
31/07/2024
Assalamo alaykom
Ingatan po natin ang ating mga anak dahil isang Grade 11 Senior High Student ang biktima ng panggagahasa ng limang kalalakihan sa bahagi ng Timako, Kalanganan 2 sa Cotabato City.
Ayon sa biktima ay papasok sana ito ng eskwela alas syiete ng umaga kahapon, July 30,2024 ay sumakay ito sa payong-payong na striker at habang nasa biyahe ay tinutukan ito ng baril ng back rider at dinala sa may bahagi ng Timako Area.
Pagdating naman doon ay may nag-aabang na itim na van na may tatlong kalalakihan at sapilitan itong pinainom ng tubig na nagging dahilan ng pagkawala na kanyang malay at doon ay pinagsamantalahan ito.
Sa ngayon ay tinutukan naman ng mga kapulisan ang kasong ito at magbibigay din ng pabuya ang LGU Cotabato City sa makakapagturo sa mga salarin.