17/10/2025
𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍: 𝐃𝐀𝐕𝐀𝐎 𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇𝐐𝐔𝐀𝐊𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄
Mga Kapuso, dahil po sa inyong pakikiisa at pagmamalasakit, patuloy po na naihahatid ng ating Operation Bayanihan ang tulong para sa mga kababayan nating naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao.
Sa ikalawang bugso ng ating relief operation, nakapamahagi tayo ng food packs para sa 𝟑,𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 o 𝟏𝟐,𝟎𝟎𝟎 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐛𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥 mula sa munisipalidad ng 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐲𝐛𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐞𝐥.
Sa kabuuan ng ating sa Davao Oriental mula noong October 12 hanggang October 15, nakapaghatid po tayo ng food packs para sa mahigit 𝟔,𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 o 𝟐𝟒,𝟎𝟎𝟎 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐛𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥.
Maraming salamat, DOVV Sales Inc. para sa inyong suporta at pakikiisa sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan.
Salamat din sa aming service partners na nakipagbayanihan sa ating distributions:
🤍 10th Infantry Division, PA
🤍 7th Infantry Division, PA
🤍 701st Infantry Brigade, PA
🤍 MDRRMO: Banaybanay, San Isidro & Cateel
🤍 Provincial Government of Davao Oriental
Sa mga nais magpaabot ng tulong, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate para sa kumpletong detalye.
Sama-sama tayong bumangon, mga Kapuso!💙
𝘋𝘚𝘞𝘋 𝘗𝘦𝘳𝘮𝘪𝘵 𝘕𝘰.: 𝖣𝖲𝖶𝖣-𝖲𝖡-𝖯𝖲𝖯-𝖲-𝟤𝟢𝟤𝟧-𝟢𝟢𝟢𝟤𝟢𝟣 𝗏𝖺𝗅𝗂𝖽 𝗎𝗇𝗍𝗂𝗅 𝖮𝖼𝗍𝗈𝖻𝖾𝗋 𝟣𝟧, 𝟤𝟢𝟤𝟨 𝖭𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗐𝗂𝖽𝖾