24/07/2025
Sa loob lamang ng buong isang linggo ay nasaksihan natin ang love story na nakatakot!
Si Crising ay nililigawan ni Dante, na nahihiyang lumapit sa kanya. Kaya, itong isang pang manliligaw na si Emong ay lumakas ang loob at gustong lamangan si Dante... Dahil dito nakapukaw ng attention ni Habagat ang alitan ng dalawa at pilit silang pinaglalayo bago pa magkasagupaan... Grabe ang tension na dulot nila... Lingid sa kanilang lahat ay nakaalis na si Crising at nasa piling na ng iba.
Sa isang banda, may mga nakamasid sa di kalayuan na may tinatagong damdamin para sa mga nabanggit...
Lubayan nyo na po ang bansang Pilipinas...dun po kayo mag away sa Arena ng Pacific para pagdating dito sa amin ay kalmado na kayo at di na nagngingit sa galit....