30/08/2025
๐๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐๐ข๐ง| "๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐: ๐๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐"
Maligayang Buwan ng Wika! Ipagdiwang natin ang sariling katutubong wika sapagkat ito ang bumuo sa ating kultura, pagkakakilanlan, tradisyon, at sa buong sambayanan. Ang wika ang tanging daan sa pakikipagtalastasan, pagkakaintindihan, pagkamakabayan, at pagkakaisa ng bansang Pilipinas. Ang wika ay sandata sa ating lipunan sapagkat ito ay nagpapahintulot sa mga tao na magbahagi ng mga ideya, kaisipan, at damdamin, na mahalaga para sa pagbuo ng lipunan at relasyon sa ating kapwa Pilipino. Marangal at kinakailangan, ang wikang Filipino ay ipaglaban para sa buong sambayanan.
Ang katangian ng isang Pilipino ay pinahahalagahan ang sariling wika. Ito ang nagtayo sa mga paa, nagpatibay ng pusoโt damdamin, at naging katuwiran sa ating kaisipan. Mahalin ang sariling wika at pahalagahan ang kultura na siyang tiyak na daang patnubay sa ating pakikisama, pakikibayanihan, at pagkakaisa. Lahat ay magdiwang ng Buwan ng Wika dahil ito ang gabay at daan sa kinabukasan.
Pangalagaan at bigyan ng kahulugan ang ating wika, ipagtanggol ang sariling kasaysayan na siyang nagbigay-pugay sa ating pagkanasyonalismo. Bagamaโt ang Pilipinas ay may pitong libo, anim na raan, at apatnapuโt isang pulo, tayo pa rin ay nagkakaisa, nagkakaintindihan, nagtutulungan, nakikibahagi, at nakikipag-usap. Samakatuwid, matutong mahalin ang sariling wika upang umunlad sa pamamagitan ng karunungan para sa salinlahi.
โAng hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.โ โ Dr. Jose P. Rizal
๐ท: The Bridge Docu Team
๐ป: The Bridge Archivers
๐ผ: Renchjoy Mandabon
โ๏ธ: Maria Bague