki Umpa ng Chess.

Lubos ang pagpapasalamat ng mga atleta para sa koordinaytor ng Departamento ng Sekondarya na si Delson Baccay at sa buong administrasyon ng paaralan.

Dala ang pangalan ng paaralan at nag liliyab na determinasyon ng bawat Josephean, dala ang kani-kanilang pangarap kasabay ng pag hampas at pag salo ng bola at bawat pagtakbo sa track.

Ipinapakita ng bawat isa ang kanilang dedikasyon at malasakit, hindi lamang sa kanilang kuponan kundi pati na rin sa kanilang kapwa kabataan at kapwa atleta.

Mula sa paaralan ng SJAD, isang malugod na pagbati at pagsuporta ang ipinaabot sa lahat ng kalahok.

Nawa’y magtagumpay ang buong atleta sa kani-kanilang mga layunin, at patuloy na magdala ng karangalan sa bawat paaralan at sa buong lungsod ng Dasmariñas.

Maligayang pagbubukas sa CDAPS’AL 2024!

|✍️: Ian Troy D. Reyes
|📷: Zhian Dhaimler D. Edulag & Asherah Marga Pauleen C. Macalino

Address

Saint Joseph Academy Of Dasmariñas, Inc
Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJAD Journalism Guild- The Forthright/ Tahas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share