11/03/2026
PANAWAGAN NG MAISUG!
📌Simultaneous PEACEFUL ASSEMBLIES, PRAYER RALLIES, ETC
Nationwide / Worldwide
📅11 MARCH 2026
👊Theme:
JUSTICE FOR TATAY DIGONG!, JUSTICE FOR THE FILIPINO PEOPLE!
Mag-iisang taon na mula ng sapilitang inilipad at kinidnap ng Administrasyong BBM ang atind mahal na dating Presidente Rodrigo R. Duterte patungo sa ICC sa D'Hague dahil sa akusasyon ng crime against humanity bunsod ng Drug War noong kanyang termino bagay na mas naramdaman ng mamamayang Pilipino na mas ligtas, payapa at may seguridad ang ating bansa taliwas sa kasalukuyang administrasyin na nanumbalik ang paghahasik ng kriminalidad at droga.
Biktima si Tatay Digong ng isang orkestradong pagkidnap, Malinaw na ipinagkanulo ng Administrasyong BBM si TATAY DIGONG, sapagkat saplilitan nilang dinala ang isang Pilipino sa kamay ng mga dayuhan kung saan nakipagtulungan pa sila sa ICC bagaman wala na itong hurisdiksyon sa soberenya ng Pilipinas. Isa itong malinaw na Political Vendetta ng mga Drug Lords at Narco-Politicians katuwang ang mga grupo/partidong galit kay Tatay Digong.
Pilit nilang binaluktot ang konstitusyon upang igiit ang kanilang maitim na hangarin at higit pa roon ay kanilang ininsulto at nuyurakan ang dangal ng ating mga korte/hukuman na animo walang umiiral sa Justice system sa ating bansa.
Kasalukuyan pa ring nakapiit si Tatay Digong sa ICC sa kabila ng kawalan ng hurisdiksyon at kawalan ng sapat n batayan upang siya ay idiin sa mga akusasyon.
Isang taon na rin mula ng maghain ng Petisyon ng Habeas Corpus sa Korte Suprema para kay Tatay Digong ngunit nananatili pa ring walang tinig ang mataas na Hukuman.
Tunay na Biktima rin ang Sambayanang Pilipino dahil sa malawak na ang epekto ng Karahasan, Korupsyon, katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan at talamak na nakawan sa pamahalaan ngunit kibit balikat lamang dahil sa impluwensya ng malakanyang