31/10/2025
Pangulong Marcos Jr. Walang meeting kay Trump at Xi sa (APEC).
BINAWASAN ANG IMPORT TARIFF
Nagkasundo na sina US Pres. Donald Trump at Chinese Pres. Xi Jinping na bawasan ang ipapataw na taripa ng Amerika sa mga produktong aangkatin galing sa China.
Mula sa dating 57%, ibinaba ng US sa 47% ang ipapataw na import tariff sa mga produkto galing China.
Bilang kapalit, nangako naman ang Beijing na itutuloy nila ang pag-export ng rare earth materials, pag-import ng US soybeans, at pagsugpo sa fentanyl trade na problema ngayon sa Amerika.
Idinaos ng dalawang lider ang kanilang meeting sa Busan, South Korea. Ito ang unang pulong nina Trump at Xi mula noong 2019.