Phil. Recorder News Publishing

Directions Website

Phil. Recorder News Publishing Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Phil. Recorder News Publishing, Media/News Company, Ivory Crest Subdivision, Salitran II, Cubao.

SSS CELEBRATES PENSIONERS' DAYGinanap ngayong Setyembre 11 ang SSS Pensioners’ Day sa Fynn Boutique Hotel sa City of Bac...
11/09/2026

SSS CELEBRATES PENSIONERS' DAY

Ginanap ngayong Setyembre 11 ang SSS Pensioners’ Day sa Fynn Boutique Hotel sa City of Bacoor, Cavite, bilang pagkilala sa mga pensionadong Pilipino na patuloy na tumatanggap ng benepisyo at serbisyo mula sa Social Security System (SSS).

Opisyal na nagsimula ang programa dakong alas-9:00 ng umaga sa pangunguna ng host na si Acy Roman. Nagbigay ng pambungad na mensahe si SSS Bacoor Branch Head Monica P. Dino, na nagsabing ang okasyon ay isang selebrasyon para sa mga pensionadong Pilipino na patuloy na pinaglilingkuran ng SSS.

Sinundan ito ng pagbati mula kay SSS Vice President for Luzon South 1 Division Edwin S. Igharas. Bukod sa kaniyang mensahe, nagkaroon din ng maikling palaro at pamamahagi ng ilang regalo mula sa SSS, na nagbigay ng dagdag na saya sa mga dumalo.

Tinalakay naman ni Sheilamarie B. Alconera, Senior Analyst mula sa SSS Bacoor Branch, ang SSS Pension Loan Program. Kabilang sa kaniyang diskusyon ang mga paalala para sa mga aplikante, mga kinakailangang dokumento, loan guidelines, at mga uri ng pensioner na maaaring mag-apply, kabilang ang retirement pensioners at surviving spouse pensioners. Ipinaliwanag din niya ang mga konsepto tulad ng Net Take-Home Pension at Aggregate Monthly Pension, pati na ang iba pang mahahalagang alituntunin sa programa.

Nagbahagi rin ng kanilang “Kuwentong SSS” sina Doris Quizon, na 11 taon nang benepisyaryo ng SSS, at Ruben Manocdo, na 17 taon nang tumatanggap ng benepisyo mula sa ahensya. Ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan bilang mga pensioner at benepisyaryo ng SSS.

Matapos ang talakayan, nagkaroon ng maikling Zumba exercise na pinamunuan ni Zumba Instructor Victor, kung saan aktibong nakilahok ang mga pensioner attendees.

Samantala, usaping pangkalusugan naman ang tampok sa “Talk on Health Wellness” na pinangunahan ni Dr. Ehmerald G. De Leon, Medical Specialist II ng SSS Bacoor Medical Evaluation Center. Tinalakay niya ang gout, isang uri ng arthritis na maaaring maranasan ng mga nagkaka-edad. Ipinaliwanag niya ang mga karaniwang sintomas, mga pagkaing maaaring may mataas na purine na dapat limitahan, at mga hakbang na maaaring gawin kapag nakararanas ng sintomas ng gout.

Bahagi rin ng programa ang paggawad ng Certificate of Appreciation sa mga partner at media partner ng SSS na naging bahagi ng programa, kabilang ang Dateline Weekly News.

Mas naging masigla ang pagdiriwang dahil sa iba't ibang palaro at raffle draws para sa mga pensioner na nagmula sa Bacoor, Kawit, at Imus. Marami sa mga dumalo ang nag-uwi ng iba't ibang regalo mula sa SSS.

Nagkaroon din ng mga booth mula sa mga partner ng SSS, kabilang ang Unilab at Dermees, na nagbigay ng karagdagang serbisyo sa mga dumalo, tulad ng blood pressure checking at pagpapakilala ng mga produktong para sa pangangalaga ng balat.

Nagtapos ang programa sa isang simpleng salu-salo para sa mga dumalo, partners, miyembro, at mga opisyal ng SSS mula sa iba't ibang sangay.

Ang SSS Pensioners’ Day ay isang taunang programa na naglalayong kilalanin at bigyang-pugay ang mga pensionadong patuloy na tumatanggap ng serbisyo at benepisyo mula sa SSS. Ngayong taon, bahagi rin ito ng pagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo ng Social Security System.

✍ Vida Branson
📷 Chamea Tacayon

AUGUST 31-SEPTEMBER 6, 2026 ISSUE
09/09/2026

AUGUST 31-SEPTEMBER 6, 2026 ISSUE

AUGUST 24-30 ISSUE
27/08/2026

AUGUST 24-30 ISSUE

AUGUST 17-23, 2026 ISSUE
19/08/2026

AUGUST 17-23, 2026 ISSUE

AUGUST 10-16, 2026 ISSUE
17/08/2026

AUGUST 10-16, 2026 ISSUE

27/07/2026

ELDAR THE WIZARD CELEBRATES 30 YEARS OF MAGIC AT ENCHANTED KINGDOM

Three decades of magic came to life as Enchanted Kingdom celebrated the 30th Birthday Bash of Eldar the Wizard on July 25, bringing together families and guests of all ages for a memorable day of fun and excitement. The celebration featured lively performances, interactive activities, and special appearances by Eldar and the EK Barkada, highlighting the park's dedication to creating unforgettable experiences for every generation. As Enchanted Kingdom's beloved homegrown character, Eldar continues to represent wonder, imagination, and happiness—proving that the magic lives on after 30 years.
| via INTERN CHAMEA TACAYON


JULY 20-26, 2026 ISSUE
21/07/2026

JULY 20-26, 2026 ISSUE

Address

Ivory Crest Subdivision, Salitran II
Dasmariñas
4114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Phil. Recorder News Publishing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share