
07/06/2025
PUWEDE / HINDI PUWEDENG MAGING QURBAN O AQEEQAH❗❗❗
👉👉 Kapansanan ng Hayop na hindi puwedeng maging Qurban o Aqeeqah:
a- Pagkaroon ng kapansanan sa mata, pagkabulag, o pamumuti ng mata o pagkawala ng paningin ng isang mata o ang kabuuwan nito.
b- Maysakit at hayag ang sakit nito, o anumang sakit na makaapekto sa kanyang kalusugan .
c- Pilay at hayag ang pagkapilay.
d- Payat na halos walang laman
👉 Tinanong ang Mahal na Propeta: “Ano ang dapat iwasan sa pagsasagawa ng pagkatay?
“ Siya ay nagbigay ng sinyalis sa pamamagitan ng kanyang kamay at sinabi na ito ay apat:
1-“Ang pilay (na hayop) na hayag ang pagkapilay,
2-Ang may kapansanan sa mata na hayag din ang kapansanan (pagkabulag o pagkasira ng isang mata),
3-Ang maysakit na hayag ang sakit,
4- Subrang payat na halos walang laman”
👉👉 Mga kapansahan na hindi makakaapekto sa Qurban at Aqeeqah:
a- Sakit na hindi nakaapekto sa kalusugan,
b-Pagkaputol ng sungay o ang hayop na walang sungay,
c-Naputulan ng buntot,
d-Naputulan ng ari,
e- Naputulan ng tainga o nabiyak o nasugatan ang tainga,
f-Ang tamad na hayop na ayaw gumalaw,
g- Pagkatanggal ng mga ngipin
h- Ang hindi halatang pagkapilay o pagkasakit.
i- Ang kasarian ng kambing ay hindi rin makakaapekto sa Kurban, kaya maaaring katayin ang babae o lalaking kambing
DAGDGAN KAALAMAN:
-Ang hayop na kakatayin para sa Aqeeqah at Qurban ay pareho lang ang kundisyon nito❗
-Maaaring mging Aqeeqah o Qurban ang hayop na lalaki, babae, may sungay, walang sungay, buntis o hindi.
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "ان رسولَ اللهِ صلَّى اللهُ علَيهِ وسلَّم سُئِل : ماذا يُتَّقَى من الضَّحايا؟! فأشار بيده، فقال: أربعًا: العَرْجاءُ البَيِّنُ ظَلْعُها والعَوْراءُ البَيِّنُ عَوَرُها، والمرِيضةُ البَيِّنُ مَرَضُها، والعَجْفاءُ الَّتِي لا تُنْقِي" حديث حسن
✍️ Zulameen Sarento Puti
Photos mine.