11/10/2025
AKALA MO TAPOS NA?
Sa bawat laban, may mga panahong gusto mo nang bitawan.
Sa bawat dasal na parang walang sagot, may tanong na “Lord, hanggang kailan?”
At sa bawat pagkabigo, may takot na baka hindi na muling bumangon.
Minsan binibigay mo na lahat:oras, luha, tiwala, pero tila wala pa ring nangyayari.
Minsan napapaisip ka, “Baka hindi para sa’kin.”
Pero paano kung hindi naman ending, kundi building season pala?
Kasi minsan, hindi ka naman tinalikuran ni Lord, tinuturuan ka lang Niyang tumibay.
Hindi ka Niya binabasag para masaktan, kundi para maihulma.
At hindi ka Niya pinapahinga para sumuko, kundi para maghanda sa susunod na hakbang.
Sa episode na ito, pag-uusapan namin ang mga sandali ng pagod, paghinto, at pagbangon, kung paano ang mga “ayoko na” moments natin ay nagiging “but God” testimonies.
Kasi sa dulo, hindi mo kailangang maging malakas palagi.
Minsan sapat na yung “Lord, pagod na ako… pero susunod pa rin ako.”
🎧 Stream Episode 10 here:
👉 https://open.spotify.com/show/3EhejBjmjVTnKIo1G1IPot