03/12/2025
Bitbit ang militanteng diwa ni Bonifacio, tuloy tuloy ang laban ng kabataang-kababaihan para baguhin ang bulok na sistema!
Habang lumalala ang galit ng sambayanan sa malawakang korupsiyon, nakiisa ang Gabriela Youth at mga kabataang-kababaihan sa Protestang Bayan Kontra Korakot: Baha sa Luneta 2.0 noong Nobyembre 30, upang ipanawagan ang agarang pananagutan sa mga nagkamal ng yaman mula sa kaban ng bayan, ang patuloy na pagpapabaya sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan, at ang lumalalang paniniil ng estado sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.-Duterte.
Binigyang-diin ng mga kabataang-kababaihan na hindi huhupa ang galit ng mamamayan hangga’t walang makatarungang hakbang upang papanagutin ang mga mandarambong at ibalik ang mga ninakaw na yaman.
Panagutin ang mga korakot, patalsikin ang rehimeng US-Marcos, at baguhin ang bulok na sistemang pinaghaharian ng mga mandarambong at mga pasista!
Mga kuha ni Cathleen Joyce