16/06/2025
Bilang isang tunay na Muslim na sumusunod sa manhaj ng Salaf, ang iyong paninindigan sa anumang pandaigdigang sigalot ,
kabilang na ang digmaan ng Iran at Israel, ay dapat na nakaangkla sa mga sumusunod na prinsipyong Shar’i:
✅ UNA:
Pananaw ng Salaf: Al-Wala’ wal-Bara’
📌Ang pagkampi at pagmamahal ay dahil sa Tawheed, at ang pagtakwil ay dahil sa shirk at bid’ah.
📌Kaya’t hindi natin kakampihan ang Israel dahil sila’y malinaw na kaaway ng Islam at mga Muslim, nananakop ng lupain ng mga Muslim at lumalapastangan sa mga banal na lugar.
📌Ngunit hindi rin natin kakampihan ang Iran, sapagkat sila ay hindi tagapagtanggol ng Islam, kundi tagapagtanggol ng sekta ng Rafidah Shia na may batil na ‘aqeedah, lumalait sa mga Sahabah, at kumakalaban sa mga Ahlus-Sunnah sa maraming panig ng daigdig.
⸻
✅PANGALAWA :
Ang Iran ay hindi representasyon ng Islam
📌Ang Iran ay nasa ilalim ng pamahalaang Shia Imamiyyah Ithna ‘Ashariyyah, na ang ‘aqeedah ay salungat sa ‘aqeedah ng Ahlus-Sunnah:
📌Paniniwala na ang Qur’an ay binago.
📌Pagpapakasama sa mga Sahabah (lalo na kina Abu Bakr, ‘Umar, at ‘A’ishah رضي الله عنهم)
at minumura nila ito araw-araw.
📌Paniniwala sa imamah bilang mas mataas pa sa propeta.
📌Sa mga digmaan nila, kadalasang ang layunin ay pampulitika, hindi para sa tawheed.
✅PANGATLO :
Ang Israel ay kaaway ng Islam at nananakop sa mga Muslim
📌Ngunit hindi rin nangangahulugan na ang sinumang lumalaban sa Israel ay awtomatikong nasa katotohanan.
📌May mga lumalaban sa Israel na may masamang intensyon, maling ‘aqeedah, at sariling agenda.
Ang digmaan ay hindi lamang “Muslim vs kaaway ng Muslim” kundi ano ang paninindigan ng bawat isa sa Tawheed at Sunnah.
⸻
✅PANG-APAT :
Obligasyon nating manindigan para sa katotohanan, hindi para sa makabansang damdamin
📌Ang mga Salaf ay hindi pumapanig batay sa lahi, bansa, o damdaming panlipunan, kundi batay sa dalil.
📌Kung ang dalawang panig ay parehong nasa kamalian (Israel = Zionist + tagalabag sa Islam, Iran = Rafidah + tagalabag sa Sunnah), hindi tayo papanig sa alinman, kundi mananatili tayong nasa gitna ng hustisya at panig ng katotohanan.
✅PANG-LIMA :
Ano ang dapat gawin ng isang Muslim sa ganitong sitwasyon?
A. Manatili sa ‘aqeedah ng Ahlus-Sunnah wal-Jama’ah.
B. Manalangin para sa mga inosenteng Muslim na naapektuhan ng digmaan.
C. Mag-ingat sa propaganda — maging ito’y mula sa Iran, Israel, o media ng kuffar.
D. Itaguyod ang tawheed at Sunnah sa ating mga nasasakupan kaysa mahulog sa pulitikal na pakikialam sa mga walang basehan sa Qur’an at Sunnah.
✍️: Ustadh Ahmad Nur.