981 DXOW Radyo Pilipino Davao

981 DXOW Radyo Pilipino Davao This is the Official Page of DXOW Radyo Pilipino Davao. We believe that we are an inspiration of posi

02/07/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Layong bigyan ng ₱1,000 buwanang allowance ang mga estudyante sa bansa na salat umano sa panggastos mula kinder hanggang kolehiyo

With Special Guest:
Mr. W***y Rodriguez
National President - Parents-Teachers Association

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




02/07/2025

HYPERTENSION, MAAARI NGA BANG MAGRESULTA SA HEART ATTACK?

With Special Guest:
Dr. Marc Tiongson
Cardiologist - Philippine Heart Association

Karaniwang sakit man o seryosong kondisyon, dapat alam natin ang sintomas, gamutan, at pag-iwas!

Wellness Wednesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



50K MONTHLY SALARY NG MGA G**O, ISINUSULONG Ipinanukala nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Co. ...
02/07/2025

50K MONTHLY SALARY NG MGA G**O, ISINUSULONG

Ipinanukala nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Co. ang House Bill 203 na naglalayong itaas ang minimum na buwanang sahod ng mga g**o sa pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang senior high school sa ₱50,000, matapos na hindi maisabatas ang katulad na panukala noong 19th Congress.

Nilalayon ng batas na matugunan ang kakulangan ng sahod ng mga g**o kumpara sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at maiwasan ang pag-alis ng mga g**o sa bansa.

Kasama rin sa panukala ang konsultasyon sa mga unyon ng mga g**o sa paggawa ng implementing rules and regulations para sa pagtataas ng sahod. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

ANO ANG ISANG BAGAY NA HINDI MO MAKAKALIMUTAN? 🤔 |
02/07/2025

ANO ANG ISANG BAGAY NA HINDI MO MAKAKALIMUTAN? 🤔 |

02/07/2025

SERBISYO PUBLIKO NI MR EC EDGAR CANDIA SA 981am DXOW DAVAO ANG RADYO NG PILIPINO | July 02, 2025



US, APRUBADO ANG $510M HALAGA NG BOMB GUIDANCE KITS PARA SA ISRAELInaprubahan ng Estados Unidos ang pagbebenta ng $510 m...
01/07/2025

US, APRUBADO ANG $510M HALAGA NG BOMB GUIDANCE KITS PARA SA ISRAEL

Inaprubahan ng Estados Unidos ang pagbebenta ng $510 milyon na halaga ng bomb guidance kits at suporta sa Israel, matapos ang malawakang paggamit nito ng armas sa giyera kontra Iran.

Ayon sa US Defense Security Cooperation Agency, layon ng bentahan na palakasin ang kakayahan ng Israel na ipagtanggol ang sarili laban sa mga banta ng Iran.

Ipinagtibay ito ng State Department ng US at isinumite na sa Kongreso para sa pinal na pag-apruba. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

01/07/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Simula July 18, magkakaroon ng ₱50 dagdag sa arawang sahod ng mahigit 1.2 milyong minimum wage earners sa Metro Manila

With Special Guest:
Atty. Sonny Matula
Chairperson, Nagkaisa Labor Coalition

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




01/07/2025

MAY PANANAGUTAN BA SA ILEGAL NA PAGTATAPON NG BASURA SA DAGAT?

With Special Guest:
Atty. Golly Ramos
Environmental Lawyer and former Vice President of Oceana Philippines

Legal na usapin, legal na solusyon!

Kung may tanong ka sa batas, sagot ka namin tuwing Martes!

Legal Tuesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon — serbisyo’t kaalaman, diretso sa punto!



ALERT LEVEL SA ISRAEL, IBINABA NG DFAIbinaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa Israel mula sa Le...
01/07/2025

ALERT LEVEL SA ISRAEL, IBINABA NG DFA

Ibinaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa Israel mula sa Level 3 (Voluntary Repatriation) tungo sa Level 2 (Restriction Phase), simula kahapon, Hunyo 30, dahil sa mga positibong pagbabago sa seguridad sa bansa.

Patuloy na susubaybayan ng DFA ang sitwasyon at maaari pang baguhin ang alert levels kung kinakailangan. |

Courtesy: DFA

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

01/07/2025

SERBISYO PUBLIKO NI MR EC EDGAR CANDIA SA 981am DXOW DAVAO ANG RADYO NG PILIPINO | July 01, 2025

30/06/2025

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




30/06/2025

MAY PERA SA CALAMANSI: A SUCCESS STORY OF HELENA DEL ROSARIO

With Special Guest:
Helena Del Rosario
Founder - Philippine Calamansi Association Inc.

Simulan ang linggo sa talakayang walang mintis, mula presyo ng bilihin, sweldo, hanggang sa mga diskarte sa pagtitipid!

DisCASHion tuwing Lunes, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!


OFFICALLY GRADU-‘ATE’ 🎓🌈💅TINGNAN | Mahigit 300 miyembro ng LGBTQ+ community ang dumalo sa "Graduation Rights: Marching t...
27/06/2025

OFFICALLY GRADU-‘ATE’ 🎓🌈💅

TINGNAN | Mahigit 300 miyembro ng LGBTQ+ community ang dumalo sa "Graduation Rights: Marching towards Equality" ceremony sa Quezon City MICE Center ngayong Biyernes, Hunyo 27, na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte.

Pinapayagan ang mga "graduates," na 18 anyos pataas, residente man o hindi basta nag-aral o nag-aaral sa lungsod, na magmartsa ayon sa kanilang gender identity and expression.

Kabilang sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa LGBTQ+ sector ang Right to Care Card, na nagbibigay kapangyarihan sa mga magkasintahang LGBTQ+ na magdesisyon para sa kalusugan ng kanilang mga kapareha.

Inihayag ni Belmonte na layunin nilang iparamdam sa LGBTQ+ community na sila ay pinapahalagahan at pinoprotektahan sa Quezon City. |

Courtesy: QC Mayor Joy Belmonte/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

P6.793 TRILLION NATIONAL BUDGET PARA SA TAONG 2026Aprubado na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang 20...
27/06/2025

P6.793 TRILLION NATIONAL BUDGET PARA SA TAONG 2026

Aprubado na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang 2026 national budget na pumalo sa P6.793 trillion.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nasa P10.101 trillion ang naunang ipinanukalang budget ng DBCC ngunit kinailangang pag-aralan pa ang mga programa at proyekto dahil sa limitadong fiscal space.

Dagdag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, prayoridad ng naturang budget ang pamumuhunan sa kalidad na edukasyon, kalusugan, and pagpapalakas ng workforce sa bansa.

Kabilang din dito ang pagpapatuloy ng Build Better More Infrastructure Program, disaster resilience, social protection system, at serbisyo ng mga Local Government Units.

Sa kabuuan, mas mataas ng 7.4% ang magiging budget sa susunod na taon kumpara sa P6.326 trillion ngayong taon at katumbas ito ng 22% ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

AUSTRALIA, TUMANGGI SA HILING NI DUTERTE NA DOON PANSAMANTALANG MANIRAHANIbinasura ng pamahalaan ng Australia ang kahili...
27/06/2025

AUSTRALIA, TUMANGGI SA HILING NI DUTERTE NA DOON PANSAMANTALANG MANIRAHAN

Ibinasura ng pamahalaan ng Australia ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang manirahan sa bansa habang nakabinbin ang kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa ulat, alam ng Australia ang petisyon ni Duterte ngunit hindi ito isinasalang-alang at iginiit na ang usapin ay nasa hurisdiksyon ng ICC sa ilalim ng Rome Statute.

Nauna nang binanggit ni Vice President Sara Duterte na kabilang ang Australia sa mga bansang tinitingnan ng kampo ng kanyang ama, ngunit kinuwestyon ng ICC prosecutor ang kakayahan ng napiling bansa na ipatupad ang mga kondisyon ng pagpapalaya dahil sa kakulangan nito sa “extensive history of cooperation.” |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Arestado na ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pagnanakaw ng mga kable ng CCTV camera na ginagamit sa No-Contact App...
27/06/2025

Arestado na ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pagnanakaw ng mga kable ng CCTV camera na ginagamit sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa EDSA-Guadalupe, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ibinenta umano ng mga suspek ang mga nakaw na kable sa mga junk shop sa halagang ₱104,000.

Na-recover naman ang mga pinagputol-putol na wires at mga gamit sa pagputol. Kasalukuyan nang isinasailalim sa inquest proceedings ang mga suspek. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

TINGNAN | Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang Veterans Access to Lifetime Optimized Healthcare...
27/06/2025

TINGNAN | Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang Veterans Access to Lifetime Optimized Healthcare (VALOR) Clinic sa Fernando Air Base Hospital sa Lipa City.

Bahagi ito ng VALOR Health Network Program na layuning maabot ang mga beteranong nangangailangan ng tulong-medikal, gaya ng preventive care, lab tests, imaging, at telemedicine. Itatayo ngayong taon ang tatlo pang pilot clinics sa Taguig, Tarlac, at Lucena, at palalawakin pa hanggang 2028 para mas madami pang beterano at active personnel ang maserbisyuhan. |

Courtesy: PCO/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

WILL THEY SURVIVE? 🦑🔴🔺🟥Available na sa online streaming platform na Netflix ang much awaited final season ng sikat na Ko...
27/06/2025

WILL THEY SURVIVE? 🦑🔴🔺🟥

Available na sa online streaming platform na Netflix ang much awaited final season ng sikat na Korean series na " " ngayong araw, June 27. |

Courtesy: Netflix

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

'THE ROOKIE CHAPTER BEGINS'⛽️Opisyal nang lumagda ang dating manlalaro ng Arellano University at opposite hitter na si  ...
27/06/2025

'THE ROOKIE CHAPTER BEGINS'⛽️

Opisyal nang lumagda ang dating manlalaro ng Arellano University at opposite hitter na si sa ilalaim ng Petro Gazz Angels para sa Premier Volleyball League (PVL) bilang isang pro-bound player.

Bagama't hindi napili si De Guzman sa katatapos lang na PVL draft, nakitaan naman umano siya ng koponan na Angels dahilan para kunin ito bilang isang free agent.

Makakasama ni Pauline ang setter at kapwa baguhang si ng De La Salle University, at ang dati niyang kakampi na si Donnalyn Paralejas. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

27/06/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Ilang transport group ang humihirit ng taas-pasahe matapos mapurnada ang inaasahang ayuda mula sa pamahalaan. Samantala, kahit natuloy ang second tranche ng inutay-utay na fuel price hike, sinabi ng DOE na pababa na ang presyo ng langis sa world market

With Special Guest:
Mr. Edwin Doroja
Board of Director, Association of Commited Transport Organizations (ACTO)

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




UNSTOPPABLE ALEX 🎾🔥Matagumpay na nakapasok sa semifinals ng Eastbourne Open ang Filipina Tennis Prodigy na si   matapos ...
27/06/2025

UNSTOPPABLE ALEX 🎾🔥

Matagumpay na nakapasok sa semifinals ng Eastbourne Open ang Filipina Tennis Prodigy na si matapos talunin ang Ukrainian na si Dayana Yastremska sa quarterfinal match sa iskor na 6-1, 6-2.

Ikinagulat ng marami ang ipinakitang husay ng pambato ng Pilipinas laban kay Yastremska, na kasalukuyang No.42 sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Makakaharap ni Eala si Varvara Gracheva ng France, na ngayon ay nasa No.111, sa semis ng paligsahan na gaganapin ngayong Biyernes. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

BIG-TIME ROLLBACK, INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGOMatapos ang two-tranche big-time oil price hike ngayong linggo, inaasah...
27/06/2025

BIG-TIME ROLLBACK, INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Matapos ang two-tranche big-time oil price hike ngayong linggo, inaasahan na ang posibleng pagbaba nito sa susunod na linggo sa pandaigdigang merkado dulot ng ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), may posibilidad ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ngunit masyado pang maaga upang masigurado ito.

Sa projection ng MOPS, narito ang mga posibleng bawas sa presyo sa susunod na linggo:

Gasoline - P1.00 to P1.40 kada litro
Diesel - P1.60 to P2.10 kada litro
Kerosene - P2.00 to P2.20 kada litro

Samantala, maaari pa ring magbago ito sa mga susunod na araw base sa Jetti Petroleum. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

JUST IN | Naghain na si Vice President Sara Duterte ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman bilang tugon sa mga ...
27/06/2025

JUST IN | Naghain na si Vice President Sara Duterte ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman bilang tugon sa mga alegasyon ng pag-aabuso sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd), kung saan siya ang naging kalihim mula 2022 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo 2024. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

'FAMILY PORTRAIT BY THE RIVER'Ibinahagi ni Senator Bato dela Rosa ang ilang larawan mula sa isang ilog habang napapalibu...
27/06/2025

'FAMILY PORTRAIT BY THE RIVER'

Ibinahagi ni Senator Bato dela Rosa ang ilang larawan mula sa isang ilog habang napapalibutan ng naglalakihang mga bato.

Pabirong hirit ng senador sa kanyang caption, "Family portrait by the river." |

Courtesy: Sen. Bato dela Rosa/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Address

DXOW Talomo
Davao City
8000

Opening Hours

Monday 5am - 9pm
Tuesday 5am - 9pm
Wednesday 5am - 9pm
Thursday 5am - 9pm
Friday 5am - 9pm
Saturday 5am - 7:30pm
Sunday 6am - 9:30am

Telephone

+639755990210

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 981 DXOW Radyo Pilipino Davao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 981 DXOW Radyo Pilipino Davao:

Share

Category