26/07/2025
For you to know, hindi naghihigpit or nagiging strikto ang choreo/mentor mo para sa sarile nya, although nandun na yung point na mapapahiya sya pag pangit ang performance ng group kaya sya nagsusungit, isinasaalang alang padin nya yung kalalabasan ng performance nyo. Di mo ba alam na halos di naman sya yung nakakarecieve ng credits pag napupuri ka ng tao kase ang galing galing mo? Di mo ba alam na halos hindi naman alam ng tao na sya yung reason bat ganyan ka ngayon? After all, nagbibigay sya ng pointers/strategy, para maimprove kung ano yung meron ka sa pamamagitan ng experience nya sa larangan na pinasok mo ngayon for free!!. So anong karapatan mo para pakitaan sya ng attitude? Katamaran, kayabangan, di pagsunod at kung ano ano pa. Di mo ba alam na matutulog nalang yan combi parin ang iniisip para sa susunod na laban nyo? Di mo ba alam stressed na yan madalas kase gusto nya yung best para sa inyo! Ang hirap kaya mag buo ng set lalong lalo na kung ipanlalaban nyo! Kaya respect para dun sa taong walang ibang inisip kundi yung ikabubute nyo, respect para dun sa taong tumulong marating kung sino ka man ngayon, respect para dun sa taong never mong napasalamatan or nasuklian manlang ng kabutihan after all ng naitulong nya sayo. Just remember na kung nagsacrifice ka para sa group, mas malaki yung naisacrifice nya, kaya salute to all choreo's out there! Keep pushin' forward. One day, mangyayari din yung nais natin