17/05/2026
Very alarming, ang dami- daming mga batang lalaki o babae ang nagpapakamatay ngayon. Wag po natin sayangin ang ating buhay, if may problema't di kayang sabihin sa kaibigan, kapatid o magulang mas piliing lumapit sa Panginoon.
Tayo ay manalangin, humingi ng tawad, tulong at gabay, sapagkat ang Panginoon ay laging andyan nakikinig, nakatingin at very willing na tayo ay tulungan. Lagi natin itong gawin para mas lumakas tayo, maging matibay at mawala tayo sa pagiging malungkot o pagiging balisa.
Isipin natin na lahat ng problema ay may kaagapay na sulosyon, minsan ibinigay lang ito sa atin kasi alam ng Panginoon na kaya natin itong harapin at malampasan. Kumbaga pinaparamdam nya lang ito para maisipan at mapagtanto natin na bumalik tayo sa kanya.
Kasi alam naman natin na minsan nakakalimutan na natin sya, may kakulngan tayo sa kanya, kaya nakakagawa tayo ng mali at mas pinili natin na puro saya.
Kung nagkakaroon man tayo ng problema o ano mang kalungkutan sa buhay natin, di ibig sabihin na tayo'y masama o walang nagmamahal sa atin.
Kailangan lang nating ilihis ang ating mga sarili sa tamang bagay, mga tamang tao at mga bagay na makapg bigay saya sa atin.
At palaging isipin na subrang sarap mabuhay sa mundo. Pagkinitil mo ang buhay mo, di mo na maibabalik pa kailanman, dahil ang buhay natin ay iisa lang.