24/11/2025
‘AKO MISMO ANG NAGBIGAY NG PERA’
Muling naglabas ng alegasyon si dating Ako Bicol representative Zaldy Co sa kung paano umano siya naghatid ng pera para kay Pres. Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Co, aabot sa P56 bilyon ang umano’y naipadala mula 2022 hanggang 2025. Hiwalay pa umano dito ang P100 bilyon insertion sa pamamgitan ng Bicameral committee. May P97 bilyon din na flood control insertion na inilagay sa National Expenditure Program ng 2026 budget.
“Lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez. At diyan po nabuo ang kabuuang halagang P56B na ipinadala mula 2022 hanggang 2025,” ayon kay Co sa panibagong video.