Ang Silayan

Ang Silayan Opisyal na Pahayagang Filipino ng mga Mag-aaral at Komunidad sa Dasmariñas Integrated High School

Sa pagdiriwang ng 𝐅𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐚𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧, ipinapaalala nito ang kabanalan, ang busilak na pagka-ina, at ang ...
08/12/2025

Sa pagdiriwang ng 𝐅𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐚𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧, ipinapaalala nito ang kabanalan, ang busilak na pagka-ina, at ang matatag na pananampalataya ng Mahal na Birheng Maria. Siya ay patuloy na nagsisilbing huwaran ng pag-asa, kababaang-loob, at pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Nawa’y magsilbing paanyaya ang pagdiriwang na ito upang pagnilayan ang kahalagahan ng pananampalataya. Ito ay isang paalala na tulad ng Mahal na Ina, bawat puso ay maaaring maging sisidlan ng pag-asa at liwanag mula sa Poong Maykapal.

𝑰𝒔𝒊𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊: 𝐵𝑖𝑙𝑙𝑦 𝑀𝑎𝑟 𝐷𝑜𝑙𝑜𝑟 | 𝑂𝑝𝑖𝑛𝑖𝑜𝑛 𝑈𝑛𝑖𝑡
𝑫𝒊𝒔𝒆𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒊: 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑃𝑎𝑢𝑙𝑎 𝐷𝑒𝑙𝑜𝑠 𝑅𝑒𝑦𝑒𝑠 | 𝐷𝑒𝑠𝑖𝑔𝑛 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑙𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑈𝑛𝑖𝑡

𝐓𝐚𝐨𝐬 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢, 𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧! 💚Muling nagningning ang husay ng Ang Silayan, opisyal na pahayagan sa Filipino ng Dasm...
05/12/2025

𝐓𝐚𝐨𝐬 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢, 𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧! 💚

Muling nagningning ang husay ng Ang Silayan, opisyal na pahayagan sa Filipino ng Dasmariñas Integrated High School (DIHS) matapos ang kahanga-hangang pagpupunyagi sa nagdaang 2025 Division Schools Press Conference (DSPC) noong Nobyembre 13-22 para sungkitin ang 19 na parangal na may pitong mamamahayag na aabante sa Reconfigured Regionals Schools Press Conference (RRSPC).

Bunga ng kanilang dedikasyon at masinsinang paghahanda, pinarangalan ang DIHS bilang 2nd Best Performing Secondary School sa buong dibisyon ng Dasmariñas.

Dagdag pa rito, pinatunayan ng Collaborative and Desktop Publishing Team ang kanilang talento nang itanghal bilang 2nd Best Publication.

Sa pagpapamalas ng pambihirang galing, nakapag-uwi ang Ang Silayan ng 19 na Phase 2 Qualifiers, at mula sa hanay ng mga ito, pito ang matagumpay na tutungtong sa Regional Journalism Camp—isang mahalagang hakbang bilang paghahanda para sa nalalapit na RRSPC.

Ang tagumpay na ito ay isang malinaw na testamento ng kanilang husay at talentong bunga ng sipag, tiyaga, at walang sawang pag-eensayo—mula sa trainings hanggang sa huling araw ng kompetisyon. Patunay na ang dedikasyon ay nagbubunga ng karangalan, hindi lang para sa paaralan, kundi para sa bawat mamamahayag na nagsumikap at nangarap. 💚

Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming butihing tagapayo, Gng. Terry! 💚🎉Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang in...
25/11/2025

Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming butihing tagapayo, Gng. Terry! 💚🎉

Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw. Karapat-dapat na ipagdiwang ang inyong kaarawan dahil sa mga kontribusyon ninyong ibinahagi at pagsusumikap na walang katumbas pagdating sa pagtuturo ng pamamahayag para sa publikasyon. ✒️💗

Taos-pusong nagpapasalamat ang patnugutan sa inyong walang sawang pag-suporta sa ating publikasyon. Tunay na aming pinahahalagahan ang inyong pagtiya-tiyaga sa anumang sirkumstansiya. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng kasiglahan, kalusugan at kagalakan sa buhay. Maraming salamat at muli, maligayang kaarawan, Gng. Terry! 🥳

- Lupong Patnugutan ng Ang Silayan 💚💛

Maligayang Kaarawan sa aming malikhain na Illustration and Design Layout Editor ng Ang Silayan, Alliya! 🎨✨🎉Sa likod ng b...
11/11/2025

Maligayang Kaarawan sa aming malikhain na Illustration and Design Layout Editor ng Ang Silayan, Alliya! 🎨✨🎉

Sa likod ng bawat obra mo ay hindi lang ganda at kulay ang nangingibabaw, kundi ang diwa, emosyon, at kwento na nagbibigay-buhay sa ating mga pahina. 💫💚

Salamat sa iyong walang sawang pagkamalikhain at dedikasyon sa pagbibigay-buhay sa ating mga pahina ng publikasyon. Isa kang tunay na inspirasyon sa larangan ng sining at pamamahayag. 📰🖋️

Muli, maligayang kaarawan, Alliya!
Nawa’y patuloy kang maging kamay at mata ng sining at katotohanan, naglalarawan ng mga kuwentong nagbibigay saysay sa bawat mambabasa. 🌟

Sa 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚, inaalala at ipinagdarasal natin ang mga yumaong mahal sa buhay, ang mga naunang tumawid sa pili...
02/11/2025

Sa 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚, inaalala at ipinagdarasal natin ang mga yumaong mahal sa buhay, ang mga naunang tumawid sa piling ng Maykapal. Nawa’y maging gabay sa atin ang kanilang mga alaala upang patuloy nating pahalagahan ang buhay, pananampalataya, at pagmamahalan. Sapagkat sa bawat dasal at kandilang ating sinisindihan, buhay ang inaalala—patunay na ang pag-ibig na walang hanggan ay hindi nagwawakas kahit sa kamatayan. 🕯️🤍

𝑰𝒔𝒊𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊: 𝑉𝑒𝑟𝑎 𝐾𝑖𝑚 𝑁𝑒𝑔𝑟𝑖𝑡𝑜 | 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝐸𝑑𝑖𝑡𝑜𝑟
𝑫𝒊𝒔𝒆𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒊: 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑃𝑎𝑢𝑙𝑎 𝐷𝑒𝑙𝑜𝑠 𝑅𝑒𝑦𝑒𝑠 | 𝐷𝑒𝑠𝑖𝑔𝑛 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑙𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑈𝑛𝑖𝑡

Sa pagsapit ng 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, isinasapuso natin ang pagpapahalaga sa mga santong pinagkalooban ng Diyos ng kabanalan...
01/11/2025

Sa pagsapit ng 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, isinasapuso natin ang pagpapahalaga sa mga santong pinagkalooban ng Diyos ng kabanalan at pananampalataya. Sa pamamagitan ng pagdarasal at paggawa ng kabutihan, nawa’y maisabuhay natin ang kanilang halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod sa kapwa, sapagkat lahat ay may puwang sa puso ng Diyos. 🌟

𝑰𝒔𝒊𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊: 𝑁𝑜𝑟𝑙𝑖𝑎 𝑀𝑎𝑐𝑎𝑠𝑎𝑙𝑜𝑛𝑔 | 𝐴𝑠𝑠𝑜𝑐𝑖𝑎𝑡𝑒 𝐸𝑑𝑖𝑡𝑜𝑟-𝑖𝑛-𝐶ℎ𝑖𝑒𝑓
𝑫𝒊𝒔𝒆𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒊: 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑃𝑎𝑢𝑙𝑎 𝐷𝑒𝑙𝑜𝑠 𝑅𝑒𝑦𝑒𝑠 | 𝐷𝑒𝑠𝑖𝑔𝑛 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑙𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑈𝑛𝑖𝑡

𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦 𝗝𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦!🏆 THE MOMENT OF TRUTH! 🏆After the three-day intense competition and pouring their hearts o...
14/10/2025

𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦 𝗝𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦!
🏆 THE MOMENT OF TRUTH! 🏆After the three-day intense competition and pouring their hearts onto the page, it's time to honor the brilliant minds behind the bylines. The School Press Conference 2025 Awarding Ceremony is not just about medals; it's a recognition of courage, curiosity, and the commitment to truth.

Join us for the SPC 2025 Awarding Ceremony as we unveil the outstanding voices and talents of this year's Schools Press Conference. And remember: 𝙤𝙣 𝙒𝙚𝙙𝙣𝙚𝙨𝙙𝙖𝙮𝙨, 𝙬𝙚 𝙬𝙚𝙖𝙧 𝙥𝙞𝙣𝙠. 😉

🗓️: OCTOBER 15 (Wednesday!) | 🕐: 1:00 PM - 5:00 PM

𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦 𝗝𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦!
🏆 THE MOMENT OF TRUTH! 🏆 After the intense three-day competition and pouring their hearts onto the page, it's time to honor the brilliant minds behind the bylines. The School Press Conference 2025 Awarding Ceremony is not just about medals; it's a recognition of courage, curiosity, and the commitment to truth.

Join us for the SPC 2025 Awarding Ceremony as we unveil the outstanding voices and talents of this year's Schools Press Conference. And remember: 𝙤𝙣 𝙒𝙚𝙙𝙣𝙚𝙨𝙙𝙖𝙮𝙨, 𝙬𝙚 𝙬𝙚𝙖𝙧 𝙥𝙞𝙣𝙠. 😉

🗓️: OCTOBER 22 (Wednesday!)
🕐: 1:00 PM - 2:30 PM - SILAYAN
🕐: 2:30 PM - 4:00 PM - GLIMPSE

Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming butihing tagapayo, Bb. Donna Maikka Baldos! Sa likod ng bawat artikulo at p...
12/10/2025

Isang maalab na pagbati ng kaarawan sa aming butihing tagapayo, Bb. Donna Maikka Baldos! Sa likod ng bawat artikulo at pahina ng Ang Silayan, nariyan kayo bilang gabay at inspirasyon na patuloy na nagtuturo sa amin ng disiplina, sipag, at puso sa larangan ng pamamahayag. Ang inyong pagtitiyaga at malasakit ay nagsisilbing ilaw na gumagabay sa amin upang maging mas mahusay hindi lamang bilang manunulat, kundi bilang mga mamamayang may malasakit sa katotohanan. ✒️💗

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng kasiglahan, kalusugan, at kagalakan sa buhay. Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay at pagiging haligi ng aming organisasyon—isang tunay na huwaran ng dedikasyon at karunungan. Maligayang kaarawan po muli, Bb. Donna! 🎂🎉

- Lupong Patnugutan ng Ang Silayan 💚💛

𝐇𝐎𝐌𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐒 🏆🌟𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | Hinirang bilang pangkalahatang kampeon ang Dasmariñas Integrated High School (DIHS) matapos...
08/10/2025

𝐇𝐎𝐌𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐒 🏆🌟

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | Hinirang bilang pangkalahatang kampeon ang Dasmariñas Integrated High School (DIHS) matapos pamunuan ang tuktok ng talaan ng mga medalya sa ginanap na Dasmariñas Inter-Public Schools Secondary Schools Athletic Assocation Meet (DIPSSAA) nitong makaraang Setyembre 24 hanggang Oktubre 1.

Nagsalansan ang DIHS nang kabuuang 52 gold, 28 silver at 17 bronze medals para tanghaling kampeon sa kumpetisyon habang kinopo naman ng Dasmariñas North National High School (DNNHS) ang ikalawang puwesto na may 16 gold, 14 silver at 28 bronze medals kalakip ang pagsukbit ng Dasmariñas East Integrated High School (DEIHS) ng ikatlong puwesto na may 14 na ginto, at parehong 12 na pilak at tanso sa nasabing inter-public meet.

𝑰𝒔𝒊𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊: 𝐽𝑜ℎ𝑛 𝐴𝑛𝑑𝑟𝑒𝑤 𝑆𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 | 𝑃𝑢𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑡𝑛𝑢𝑔𝑜𝑡
𝑫𝒊𝒔𝒆𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒊: 𝐴𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎 𝐶𝑎𝑡ℎ𝑙𝑒𝑒𝑛 𝑀𝑎𝑐𝑜𝑦, 𝑀𝑎𝑟𝑐ℎ𝑒𝑙𝑎 𝑆𝑦𝑟𝑖𝑒𝑙 𝐽𝑎𝑒𝑖 𝑇𝑢𝑟𝑙𝑎 | 𝑃𝑎𝑡𝑛𝑢𝑔𝑜𝑡 𝑛𝑔 𝐼𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝐷𝑖𝑠𝑒𝑛𝑦𝑜, 𝐼𝑙𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑑 𝐷𝑒𝑠𝑖𝑔𝑛 𝑈𝑛𝑖𝑡
𝑺𝒐𝒖𝒓𝒄𝒆: 𝑫𝑰𝑷𝑺𝑺𝑨𝑨 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒓𝒅𝒔 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆

𝙎𝙤, 𝙖𝙧𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝙞𝙩?📝Campus journalists, this is your moment to 𝐬𝐡𝐢𝐧𝐞! The School Press Conference is right around ...
07/10/2025

𝙎𝙤, 𝙖𝙧𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝙞𝙩?📝

Campus journalists, this is your moment to 𝐬𝐡𝐢𝐧𝐞! The School Press Conference is right around the corner — a test not only of skill and creativity, but also of your passion for campus journalism. 🌟

Here’s everything you need to know before you take the spotlight:

📋 𝗠𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝗰𝘀 & 𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀
SPC is open to all 𝐀𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐞𝐝 qualifiers from both publications. To make sure you’re fully prepared, take note of the following reminders:

🕒 Arrive early! Please be at the venue 𝟒𝟎 𝐦𝐢𝐧𝐮𝐭𝐞𝐬 before your designated schedule to avoid delays and ensure a smooth start.

🖊️ Bring your essentials:
Pen & Pencil ✏️
Paper 📄
Water & Snacks 💧🍪
Mini Fan 🌬️ (stay cool under pressure!)

💡 Be prepared:
Keep your mind sharp, your heart steady, and your focus on point. Journalism isn’t just about writing — it’s about courage, curiosity, and commitment.

🗓️ Please be also mindful with our schedules!

OCTOBER 8
🕗 8 AM – 10 AM • News (Advanced)
🕙 10 AM – 12 NN • Feature (Advanced)
🕐 1 PM – 3 PM • Editorial & Column (Advanced)
🕒 3 PM – 5 PM • Editorial Cartooning (Advanced)

OCTOBER 9
🕗 8 AM – 10 AM • Scitech & Sports (Advanced)
🕙 10 AM – 12 NN • Photojournalism (Advanced)
🕐 1 PM – 3 PM • Copyreading (Advanced)

OCTOBER 10
🕗 8 AM – 12 NN • Collaborative & Radio Broadcasting
🕐 1 PM onwards • Critiquing & Selection

OCTOBER 15
🏆 1 PM – 4 PM • Awarding Ceremony

✨ Final Tip:
Write with passion. Speak with truth. Create with purpose.
Your words have power — let them move hearts and minds.
Get ready, campus journalists. 𝗦𝗣𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝘀 𝗻𝗼𝘄! 🖋️💫

𝐒𝐀𝐑𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐐𝐔𝐀𝐓𝐑𝐎 🎱🏆𝗗𝗜𝗣𝗦𝗦𝗔𝗔 | Diskarte ang naging puhunan ni defending champs Angel Cruzada ng Dasmariñas Integrated High ...
07/10/2025

𝐒𝐀𝐑𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐐𝐔𝐀𝐓𝐑𝐎 🎱🏆

𝗗𝗜𝗣𝗦𝗦𝗔𝗔 | Diskarte ang naging puhunan ni defending champs Angel Cruzada ng Dasmariñas Integrated High School (DIHS) makaraang magpamalas ng mga taktikang tira kontra bilyarista ng Dasma East sa 9-Balls Womens Final Match-Up, upang maisilad ang 4-peat trophy sa katatapos lamang na Dasmariñas Inter-Public Schools Secondary Schools Athletic Assocation Meet (DIPSSAA) sa Dasmarinas East Integrated High School (DEIHS), Septyembre 24-25.

Samantala, sumikwat ng pilak na medalya para sa Men's 9-Ball category si Duncan Mc Leod Salamero sa DIHS Pool Team upang makumpleto ang kabuaang dalawang medalya na ginto at pilak ng koponan sa nabanggit na torneyo.

𝑰𝒔𝒊𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊: 𝐷𝑒𝑛𝑣𝑒𝑟 𝐽𝑒𝑑 𝐴𝑛𝑑𝑒𝑠 | 𝑃𝑎𝑡𝑛𝑢𝑔𝑜𝑡 𝑛𝑔 𝐼𝑠𝑝𝑜𝑟𝑡𝑠
𝑳𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏: 𝐴𝑛𝑡ℎ𝑜𝑛𝑒𝑡𝑡𝑒 𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙 𝑅𝑒𝑠𝑚𝑎 | 𝑃ℎ𝑜𝑡𝑜 𝑈𝑛𝑖𝑡

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧! 🎉🤍💚Matapos ang mahabang proseso ng pagpili ng mga aplikante upang mapabil...
06/10/2025

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧! 🎉🤍💚

Matapos ang mahabang proseso ng pagpili ng mga aplikante upang mapabilang sa aming publikasyon, narito na ang resulta ng mga panibagong kawani ng Ang Silayan!

📩 Pakicheck ang inyong emails para sa opisyal na anunsyo at karagdagang detalye.

Muli, malugod naming kayong tinatanggap bilang bahagi ng pamilya ng Ang Silayan. 💚

Address

Dasmariñas Integrated High School
Dasmariñas
4115

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Silayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Silayan:

Share