24/06/2025
โข Ang pagpaligo sa patay, pagbalot sa kanya, pagsagawa ng salรกh para sa kanya at ang paglibing sa kanya ay gawaing Fardh Kifรกyah. 6 Na kapag ito ay nagawa na ng iilang mga muslim, ay mawawala na ang pananagutan sa lahat.
โข Ang unang taong nararapat na magsagawa ng paliligo sa patay ay ang taong nais ng patay na mag- paligo para sa kanya โ ang taong kanyang ihinabilin na magpaligo sa kanya.
โข Kasunod ay ang kanyang ama, sapagkat siya ang pinakamalapit sa kanya at higit na nakaaalam sa kanyang anak. Kasunod nito ay ang mga taong may malapit na ugnayan sa kanya na mula sa pamilya niya.
โข Paliliguan ang babaeng namatay ng taong ihinabilin niyang mag- paligo sa kanya. Pagkatapos ay ang kanyang ina, anak na babae at kasunod ang mga taong may malapit na ugnayan sa kanya mula sa kanyang pamilya.
โข Paliliguan ang asawang lalake ng kanyang asawang babae. Batay sa sinabi ng sugo ni Allรกh (๏ทบ) kay 'รi- sha (ra):
"ู
ุง ุถุฑู ูู ู
ุช ูุจูู ุบุณูุชู"
"Walang masama sa iyo kung saka-ling mauna ka sa akin sa pagyao na ako na ang magpapaligo sayo?" 7
โข Paliliguan naman ng asawang babae ang kanyang asawang lalake. Sapagkat si Abu Bakr ay naghabilin na paliliguan siya ng kanyang asawa. 8
โข Maaring paliguan ng lalake at babae ang bata na ang edad ay mababa sa pitong taong gulang; ito man ay babae o lalake. Sapagkat ang 'awrah 9 niya ay hindi pa sakop ng kabawalan.
โข Kapag namatay ang isang lalake sa pagitan ng mga kababaihan, o kaya ay ang isang babae sa pagitan ng mga kalalakihan (na hindi niya asawa), hindi na ito paliliguan pa, sa halip ay lalapatan na lamang ito ng Tayammum. Ito ay sa pamamagitan ng pagtapik ng isang beses sa lupa gamit ang dalawang palad, pagkatapos ay ihahaplos ang mga ito sa mukha ng bangkay at ihahaplos ito sa ibabaw ng dalawa niyang kamay.
โข Harรกm na paliguan ng muslim ang bangkay ng kรกfir o kaya ang paglibing sa kanya. Batay ito sa winika ni Allรกh:
"Huwag mo ngang dasalan ang si-numan sa kanila na namatay at huwag kang tumayo sa puntod nila. Tunay na sila ay tumangging manampalataya kay Allรกh at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay sumusuway." 10
Kung ipinagbawal nga ang pagsasagawa ng sรกlah para sa kanila, kung saan ito nga ay pinaka dakilang gawain, ano pa kaya ang gawaing mas mababa pa dito?
โข Sa sandaling huhugasan na ang bangkay, Sunnah na takpan ang kanyang 'awrah. 11 pagkatapos ay huhubarin ang kanyang kasuutan, pagtakpan siya sa paningin ng mga tao marahil siya ay nasa hindi kaaya-ayang kalagayan [larawan #1].
โข Iangat ang kanyang ulo sa posisyon na malapit na sa pag-upo. Hagurin ng marahan ang kanyang tiyan upang lumabas ang dumi sa kanyang tiyan. Damihan ang pagbuhos ng tubig upang matangay ang anumang lumalabas na dumi sa kanya [larawan #2].
โข Ipulupot ng tagahugas sa kanyang kamay ang tela o magsuot ng guwantes upang linisin ang maselang bahagi ng katawan ng bangkay (hugasan niya ang ari ng bangkay) ng hindi niya ito tinitingnan at hinahawakan. Ito ay kung ang patay ay pitong taong gulang na pataas [larawan #3].
โข Pagkatapos nito ay isagawa sa patay ang wudhu' kagaya ng wudhu' na ginagawa sa salรกh. Batay ito sa sinabi ng sugo ni Allรกh (๏ทบ) hinggil sa mga paligo na ginawa sa kanyang yumaong anak na si Zaynab:
"ุงุจุฏุฃู ุจูู
ูููุง ู ู
ูุงุถุน ุงููุถูุก ู
ููุง"
"Simulan ninyo ang paghugas sa kanang bahagi ng kanyang katawan at sa mga bahaging dinadanaan ng wudhรบ' sa kanyang katawan." 12
Subalit, huwag ng ipasok ang tubig sa kanyang ilong at bunganga, sa halip ay ipasok ng tagahugas ang dalawa niyang daliri na binalot ng basang tela at ipahid niya ito sa dalawang labi ng bangkay at sa kanyang mga ngipin kasama ang dalawang butas ng kanyang ilong.
Sunnah na hugasan ang kanyang buhok at balbas gamit ang tubig na may halong green lote leaves (mabangong dahon). Ang matitirang tubig ay ipanghuhugas sa kanyang katawan [larawan #4 at #5].
empty
โข Pagkatapos nito, hugasan ang kanang bahagi ng kanyang katawan sa harap [larawan #6] at sa bandang likuran [larawan #7].
empty
Ganito rin ang gagawin sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Ang mga ito ay batay sa naunang Hadith na ating nabanggit
"ุงุจุฏุฃู ุจูู
ูููุง"
"Simulan ninyo ang paghugas sa kanang bahagi ng kanyang katawan."
At uulitin ang pangalawang paghugas sa kanya at pangatlo batay sa sinabi ng sugo (๏ทบ):
"ุงุบุณููุง ุซูุงุซุง"
"Hugusan mo siya ng tatlong beses."
Sa bawat pagkakataon ay papasadahan ng kamay niya ang tiyan ng bangkay at kapag may lalabas pa mula sa kanya na dumi ay muli niyang linisin ito.
โข Paabutin ng tagahugas ang kanyang paghugas hanggang tatlong beses, ngunit walang masama kung aabot ito hanggang pitong beses kung kinakailangan.
โข Sunnah ang paglagay ng camphor sa huling bahagi ng paghugas sa kanya. Sinabi ng sugo ni Allรกh (๏ทบ):
"ุงุบุณูู ูู ุงูุบุณูุฉ ุงูุงุฎูุฑุฉ ูุงููุฑุง"
"Gamitin ninyo sa huling bahagi ng paghugas ang camphor."
Ito ay mabangong sangkap na karaniwang nagtataboy ng mga insekto.
โข Mustahab 13 na paliguan ang bangkay ng malamig na tubig, maliban kung kailanganin ng tagahugas na gumamit ng mainit na tubig sanhi ng maraming dumi sa katawan ng bangkay. Gagamit siya ng sabon at wag niya itong hilurin ng mariin upang hindi masugat ang balat ng bangkay.
โข Mustahab na putulan ang bigote ng bangkay at ang kanyang mga kuko, kapag ito ay humaba ng hindi na karaniwan. Samantala, ang balahibo sa kilikili at sa maselang bahagi ng katawan ng bangkay ay hindi na puputulan.
โข Itali sa tatlong bahagi ang buhok ng babae at ilagay sa kanyang likuran.
โข Mustahab na punasan ang katawan ng bangkay pagkatapos ito paliguan.
โข Kapag lumabas sa bangkay ang dumi (gaya ng tae, ihi at dugo) pagkaraan itong hugasan ng pitong beses, tatakpan ng bulak ang kanyang ari, hugasan ang parte na dinapuan ng dumi at pagkatapos ay isagawa ulit sa kanya ang wudhรบโ. Subalit kapag lumabas parin sa kanya ang dumi pagkatapos na siya ay mabalot na, hindi na kailangan pang ulitin ang paliligo sa kanya, sapagkat ito ay pabigat na.
โข Kapag namatay ang taong nasa kalagayan ng ihrรกm sa Hajj o โUmrah, siya ay paliliguan gamit ang tubig na may sidr gaya ng nauna ng ipaliwanag. Subalit, hindi na siya lalagyan ng pabango at hindi na tatakpan ang kanyang ulo kung siya ay lalake. Batay ito sa sinabi ng sugo ni Allรกh (๏ทบ) sa isang taong namatay habang siya ay nasa kalagayan ng ihrรกm sa Hajj:
"ูุง ุชุฎู
ุฑูุง ุฑุฃุณู ูุฅูู ูุจุนุซ ููู
ุงูููุงู
ุฉ ู
ูุจูุง" "ูุง ุชุญูุทูุง"
"Huwag ninyo siyang lagyan ng pabango." "Huwag ninyong takpan ang ulo niya, sapagkat siya ay muling bubuhayin sa Araw ng Pagkabuhay muli na nagsasagawa ng Talbiyah 14 ." 15
โข Ang taong na-shahรญd sa digmaan ay hindi na paliliguan sapagkat ang sugo ni Allรกh (๏ทบ) ay:
"Ipinag-utos niya na ilibing na lamang ang mga namatay sa digmaan sa Uhud na suot ang kanilang mga kasuutan at hindi na sila paliliguan pa." 16
Ililibing ang shahรญd na suot ang kanyang damit pagkaraang tanggalin sa kanya ang kanyang sandata. Hindi na siya dadasalan ng salรกtul janรกzah sapagkat hindi nagsagawa ng salรกh ang sugo sa mga naging shahid sa digmaan sa Uhud.
โข Ang bilig [namumuong sanggol] na hindi nabuo sa sinapupunan ng kanyang ina, kapag ito ay umabot na sa apat na buwan ay paliliguan, dadasalan at papangalanan. Batay ito sa sinabi ng sugo (๏ทบ):
"ุฅู ุฃุญุฏูู
ูููู ูู ุจุทู ุฃู
ู ุฃุฑุจุนูู ููู
ุง ูุทูุฉ, ุซู
ูููู ู
ุซู ุฐูู, ุซู
ูููู ู
ุถุบุฉ ู
ุซู ุฐูู, ุซู
ูุฑุณู ูู ุงูู
ูู ููููุฎ ููู ุงูุฑูุญ"
"Tunay na ang isa sa inyo ay nasa sinapupunan ng kanyang ina sa loob ng apatnapung araw na isang nutfah (punlay), pagkaraan noon ay magiging isang kimpal na โalaqah na gaya niyon, pagkatapos ay magiging isang mudgah na gaya niyon, pagkatapos ay ipadadala sa kanya ang isang Anghel na magbubuga sa kanya ng kaluluwa" 17
โข Ang ibig sabihin nito: Ito ay sa pagkalipas na ng apat na buwan, samantala, kapag hindi pa aabot ng apat na buwan ang bilig [namumuong sanggol], ito ay isang kapirasong laman pa lamang na ililibing na lang saan man na hindi na paliliguan at dadasalan.
โข Sinumang naantala ang pagpaligo sa kanya sanhi ng kawalan ng tubig, o kaya ay nagutay-gutay ang kanyang katawan, o kaya ay nasunog ito, lalapatan na lamang ito ng Tayammum. Sa pamamagitan ng pagtapik sa lupa ng dalawang kamay ng isa sa mga naghahanda sa kanya, ipupunas niya ang mga ito sa mukha ng bangkay at sa ibabaw ng dalawang kamay nito.
โข Nararapat sa nagpaligo ng patay na ilihim niya ang anumang makikita niyang hindi kanais-nais sa katawan ng bangkay. Gaya ng kadiliman sa mukha nito, o kaya ay ang makikita niyang bakas na hindi maganda sa katawan nito at iba pa na kagaya nito. Sinabi ng sugo (๏ทบ):
"ู
ู ุบุณู ู
ุณูู
ุง ููุชู
ุนููู, ุบูุฑ ุงููู ูู ุฃุฑุจุนูู ู
ุฑุฉ."
"Sinuman ang magpaligo sa isang patay na muslim at ililihim niya ang anumang nakita niya rito, ay patatawarin siya ni Allรกh ng apatnapung beses." 18