
11/04/2025
"Miss Summers, sigurado ka bang gusto mong burahin ang lahat ng iyong identity records? Kapag nabura 'to, parang hindi ka na nag-exist, at walang makakahanap sa iyo." Nagpahinga si Adele nang sandali bago tumango nang mariin. "Oo, 'yon ang gusto ko. Ayoko nang hanapin ako ng sinuman." May bahagyang pagkagulat sa kabilang linya, ngunit agad silang sumagot, "Naiintindihan ko, Miss Summers. Ang proseso ay tatagal ng mga dalawang linggo. Mangyaring maghintay nang may pasensya."
”Miss Summers, sigurado ba kayo na gusto niyong burahin ang lahat ng identity record niyo? Kapag binura ito, parang hindi kayo naging tunay at walang makakahanap sa inyo.”
Natigil si Adele nang sandali bago siguradong tumango. “Oo, ‘yan mismo ang gusto ko. Ayaw ko na may majhanap sa akin.”
May bakas ng gulat ang nasa kabilang linya pero agad itong sumagot, “Naiintindihan ko, Miss Summers. Matatapos ang proseso nang dalawang linggo. Maghintay lang kayo.”
Pagkatapos patayin ang tawag, ibinaba ni Adele ang phone niya at nag-book ng flight papuntang Florin, nakatakda itong umalis pagkatapos ng dalawang linggo.
Sa kanilang banda, pinapakita sa telebisyon ang nangyaring press conference ng Sterling Corporation.
Isang linggo na ang lumipas, si Elias Sterling, ang CEO ng Sterling Corporation ay nagpakita ng masterpiece na jewelry, gawa sa pinaka magandang diamond at gemstone sa mundo. Pinangalanan niya itong “Adele” mula sa kaniyang asawa, isang malaking pagpapakita ng pagmamahal rito sa buong mundo.
Nang maipakilalabang piece na ‘yon, naging sikat ito at naging trending topic sa iba't ibang platform. Hindi nawala ang ingay at masaya ang buong internet sa pag-uusap tungkol sa kanilang “fairytale romance.”
Kasunod ng press conference, lumipat ang broadcast sa mga clips ng reporter na nagtatanong sa mga dumaraan.
“Excuse me, sir, alam mo ba ang tungkol sa sikat na love story nina Mr. Sterling at Mrs. Sterling?”
Isang babae na nakasuot ng bulaklakin na damit, puno ng inggit ang mukha niya at masigla siyang sumagot, “Sinong hindi? Nitong nakaraan lang, naglabas si Mr. Sterling ng memoir na para lamang kay Mrs. Sterling.
“Doon, binanggit niya kung ganito nito k**ahal ang cherry, kaya nagtanim siya ng isang buong lupain ng cherry tree sa villa nila! Sinabi ko sa asawa ko na matuto mula rito at sinabi niya, ‘Nag-iisa lang sa bawat milyon ang ganoong klase ng lalaki. Hindi ko kayang makipaglaban.’ Sa totoo lang, sapat na ‘yon para mabaliw ka sa inggit!”
Naglakad pa ang reporter para magtanong pa ng ibang tao.
Isang batang estudyante sa unibersidad ang tumayo sa harap ng mikropono, hawak ang mga k**ay sa kanyang dibdib habang may kinikilig na ekspresyon sa mukha. "Parang romance novel na isinabuhay ang love story nila! Si Mr. Sterling, siya ang pinaka-romantikong asawa. Apat na taon na ang nakalipas, nagkaroon ng kidney failure si Mrs. Sterling at talagang kailangan ng transplant."
“Nang malaman na compatible donor si Mr. Sterling, hindi niya pinansin ang pagtanggi ng ina at agad na pumunta sa operating table sa araw na ‘yon para iligtas siya. Sinabi niya na buhay niya ito, at kung hindi siya mabubuhay ay hindi rin niya kayang mabuhay. Bakit ang perpekto niyang lalaki?”
Maraming tao ang tinanong mg mga reporter, at bawat isa sa kanila ay nagpakita ng paghanga sa love story ni Elias at Adele.
Paulit-ulit ang balita sa screen pero bahagyang kinurba ni Adele ang labi niya sa pangungutya sa sarili.
Laging nakakaagaw ng atensyon ang mukha niya at sa murang edad, napapalibutan siya ng tagahanga.
Pero, dahil lumaki siya sa divorce na magulang, walang paniniwala si Adele tungkol sa pag-ibig.
Tinanggihan niya ang lahat ng umaain sa kaniya gamit ang isang linya. “Sorry, hindi ako interesado sa pakikipag-date, at wala akong pakialam tungkol sa pag-ibig.”
Hanggang sa nakilala niya si Elias.
Hindi tulad ng iba, hindi siya nito tinigilan sa panliligaw sa loob ng taon. Kahit ilang beses pa niya itong tanggihan, mas lalo lang itong nagiging determinado.
Isang beses, para mapanalunan lang ang kwintas na gusto niya, sumali siya sa delikadong street race, halos mamatay siya sa proseso. ‘Yon ang pagkakataon na nabasag niya ang nakaharang sa kaniya.
Nang naging magkasintahan sila, hindi nawala ang pagmamahal niya. Sa halip, ibinigay nito ang lahat ng kaya niyang ibigay, hanggang sa natunaw na lang ang nag-iingat niyang puso.
Kahit nang mag-propose ito, hindi siya tumigil nang isang beses—limampu’t dalawang beses siyang nagtanong bago siya bumigay at pumayag na pakasalan siya.
Sa araw ng huling proposal niya, tiningnan ni Adele ang singsing sa kaniyang daliri, namumuo ang luha sa kaniyang mata at sinabi kay Elias, ‘Elias, gagawin ko ang lahat para maging asawa mo, sa k**atayan man, kayamanan o kahirapan, hindi kita iiwan.
“Pero may isang bagay lang na dapat mong maalala—hindi ako tatanggap ng kasinungalingan. Kapag niloko mo ako, mawawala ako sa mundo mo habambuhay.”
Three months ago, nalaman niya na nakikipagkita si Elias sa ibang babae. Kasama niya sa araw si Adele at ang babae naman na ‘yon sa gabi, nakahati sa dalawang babae ang puso niya.
Ito ang masakit na katotohanan sa kasabihang: ang mga nagmamahal nang matindi ay madalas na mabilis ding nauubos.
Mapait na tumawa si Adele, saka pinatay ang telebisyon at inilabas ang matagal na niyang inihandang divorce papers. Dinampot niya ang panulat at, sa bawat maingat na galaw, isa-isang isinulat ang kanyang pangalan.
Tila itinakda ng tadhana, nagkatotoo ang kanyang mga sinabi noon. Tutuparin niya ang pangako niyang mawala sa mundo nito magpakailanman.
Matapos pirmahan ang kanyang pangalan, maingat na inilagay ni Adele ang divorce papers sa isang eleganteng kahon ng regalo at maingat itong binalot.
Makalipas ang isang oras, pumasok si Elias sa pintuan.
Bago pa man niya matanggal ang kanyang sapatos, agad siyang lumapit kay Adele at niyakap siya nang mahigpit. Mahina siyang humingi ng tawad. “Sorry, Addie. Kinuha ko ang alahas ngayon, kaya ako natagalan at hindi umabot sa wedding anniversary natin. Please, huwag ka nang magalit, okay?”
Inilabas niya ang kahon na may lamang kwintas na may pangalang "Adele," umaasang mapapalubag ang kanyang loob.
Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng kanyang itim na shirt, naiwan ang unang butones na hindi nakasara. Habang yumuyuko siya, bumungad kay Adele ang mapupusyaw na bakas ng mga halik at mga gasgas sa balat sa ilalim ng kanyang kuwelyo—isang matalim na sibat na tumusok diretso sa kanyang puso.
Talaga bang kumuha lang siya ng alahas, o kasama niya si Evelyn Lowe buong gabi? Malamang, diretsong galing lang siya sa k**a nito.
Walang k**alay-malay si Elias sa bagyong bumabagabag sa kanyang kalooban. Marahan niyang isinabit ang kwintas sa leeg ni Adele. Kumikinang ang mga hiyas sa ilalim ng ilaw, lalo pang pinalutang ang nakabibighaning kagandahan.
"Ang ganda-ganda mo, Addie," sabi niya nang taos-puso, puno ng paghanga ang kanyang mga mata.
Ngunit walang bakas ng tuwa sa mukha ni Adele. Namumula ang kanyang mga mata habang iniaabot kay Elias ang kahon ng regalo na naglalaman ng divorce papers. "Para sa'yo.”
Tumingin sa kanya si Elias, halatang naguguluhan. "Ano 'to?"
Kumurba ng bahagya ang labi ni Adele. “Regalo. May inihanda kang isang bagay para sa akin sa ating anibersaryo, kaya't nararapat lang na bigyan din kita ng isang bagay bilang kapalit.”
Nagliwanag sa tuwa ang mata ni Elias. Trinato niya ang kahon na parang kayamanan at agad na gumalaw para buksan ito.
Pero pinigilan siya ni Adele. “Buksan mo ‘yan pagkatapos ng dalawang linggo.”
“Bakit?” tanong niya, bahagyang nagtataka.
Sinadyang bagalan ni Adele ang mga bawat salita. “Kasi mas may kahulugan ang regalo na ‘to kapag binuksan mo pagkatapos ng dalawang linggo.”
Natigil sandali si Elias, tumango siya nang hindi na pinipilit ang mga bagay.
Sa halip, mahinahon niyang kinuha ang k**ay nito at hinalikan nang bahagya.
“Masusunod ang kahit anong sabihin ng mahal ko. Maghihintay ang asawa mo para sa sorpresa na ito.”
Pagkatapos non, agad niyang kinuha ang sticky note, maingat itong sinulatan, at mahinahon na idinikit sa gift box. “Open in two weeks.”
Tahimik siyang pinanood ni Adele, mabigat ang mga iniisip niya. “Elias, sana kapag dumating ang oras na ‘yon, makikita mo ito bilang sorpresa.”
Nang dumating ang umaga, binati ni Elias si Adele sa karaniwan niyang halik.
“Addie, nakaligtaan ko ang wedding anniversary natin kahapon. Hayaan mo akong bumawi ngayon, okay?”
“Punta tayo sa amusement park. Hindi ba't sabi mo gusto mong pumunta doon noon?”
Walang interes si Adele at tatanggi na sana, pero inihahanda na ni Elias ang lahat nang hindi man lang hinihintay ang sagot niya. Naghanda na ito ng isusuot niya.
Sa amusement park, pinapanood nito ang bawat ang galaw niya. Sa oras na tumikom ang labi niya, ilalapit nito ang tubig sa kaniyang bibig. Kapag nagtagal ang tingin niya sa stuffed toy mang ilang segundo, agad niya itong bibilhin.
Carousel rides, bumper cars, ang Ferris wheel—walang pakialam si Elias kung gaano ka-isip bata ang aktibidad. Basta masaya siya rito, masigla siyang nakikisama.
Mahigpit ang hawak niya sa k**ay nito, halos hindi bumitaw. Kahit na sinusubukan niyang kumawala, mas humihigpit lang ang hawak niya sa k**ay nito, para bang natatakot siya na mawala ito.
Dumating sa punto na nagtali siya ng lobo sa bag ni Adele at tumawa. “Sa ganitong paraan, Addie, hindi ka na mawawala.”
Hindi mawawala…
Pero ang lugar na pupuntahan niya ay isang lugar na hindi siya kailaman mahahanap nito.
“Elias, matagal na akong nawala sa’yo,” Gusto itong sabihin sa kaniya ni Adele.
Ang hindi maitatanggi nilang chemistry at kaakit-akit na mga itsura ay umagaw ng atensyon ng ibang bisita. Hindi nagtagal nang magsimula ang bulungan at may nagturo sa kanila.
“Tingnan nito! Hindi ba't si Mr. Sterling at Mrs. Sterling ‘yon? Hindi ako makapaniwala na makikita ko sila sa personal! Ang lambing nila sa isa't isa!”
Masiglang gumalaw ang babae, halos tumalon-talon ang kaniyang paa habang hawak ang braso ng kaniyang boyfriend at hinila siya papunta kay Adele.
“Um… pwede ba kami magpa-picture sa inyo? Fan na fan niyo kami! Kayo ang paborito naming couple!”
Nang makita ang masiglang ekspresyon ng babae, hindi kaya ni Adele na tumanggi at tumango na lang.
Hindi mahilig si Elias na kumuha ng litrato pero handa siyang makisama kay Adele.
Tumunog ang camera at ngumiti sa saya ang couple. “Napaka perpekto niyong couple. Sobrang naiinggit kami. Please maging masaya kayo habambuhay!”
Ngumiti si Elias at magalang na tumango. Hindi niya napansin na tahimik lang na nakatayo sa gilid si Adele habang walang sinasabi. Siya lang ang nakakaalam ng katotohanan—walang “habambuhay” na naghihintay sa kanila.
Sa kanilang lunch break, patuloy na nakatingin si Elias sa kaniyang phone. Sa tuwing makikita niya ang tingin ni Adele, agad siyang humihingi ng tawad gamit ang mahinahon at malambing na tono.
“Addie, pasensya na. May trabaho ako na kailangan asikasuhin agad. Kumain ka na muna. Pangako babawi ako sa'yo mamaya, okay?”
Pero biglang, may imahe ng mamahalin na castle ang makikita sa kaniyang phone screen.
Hindi siya nagtatrabaho. Nanonood siya ng livestream.
Pilyo na ngumiti si Adele habang tahimik na binubuksan ang livestream sa sarili niyang cellphone.
Si Evelyn 'yon, isang hindi gaanong kilalang internet influencer na k**akailan lang ay pumirma sa ilalim ng kumpanya ni Elias. Hindi lang siya pumasok dito, ginawa pa siyang mukha ng "Adele," ang jewelry line na sinasabing alay ni Elias sa kanyang asawa.
Lahat ay nag-iisip kung paano nakakuha si Evelyn ng biglang pagkakataon sa mga mataas na posisyon. May mga usap-usapan na baka may malakas na tao na tumutulong sa kanya.
Tama sila. Ang tao na ‘yon ay si Elias. Sa oras na ‘yon, nakatayo si Evelyn sa entrance ng amusement park, naka-livestream sa kaniyang manonood. Mayabang niyang hawak ang kaniyang phone, nagyayabang sa mga viewers.
"Tingnan niyo, guys! Itong amusement park na 'to ay regalo ng boyfriend ko. Sabihin niyo lang ang pangalan ko para makakuha ng discount pag bumisita kayo. Tara, mag-enjoy tayo!"
Nang hawakan ni Adele ang cellphone niya, bigla itong naging sobrang lamig. Lalong tumigas ang hawak niya habang parang may malamig na hangin na dumaloy sa mga ugat niya.
“Itong amusement park… na pinagdalhan niya sa akin… ay regalo para sa kaniya?” iniisip ni Adele.
Puno ng pagtataka ang comment section ng livestream.
“Huwag ka na mag-sinungaling. Paanong ang maliit na influencer na tulad mo ay kayang bumili ng palaruan ng mga bilyonaryo?”
“Gusto lang niya makakuha ng atensyon. Nang walang patunay, kahit sino ay kayang tumayo sa harap ng park at sabihin na kanila ito.”
“Baliw ka na kung iniisip mo na maniniwala kami rito. May ideya ka ba kung ilang bilyon ang kailangan para magkaroon ng ganiyang lugar?”
…
Kinagat ni Evelyn ang labi niya, mukhang na-agrabyado. “Hindi ako nagsisinungaling! Tingnan niyo, hindi ba't nandito ang pangalan ko?”
Kinuha niya ang property deed mula sa kaniyang bag, itinutok niya ito sa camera. Malinaw pa sa araw, nakasulat mga ang pangalan niya sa black and white na dokumento.
Agad na naging maingay ang livestream, puno ng komento habang gulat at hindi makapaniwala ang reaksyon ng mga manonood.
“Binabawi ko na. Hindi pa ako nakakita nang ganiyang makapangyarihan na tao sa buhay ko.”
“Isang buong amusement park bilang regalo? Kakaibang pag-spoil na ‘to! Tatapat na ‘to sa pagmamahal ni Mr. Sterling para kay Mrs. Sterling!”
"Sabi nila, makikita mo ang pagmamahal ng isang lalaki kung saan napupunta ang pera niya. Bakit kaya hindi ako makatagpo ng ganitong perfect na lalaki?"
"Eh kasi, dalawa lang ang perfect na lalaki sa mundo: si Mr. Sterling, at yung misteryosong boyfriend ni Evelyn. So, sino sa tingin mo ang mas nagmamahal sa partner nila? Ang devotion ni Sterling kay Mrs. Sterling o yung pagmamahal ng boyfriend ni Evelyn sa kanya? I-press ang 1 para kay Mr. Sterling, 2 para kay Evelyn’s boyfriend!"
Ang comment section ay napuno ng mga "1". Syempre, kilala ang pagmamahal ni Elias kay Adele—hindi lang pera ang ginugol niya, halos buhay niya ay inalay niya para sa kanya.
Bigla na lang lumabas ang bagong account na "LovesEvelyn" at agad nagpadala ng 10,000 na luxury virtual gifts sa livestream ni Evelyn. Kumislap ang screen ng mga makulay na animation, kaya’t nagulat ang mga nanood.
Dahil sa flood ng mga gifts, tumaas ang bilang ng mga viewers sa livestream ni Evelyn mula sa daan-daang libo, naging mahigit sampung milyon!
Biglang, isang malaking mensahe ang lumabas sa screen: “Syempre, mas mahal ko si Evelyn.”
Agad na nagkagulo sa livestream.
“Dumating na ang boyfriend! Sobrang yaman! Napakayaman!”
“Kakaiba ito! Sobrang nakakagulat!”
Ngumiti si Evelyn na may mayabang na saya, puno ng kayabangan ang mata niya. “Nakita niyo na? Sinabi ko na sa inyo na mahal ako ng boyfriend ko.”
Nanginig ang k**ay ni Adele habang hawak ang kaniyang phone. Nang tumingin siya ay naabutan niya ang bahagyang ngiti ni Elias, hindi maikakaila ang masayang mata niya.
Siya si “LovesEvelyn.”
Parang hiniwa ang puso niya, at ang sakit ay nanatili kahit matagal na nang binitiwan siya ng k**ay na nagdulot nito.
Mahigpit na hinawakan ni Adele ang dibdib niya gamit ang kanan niyang k**ay, sa sobrang sakit ay nahihirapan siyang huminga.
Napansin na ni Elias na may kakaiba at agad na lumapit. “Addie, anong problema?”
Mukhang tunay ang pag-alala sa kaniyang mata na para bang kasama siya sa pagbagsak nito.
Pero, ang lalaking ito, na sinasabing mahal na mahal siya ay nagtatago ng lihim sa kaniya.
Pinilit niyang kumalma, inayos niya ang kaniyang boses. “Wala… cramp lang.”
Agad na inilagay ni Elias ang kaniyang k**ay sa kaniyang dibdib, sinusubukan na bawasan ang sakit. Pagkatapos tingnan ng tatlong beses kung ayos lang siya, agad nita itong inuwi para magpahinga.
Sa biyahe, ginawa niya ang lahat para pagaanin ang paligid, nagsasabi siya ng masayang lwento para pangitiin ito.
Pero kahit ano pa ang gawin niya, hindi nakakaramdam ng kahit anong saya si Adele. Habang nakasandal sa salamin ng sasakyan, tahimik niyang pinapanood ang nangyari sa nakaraan, hindi mabasa ang ekspresyon niya.
“Addie, may nagawa ba akong mali?” maingat niyang tanong, inaalam ang pangyayari.
“Wala,” sagot niya. “Iniisip ko lang ang tungkol sa show na pinanood ko kanina.”
Nakahinga ng maluwag si Elias at ngumiti, masigla niyang sinundan ang usapan. “Anong show?”
Mabagal na lumingon si Adele sa kaniya, nakatitig siya rito.
“Tungkol sa lalaki na dati ay mahal na mahal ang babae pero kalaunan… nawala ang pagmamahal nito. Matagal niya itong tinago sa babae.”
Malapit niyang inaral ang mukha nito, tinitingnan ang bawat pagbabago ng emosyon at mahinang sinabi, “Elias, kung sakali man… mawala ang pagmamahal…”
“Hindi mangyayari ‘yan!”
Bago pa siya matapos, pinigilan siya ni Elias, halos desperado na ang boses niya. “Addie, ikaw ang pagmamahal sa buhay ko. Kung ang lahat ng lalaki ay niloloko ang asawa nila, hindi ko ‘yon magagawa. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.”
Pero mas lalo lang sumakit ang puso niya sa sinabi nito.
Hindi niya kayang mabuhay nang wala siya pero humanap pa rin siya ng ibang pangyayari sa bisig ng ibang babae.
Nang ibubuka na niya ang kaniyang bibig para magsalita, biglang tumunog ang phone ni Elias.
Bahagya siyang nagdalawang-isip, umiikot ang daliri niya sa decline button pero bago pa niya hindi masagot ang tawag, bahagyang inalis ni Adele ang k**ay nito
“Sige na at sagutin mo na.”
Sumunod si Elias, sinagot niya ang kaniyang phone.
Nagbago ang ekspresyon niya sa kung anuman ang sinabi sa kabilang linya. Naging natataranta ang kalmado niyang pag-uugali, nanlaki ang mata niya habang may tensyon sa kaniyang mukha.
Pagkatapos lumunok nang madiin, pinatay niya ang tawag at lumingon kay Adele.
“Addie, may dapat akong asikasuhin sa opisina. Kailangan ko na pumunta doon ngayon. Tatawag ako ng sasakyan na maghahatid sa'yo pauwi, okay?”
Nang walang sinasabi, tumango si Adele at lumabas sa sasakyan.
Habang paalis ang Maybach ni Elias, tumawag siya ng taxi.
Sa halip na bumalik sa villa, nagbigay siya ng simpleng utos sa driver.
“Sundan mo ang sasakyan na ‘yon, please.”
Hindi nagtanong ang driver, sinimulan niya ang engine at sinundan ang sasakyan.
Huminto ang Maybach sa harap ng private villa.
Sa kalayuan, pinanood ni Adele ang batang babae na nakasuot ng bunny maid costume na buksan ang pinto. Nang makita niya si Elias na palabas sa sasakyan, nagkaroon ng ngiti ang mukha niya at agad siyang yumakap dito.
Si Evelyn ‘yon.
Nang magyakap sila, agad na nagtagpo ang mga labi nila at lumalim na ang halik, puno ng pananabik at init.
Nang maghiwalay sila, hinihingal si Evelyn at mapang-akit na hinila ang tie ni Elias, kumikinang ang mata niya. “Master, may sorpresa sa'yo ang little bunny mo. Gusto mo makita kung ano?”
Mabagal niyang sinasabi ang bawat salita habang tinatapik ang lalamunan nito gamit ang daliri niya.
Umangat ang adams apple ni Elias habang mahigpit na hinawakan ang k**ay niya, at ang tingin niya'y puno ng pagnanasa. "Tatlumpung minutong biyahe, pero limang minuto lang, nandito na ako. Anong tingin mo?”
Tumawa si Evelyn, habang iniikot ang daliri niya kay Elias. Habang may mapang-akit na tingin, hinila niya si Elias papunta sa sasakyan.
“Tingnan natin sa sasakyan, kung ganoon.”
Pagkatapos makapasok ng dalawa sa sasakyan, hindi nagtagal bago bahagyang gumalaw ang sasakyan.
Mas naging malalim, malakas, at mabilis ang galaw nito sa bawat minuto.
Walang nakakaalam na nakaupo si Adele sa malapit na sasakyan, pinapanood na mangyari lahat.
Sinabi niya sa kaniyang sarili na wala ng pag-asa pa para kay Elias, wala ng sisirain pang akala. Pero nang makita mismo ito ng mata niya, napagtanto niya kung gaano ito kasakit.
Para bang may matalim na hook na kumapit sa puso niya, malakas itong umiikot. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib, nahihitapan siyang huminga habang patuloy na tumutulo ang luha sa kaniyang mukha.
Hindi niya mapigilan na isipin noong in love pa lamang sila. Inaalagaan siya ni Elias. Kahit na ang init sa kanila ay mahirap pigilan, magtitiis siya at hindi siya nito hahawakan.
Sinabi nito sa kaniya na mahalaga ang unang beses, na dapat itong ilaan sa unang gabi nilang mag-asawa para maging perpekto.
Sa loob ng tatlong taon, niligawan siya nito. Tatlong taon din silang naging magkasintahan. At sa huli, narating nila ang gabi pagkatapos ng kanilang kasal.
Nang gabing ‘yon, ang makapangyarihan at kalmado na Elias na pinapangunahan ang business world ay sobrang kabado na parang hindi siya ito. Habang inaalis niya ang damit ni Adele, namumula ang kaniyang tainga.
Mahal na mahal niya ito kaya ang bawat galaw niya ay maingat at dahan-dahan. Nang makuha niya ito, sobrang nadala siya sa emosyon at umiyak siya, paulit-ulit na bumubulong sa kaniyang tainga, “Addie, sa wakas ay sa akin ka na. Mahal kita. Palagi kitang mamahalin.”
Sa oras na yon, pakiramdam niya ay sobrang iniingatan siya at inisip niya na sa buong buhay niya, walang magmamahal sa kaniya tulad ng pagmamahal ni Elias.
Nangako siya mismo na kay Adele lang ang pagmamahal niya.
At ngayon, sinira niya ang pangako na ‘yon sa sarili niyang mga k**ay.
Tiningnan ng babaeng driver si Adele sa rearview mirror. Nang makita ang luha na tumutulo sa mukha nito, huminga siya nang malalim at tahimik na inabutan ito ng issue.
“Pare-pareho ang mga lalaki,” mapait niyang sinabi, puno ng emosyon ang boses niya. “Wala sa kanila ang kayang maging tapat. Kahit ako ay naka ipit sa kasal dahil sa anak ko at hindi ako maka-alis, kahit gaano ko man gustuhin.”
Natigil ang babae, pinigilan niya ang kaniyang luha, at nagpatuloy habang nanginginig boses. “Miss, huwag ka magalit. Kasal ka na. Tiisin mo na lang, patawarin mo siya at magpanggap ka na walang nakita.”
Hinawakan ni Adele ang tissue sa kaniyang k**ay nang mahigpit, namamaos ang boses niya.
“Hindi. Hindi ko siya patatawarin.”
“Elias Sterling, hindi kita mapapatawad,” tahimik niyang sinabi sa kaniyang sarili.
Nang makauwi siya, binuksan ni Adele lahat ng mg drawer at closet, kinuha niya ang bawat regalo na binigay sa kaniya ni Elias.
Lahat ng mga mamahaling alahas at mahahalagang yaman, kasama na ang legendaryong "Adele," ay pinagsama-sama sa isang tambak.
Kinuha niya ang kaniyang phone at nag-dial ng number.
“Hello, ito ba ang property management office? Gusto kong ibenta ang lahat ng bagay na ito. Ibigay niyo ang bawat kikitain sa women's foundation para suportahan ang mga babae na gustong makawala sa kanilang asawa pero hindi magawa, tungkol man sa anak o problema sa pera.”
Sa loob lang ng isang oras, nakabalot na lahat at naipadala.
Pagkatapos, tinuon ni Adele ang atensyon niya sa pag-aayos ng sarili niyang gamit.
Malapit na siyang matapos nang biglang pumasok si Elias sa pinto.
Parang pangalawang balat na niya ang ulan; hindi man lang siya nakakuha ng payong. Habang basa at nilalamig, pumasok siya sa kwarto, puno ng pagiging desperado ang mata niya.
Hindi man lang siya nagpalit ng damit habang papalapit sa tabi ni Adele, nanginginig ang boses niya.
“Addie, bakit mo binenta ‘yung ‘Adele’?
Sobrang mahalaga ang kwintas na “Adele”, at ang tanging paraan lang para mabenta ito ay sa auction house.
So, Nakita ito ni Elias na nalista sa auction?
Hindi siya agad nakasagot.
Sa halip, binalik niya ito, “Pumunta ka sa auction house?”
Nagdalawang isip si Elias, agad na nag-iba ang ekspresyon niya.
Pagkalipas ng ilang sandali, sumagot siya, “Gusto kitang bilhan ng alahas.”
“Para sa akin ba talaga? O para kay Evelyn…” inisip niya.
Malaki ang ginawa ni Evelyn para handaan siya ng malaking sorpresa; natural, obligado siyang ibalik ito.
Agad na inayos ni Adele ang emosyon niya. Kalmado ang boses niya habang sinasabi, “Hindi ko ‘yon ibinenta. Nag-donate ako.”
Nang marinig ‘yon, naiinis na bumuntong hininga si Elias at hinawakan ang k**ay niya. “Addie, alam kong mabait ka pero kung may gusto mong mag-donate, iba na lang ang ibigay mo. Ang kwintas na ‘to ay hindi pwedeng ipamigay.”
Pagkatapos non, kinuha niya ang maliit na box at inilagay sa harap nito.
Binuksan ang black velvet box kung saan nakalagay ang “Adele” na kwintas, kumikinang pa rin ito.
“Binili ko ito pabalik,” sabi ni Elias, mahinahon ang boses niya pero seryoso. “Simbolo ang kwintas na ‘to sa pagmamahal ko sa'yo. Hindi dapat ‘yan matanggal, kahit ano pa ang mangyari.”
Lumapit siya at ikinabit muli ang kwintas sa leeg nito.
Tinitigan ni Adele ang pamilyar na alahas na bumalik na sa kaniyang orihinal na lugar at mapait na tumawa.
“Elias, ang galing mo magpanggap,” sa isip niya. “Nagmamadali kang bumalik pagkatapos mong makasama ang kabit mo, at nandito ka, nagsasabi sa akin ng matatamis na salita na para bang walang nangyari.”
Nang gabing ‘yon, nang malapit na siyang makatulog, biglang tumunog ang phone ni Elias.
Agad niya itong pinatay at tinapik ang likod ni Adele na para bang pinapakalma ito.
Pero ilang segundo lang, tumunog ulit ang phone.
Pagkatapos ng ilang ring, kumunot si Elias, ayaw niyang guluhin si Adele at nagdalawang-isip na sagutin ang tawag.
Malinaw ang boses sa kabilang linya sa tahimik na kwarto.
“Hey, Elias! Lumabas ka at samahan mo kami. Nandito lahat, hinihintay ka lang namin!’
Nang walang pagda-dalawang isip, tumanggi si Elias. “Pinapatulog ko si Addie. Hindi ako pwede. Bye.”
“Hey, hey, huwag mo patayin! Huwag ka masyadong maging alipin ng misis mo! Ang tagal na mula nang sumama ka sa amin sa night out!”
“Oo nga, man. Kadalasan ay nakakalimutan ng lalaki ang mga kaibigan nila kapag kinasal na sila, pero ikaw? Binura mo kami mismo. Sobra naman ‘yon!”
Naging magulo ang ingay sa kabilang linya at inilapit ni Elias ang k**ay niya sa receiver. “Tama na. Tahimik. Sinabi ko na sa inyo noon na walang mas mahalaga kahit sino sa mundo bukod sa misis ko. Dito lang ako sa kaniya.”
Kahit na ayaw niya, hindi pumayag ang mga boses sa kabilang linya. Pinapaikot nila ang phone, sinusubukan nila na kumbinsihin siya na lumabas, determinado sila na pumayag ito.
Habang nagpapatuloy ang paglipat-lipat, si Adele, na nagising sa ingay ay nagsalita.
“Lumabas ka na. Ang tagal na nang huli mong nakita ang mga kaibigan mo.”
Nagdadalawang-isip ang mukha ni Elias pero inulit ni Adele ang sarili niya.
Sa huli, bahagya siyang sumuko. “Sige na. Pero isasama kita. Kapag hindi ka pumunta, hindi rin ako pupunta.”
Agad na nakisali ang mga boses sa kabilang linya, nagmamakaawa kay Adele.
“Tara na, Adele, sumama sa amin! Masaya ‘to at makakalabas na sa wakas si Elias sa bahay!”
“Oo nga, Adele, please pumunta ka! Hindi ‘yan papayag kung hindi ka niya kasama!”
Kalaunan ay pumayag din si Adele at doon lang pumayag si Elias na lumabas.
Nang makarating sila sa private lounge at binuksan ang pinto, nakita nila ang mga kaibigan ni Elias na pinapalibutan ng mga babae, lahat ay may inaakbayan at malakas na tumatawa.
Nagdilim ang ekspresyon ni Elias at nang walang pagda-dalawang isip, tumalikod siya para umalis.
Agad napagtanto ng grupo ang mali nila at mabilis na pinaalis ang mga babae. “Okay, okay, alis! Alis na, ngayon!”
Nang wala ng babae ang lounge, nakahinga nang maluwag ang magkakaibigan at inakbayan si Elias.
“Elias, ganoon ka pa rin hanggang ngayon. Walang babaeng nakakalapit sa'yo bukod kay Adele,” pang-aasar ng isa niyang kaibigan.
Pinagtawanan siya ni Elias ng isang tingin ng pang-iinsulto, at tinapik pa ang kanyang balikat para kunwari alisin ang alikabok. "May asawa na ako. Kailangan ko tiyakin na secure si Addie. Hindi mo naman siguro maiintindihan, kasi wala ka pa namang asawa.”
Napuno ng tawanan ang kwarto habang ang lahat ay tumitingin kay Adele.
Kahit na night out dapat ito kasama ang mga kaibigan niya, hindi nawala ang atensyon ni Elias kay Adele.
Nung may nag yosi, agad niyang tinignan ng matalim, kaya’t napilitan silang patayin. "Patayin mo 'yan. Hindi gusto ni Addie ang amoy ng sigarilyo."
Nung may nag-alok ng inumin, tumanggi si Elias ng diretso, walang pasintabi. "Hindi gusto ni Addie kapag naamoy akong amoy alak.”
Kahit nung nagsimula ang karaoke, kunot ang noo ni Elias. "Patayin niyo 'yan. Mas gusto ni Addie tahimik.”
Baliwala sa mga pabirong reklamo ng mga kaibigan niya, si Elias ay nakatutok lang kay Adele, maingat na nagbabalat at nagpuputol ng prutas na may kasanayang tanging galing lang sa madalas na paggawa. Ang mga piraso ay perpektong putol, maayos na inayos sa isang mangkok, at inabot sa kanya ng may halong pride. "Ito, Addie. Kain ka ng prutas.”
Nang mapansin ang manipis nitong dress at ang malamig na hangin sa kwarto, agad na inalis ni Elias ang jacket niya at nilagay sa balikat ni Adele. “Mas ayos ba ‘yan? Nilalamig ka pa ba?” nag-aalala niyang tanong.
Hindi na napigilan ng mga kaibigan niya ang pagtawa, agad siyang inasar. “Elias, kuhang kuha mo talaga ang lugar mo bilang may asawa.”
Nanatiling tahimik si Adele, hindi niya gustong ipagpatuloy ang pakikisama.
“Gumagabi na. Uuwi na ako.”
Agad na tumayo si Elias para sundan siya pero agad siyang pinigilan ng mga kaibigan niya.
“Come on, Elias! Kailangan magpahinga ni Adele at ang tagal na natin hindi nagkakasama. Hindi ka pa pwedeng umalis.”
“Tama. Pauwiin mo muna siya para makapagpahinga habang nandito ka at makikipag-usap sa amin.” Hinila ni Adele ang k**ay niya sa pagkakahawak ni Elias, malamig ang tono niya. “Pwede naman ako ihatid ng driver. Dito ka na lang.”
Bago pa siya makapagsalita, tumalikod siya at umalis, mabilis ang lakad niya at hindi na siya napigilan pa ni Elias.
Hindi nagtagal nang makaalis ang sasakyan, may kakaibang naramdaman si Adele sa bulsa ng coat niya. Hinawakan niya ‘yon at nakita ang phone na hindi kaniya. Kulay itim ito na pagmamay-ari ni Elias.
Kumunot siya at inutusan ang driver na bumalik.
Hindi pa nakakahinto ang sasakyang nang makita ni Adele si Evelyn na palabas ng sasakyan.
Abala si Evelyn na ayusin ang makeup niya sa repleksyon niya sa kaniyang phone, maingat siya sa paligid habang papunta sa lounge.
Humigpit ang hawak ni Adele sa kaniyang phone, namumutla ang k**ao niya habang sinusundan si Evelyn.
Tulad ng inaasahan niya, huminto si Evelyn sa labas ng lounge kung nasaan si Elias.
Nang pumasok si Evelyn, agad siyang yumakap sa bisig ni Elias.
Agad itong sinali ni Elias, dumulas ang k**ay niya sa bewang niya habang inaayos ang buhok na may malambing na tingin. “Bakit ang bilis mo makarating dito?”
Sumandal si Evelyn sa kaniyang balikat, malambing ang kaniyang ngiti. “Namiss kita! Nang tumawag ka, pumunta ako agad.”
Bahagyang tumawa si Elias. “Kung ganoon deserve mo ng reward.”
Pagkatapos non, lumapit siya at hinalikan si Evelyn, isang malalim at mainit na halik na agad na umabot sa pagsiil ng mga labi at dila.
“Sige na, sige na, tama na ‘yan! Huwag sa harap namin!” pang-aasar ng isa sa magkakaibigan, sinira niya ang pangyayari.
Mukhang hindi man lang nagulat ang mga kaibigan ni Elias.
Sa halip, tumawa sila at inasar ito na parang normal lang ang lahat.
Habang nakatayo sa labas ng pinto, nakasilip si Adele sa butas, nanlalamig ang katawan niya.
Alam pala ng lahat.
Alam nila ang lahat ng tungkol kay Elias at Evelyn.
Pero nagpapanggap sila sa harap niya hanggang ngayon.
“Hey Elias, ngayong nandito na si Evelyn, kung maglaro kaya tayo nang medyo daring?” pagbibiro ng isa nitong kaibigan, malaki ang ngiti nito.
Dahil doon, pinalakpak nila ang kanilang k**ay, tinawag nila ang mga babae na pinaalis nila kanina.
Hindi nagtagal, lahat ng lalaki ay may babae na akbay, puno ng tawanan ang kwarto.
Simple lang ang laro: spin the bottle.
Kung sino man ang ituro ng bote ay kailangan sumagot ng truth o gagawa ng dare.
Paulit-ulit ang ikot ng bote, bawat ikot ay mas tumataas ang saya sa kwarto hanggang sa huminto na ito kay Elias.
Mas naging maingay ang paligid dahil sumisigaw ang lahat, inaasar siya.
“So, Elias,” isa sa mga lalaki ang nagtanong na may mahiwatig na ngisi, “Kailan ang huli?”
Sa tono niya ay alam na agad ang kaniyang tinutukoy. Inangat ni Elias ang kilay niya, kalmado ang ekspresyon niya bago malamig na sumagot, “Kahapon. Sa loob ng sasakyan.”
Napuno ng tawanan at hiyawan ang kwarto.
“Wow! Nakak**angha naman! Sige na, sabihin mo sa amin—kumusta?”
Namumula na si Evelyn at nakasandal ang mukha sa dibdib ni Elias, nahihiya siyang tumingin.
Kumurba ng mayabang na ngiti ang labi ni Elias, sinadya niyang bagalan ang mga salita. “Maganda ang ginawa niya. Hindi… makakalimutan.”
“Hahaha, lagi kong sinasabi na mas matamis ang wildflower kaysa sa nasa bahay!”
“Kaya nga, Elias. Ang mga lalaki na tulad natin—paanong hindi tayo magkakaroon ng ibang babae?”
“Basta itago mo lang ito, habambuhay ka magsasaya. Hindi malalaman ni Adele.”
Habang nagsasalita sila, lumapit ang mga lalaki para halikan ang mga babae sa tabi nila, malayang gumagalaw ang k**ay nila.
Nang marinig ang pangalan ni Adele, agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Elias. Nagdilim ang ekspresyon niya at naging seryoso ang tono niya.
“Huwag mo paabutin ‘to kay Addie. Kapag nalaman niya… alam mo ang mangyayari.”
“Oo, oo! Hindi niya malalaman,” mabilis niya itong sinigurado.
Lahat ng salita sa pag-uusap nila ay nakaabot kay Adele.
Nagpatuloy ang tawanan at asaran, umabot na sa katotohanan na naging yelo ang mundo ni Adele. Namanhid ang katawan niya, nanginginig ang hita niya na para bang isa siyang shell na walang laman. Nang walang pag-iisip, lumabas siya ng building, wala sa sarili siyang naglalakad.
Napansin ng driver na may kakaiba, agad itong lumapit at sasabihan na sana si Elias pero agad siyang pinigilan ni Adele.
“Huwag mo na ako ihatid. Maglalakad na lang ako,” sabi niya, malamig ang kaniyang boses. “At huwag mo sabihin kay Elias na nandito ako.”
Nagdalawang-isip ang driver pero sumunod, pinanood niya itong tumalikod at mawala sa walang tao na kalsada.
Nagsimulang umulan nang malakas, binabasa siya sa bawat bagsak pero hindi niya ito napapansin. Ang malamig na tubig na bumabagsak sa kaniyang balat ay mas pinapatalim lang ang nararamdaman niya.
Wala siyang ideya kung gaano siya katagal naglakad. Parang wala itong katapusan, parang habambuhay, mas mahaba pa sa nagni-nyebe na gabi noong seventeen siya, noong binuhat siya ni Elias pauwi pagkatapos niyang mapilay sa kaniyang ankle.
“So, ganoon kabilis magbago ang pag-ibig,” inisip niya.
Nang makauwi si Adele, inapoy siya ng lagnat at hindi ito bumababa.
Umuwi si Elias nang gabi na ‘yon, amoy alak, nakita niya si Adele na walang malay, p**ang p**a ang pisngi nito. Agad siyang nataranta habang binubuhat ito at agad na sumugod sa hospital.
Nang magkaroon ng malay si Adele, nahirapan siyang idilat ang mabigat niyang mga talukap.
Nang makita itong gising, natuwa ang nurse na nagpapalit ng IV niya. “Mrs. Sterling, nagising na kayo! Isang araw kayong nilalagnat. Sobrang nag-aalala si Mr. Sterling. Nanatili siya sa tabi mo buong oras. Lumabas lang siya sandali para may sagutin na tawag. Sabihin ko ba sa kaniya na gising na kayo? Matutuwa siya na marinig ‘yon.”
Mahinang iniling ni Adele ang ulo niya, namamaos ang boses niya. “Hindi na kailangan.”
Hindi na nagpumilit pa ang nurse.
Pagkatapos ayusin ang IV nito, magalang siyang umalis sa kwarto.
Natahimik ang malawak na hospital room, sa sobrang tahimik ay bahagyang naririnig ni Adele ang boses ni Elias mula sa hallway.
Lagi siyang kalmado, nawawala lang ang pagiging kalmado niya sa harap ni Adele.
Pero ngayon, may kakaibang gaan ang boses niya. Mayroong saya at excitement.
Hindi nagtagal, nawala ang tunog ng hakbang niya. Umalis na siya.
Inipon niya ang lahat ng kaniyang lakas, bumaba si Adele si k**a, mabagal at dahan-dahan ang galaw niya. Sinundan niya ang direksyon ng boses nito, paisa-isang hakbang, pababa sa ilang palapag.
Nang makarating siya sa corridor, natigil siya.
Palabas si Elias sa obstetrics department, nakasuporta ang braso niya kay Evelyn.
Nakangiti silang dalawa, hindi maitatago ang saya nila, nakakurba ng ngiti ang mga labi nila na hindi nila mapigilan.
Nang makita ni Evelyn si Adele, nanlaki ang mata niya na may mapang-asar na gulat at sumigaw siya, “Mrs. Sterling! What a coincidence. Nasa hospital ka rin?”
Sa salita niya, napalingon si Elias. Nagtagpo ang mga mata nila ni Adele sa corridor at natigil ang buong katawan niya.
Sa gulat, agad niyang binitawan ang braso ni Evelyn, hindi mapakali ang ekspresyon niya.
“Addie, P—Pumunta ako sa baba para kunin ang gamot mo at aksidente kong nakasalubong si Evelyn. Buntis siya at nag-aalala ako na baka may mangyari kaya tinulungan ko muna siya sandali,”
Napatingin si Adele sa tiyan ni Evelyn, sumasakit na ang paghinga para sa puso niya.
Bahagya niyang pinikit ang kaniyang mata, inaayos niya ang kaniyang sarili bago nagsalita. “Miss Lowe… kailan mo nalaman na buntis ka? At bakit wala ang tatay ng bata dito?”
Nagliwanag ang mata ni Evelyn sa saya habang nakalagay ang k**ay sa kaniyang tiyan, matamis ang kaniyang ngiti. “Ngayon ko lang nalaman na isang buwan na akong buntis! Hindi makakapunta ang tatay ng baby ngayon kasi abala siya pero sobrang saya niya nang sinabi ko.
“Binilhan niya na ako agad ng ilang villa, binigyan ako ng two million dollars at ngayong gabi, plano niya na mag-citywide fireworks display para i-celebrate ang pagmamahalan namin at ang baby namin!”
Mayabang siyang ngumiti, kumikinang siya habang nagmamalaki.
Pero, simple lang siyang tiningnan ni Adele bago mahinang ngumiti. “Ganoon ba?”
Mas naging mayabang ang ngiti ni Evelyn habang nagpupumilit. “Oo, Mrs. Sterling. Dahil wala ka namang ginagawa ngayong araw, bakit hindi tayo mag dinner? Pwede natin imbitahin ang tatay ng baby para samahan tayo.”
Sa sinabi ni Evelyn, agad na nagdilim ang ekspresyon ni Elias. Tumingin siya kay Evelyn nang matalim, agad niya itong pinatahimik. “Hindi na ‘yan kailangan. Walang oras si Addie para sa ganiyan.”
Lumingon siya kay Adele, mahina siyang hinila ni Elias, malambing at mahinahon ang boses nito. “Addie, hindi pa maayos ang pakiramdam mo. Huwag mo pilitin ang sarili mo na maglakad.”
“Isa lang siyang spokesperson,” seryoso niyang dagdag, malamig ang kaniyang tono. “Hindi mahalaga para pagtuunan ng pansin.”
Namutla ang mukha ni Evelyn at namula sa salita ni Elias. Napuno ng galit at hiya ang ekspresyon niya habang namumul ang luha sa mata.
Yumuko siya na parang hayop na sugatan, kinagat niya ang kaniyang labi at bumulong, “Tama ka. Sumobra ako. Paano ko naisip na sapat ako para makasama sa iisang mesa si Mrs. Sterling?”
Pagkatapos non, pinunasan niya ang kaniyang mata, mabilis siyang tumalikod, nanginginig ang katawan niya sa galit.
Nag-iba ang ekspresyon ni Elias at sa isang saglit, mukhang hahabulin na niya si Evelyn. Pero nang tumingin siya kay Adele na kalmado siyang pinapanood, nagdalawang-isip siya at agad na nanatili doon.
Pagkatapos kunin ang ilang prescription, nakalabas na si Adele at nakauwi sa bahay.
Siguro ay naguguluhan pa rin sa nangyari kay Evelyn kanina, mukhang wala sa sarili si Elias sa buong biyahe. Nang makarating sila, nagdahilan siya ng tungkol sa trabaho at ikinulong ang kaniyang sarili sa study.
Nang pumasok si Adele sa kwarto, tumunog ang phone niya sa mensahe na mula kay Evelyn. Larawan ‘yon ng prenatal examination report. Ang kasunod ay ang mga nakakabahalang mensahe:
“Adele, alam ko na nalaman mo ngayon. Si Elias ang tatay ng baby. Huwag mong lokohin ang sarili mo habang iniisip na ganoon ka niya k**ahal. Kung ganoon talaga, anong ibig sabihin ng presensya ko?”
“Alam mo ba kung gaano siya kabaliw sa akin? Bawat taon, sa birthday mo at sa wedding anniversary niyo, pinapatulog ka niya at pupunta siya sa akin. Hindi siya makatiis. Ilang kahon ng condom ang ginagamit namin sa tuwing mangyayari ‘yon, at kinabukasan, halos hindi ako makaalis sa k**a.”
“Nag-iwan kami ng bakas sa kahit saan—sa Maybach niya, sa kaniyang opisina, kahit sa k**a niyong dalawa. Seventy-two na position, ginawa niya ‘yon lahat sa akin. Sabi nila ay magkapantay ang pagmamahal at intimacy. Ganoon ba siya kasabik sa'yo?” Habang binabasa ang mensahe, huminga nang malalim si Adele, pinilit niyang pigilan ang bagyo ng emosyon na nagwawala sa loob niya.
Pinatay niya ang kaniyang phone nang binalot ni Elias ang braso nito mula sa likod niya.
“Anong tinitingnan mo, sweetheart?” bulong niya, nakapatong ang baba niya sa leeg ni Adele.
Ang nakita niya lang ay blangko at maitim na screen ng phone ni Adele.
“Wala ‘yon,” tahimik na sabi ni Adele, nanatili ang tingin ng namumula niyang mata sa labas ng bintana.
Sa sumunod na pangyayari, nagliwanag ang langit dahil sa fireworks, kumikinang at maliwanag.
Agad maalala ni Adele ang sinabi ni Evelyn kanina—kung paano nagplano si Elias ng citywide fireworks display para i-celebrate ang pagbubuntis niya.
Nang mapansin ang tingin ni Adele sa fireworks, napuno ng pagmamahal ang mata ni Elias.
“Gusto mo ba nang ganito? Gagawa ako nang mas magarbong display para sa'yo. Mas maganda pa dito, pangako,” sabi niya, mahigpit niyang hawak si Adele at nilalambing ito gamit ang mahinahon niyang tono.
Bahagyang ngumiti si Adele pero may bakas ng pait at luha ang ngiti niya.
“Elias,” mahina niyang sabi, seryoso ang kaniyang boses, “Ayaw ko ng mga bagay na ginamit na ng iba.”
Fireworks man… o tao.
Natigil si Elias, tumutusok sa kaniya ang mga salita ni Adele. Kahit na ang fireworks naman talaga ang tinutukoy niya, nanikip ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na kaba.
Pagkatapos ng sandaling katahimikan, hinila niya ito palapit. “Kung ganoon maghahanda ako ng iba. Isang bagay na para lang sa'yo. Sisiguraduhin ko na hindi ka magseselos sa kahit sino.”
Walang sinabi si Adele, malamig ang tingin niya sa malayo. Hindi siya sumagot.
Sa mga sumunod na araw, maagang umalis si Elias at gabi na nakauwi, puno ng paglilihim ang kilos niya. Kahit ang household staff ay napansin na may kakaiba at hindi mapigilan na mang-asar.
“Mrs. Sterling, mukhang may inihandang sorpresa sa'yo si Mr. Sterling!”
“Oo, sobrang mapagmahal siya. Nang una, gumawa siya ng custom jewelry na para sa'yo at ngayon iba ang ginagawa niya. Isang sorpresa pagkatapos ng isa. Hindi siya nauubusan ng paraan para i-spoil ka!” Pero nanatiling walang ekspresyon si Adele, pinapakingga ang pag-uusap nila nang walang bakas ng reaksyon.
Nang gabing ‘yon, kinuha ni Elias ang k**ay niya, hindi maitago ang excitement niya habang sinasamahan niya ito sa pinto.
“Addie, dadalhin kita sa isang lugar. Magugustuhan mo ‘to,” nakangiti niyang sabi.
Tatanggi na sana si Adele nang tumunog ang phone niya.
Mensahe ‘yon mula kay Evelyn.
“Adele, bakit hindi mo hulaan kung sino ang mas importante sa kaniya ngayon? Ikaw o ako?”
Sa susunod na pangyayari, tumunog ang phone ni Elias. Tiningnan ‘yon ni Adele at nakita ang screen. Larawan ‘yon mula kay Evelyn—isang close-up ng legs niya na may itim na stockings, kasama ang mapang-akit na mensahe, “Huwag mo ako paghintayin~”
Nagdilim ang mata ni Elias habang nakatitig sa larawan, bahagyang gumagalaw ang Adam's apple niya. Pagkatapos ng ilang segundo, binalik niya ang kaniyang phone sa kaniyang bulsa at tumingin kay Adele.
“Addie, may problema sa isang project sa trabaho. Kailangan ko agad ayusin,” sabi niya, kakaiba ang pagmamadali ng tono niya. “Sa susunod na lang ang sorpresa na ito, okay?”
Tahimik na tiningnan ni Adele si Elias, nakatitig siya rito.
Pagkatapos ay bahagya siyang tumawa, isang tawa na nagpataranta kay Elias.
Nang walang sinasabi, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas.
Nagdalawang-isip si Elias pero pagkatapos lang ng tatlong segundo, umandar nang mabilis ang sasakyan at umalis, naiwan siyang nakatayo doon.
Pagkatapos ng ilang oras, nakatanggap si Adele ng mensahe mula kay Evelyn. Larawan yon ng trash bin na puno ng bukas na balot ng condom.
“Adele, natalo ka ulit. Akalain mo ‘yon? Buntis pa rin ako pero hindi siya makatiis. Gaano niya kaya ako k**ahal sa tingin mo?”
Puno ng yabang ang tono ni Evelyn. Tiningnan ni Adele ang larawan pero kalmado at walang nagbago sa ekspresyon niya.
Napagdesisyunan niya na umalis. Hindi na siya masasaktan ng ganito.
Sa mga sumunod na araw, hindi umuwi si Elias. Hindi nagtanong si Adele o nagbigay ng pakialam kung nasaan siya. Pero, patuloy na nagpapadala ng mensahe si Evelyn.
Isang araw, larawan ‘yon ng prutas na perpekto ang pagkakahiwa. Nang sumunod naman, isang cabinet na puno ng luxury good. At picture ng pagkain na niluto mismo ni Elias.
Bawat mensahe ay deklarasyon kung gaano siya k**ahal ni Elias.
Hindi ‘yon pinansin ni Adele.
Sa halip, tinuon niya ang kaniyang pansin sa pag-alis ng bakas niya mula sa bahay.
Kung mawawala siya, gagawin niya ito nang maayos.
Nung unang araw, nung nagpadala si Evelyn ng litrato ni Elias na nagbabalat ng hipon para sa kanya, naghanda si Adele ng isang siga at sinunog lahat ng lumang litrato nila ni Elias.
Nung pangalawang araw, nung pinadala ni Evelyn ang picture nilang magkahalikan sa ilalim ng puno ng oak, kumuha si Adele ng mga trabahador at pinaalis lahat ng puno ng cherry na itinanim ni Elias sa likod ng villa.
Nung pangatlong araw, nung ibinahagi ni Evelyn ang compilation ng matatamis na sinabi ni Elias sa kanya sa livestream, kinuha ni Adele ang lahat ng love letter na isinulat ni Elias para sa kanya sa loob ng maraming taon.
Medyo nanilaw na ang papel dahil sa tagal, pero malinaw pa rin ang sulat-k**ay niya.
Hinaplos ni Adele ang mga letra sa loob ng ilang segundo, saka walang pag-aalinlangan na isa-isang pinadaan ang mga ito sa shredder.
…
Sa umaga ng pag-alis niya, nagising si Adele na nandun si Elias sa tabi ng k**a.
Hawak nito ang cellphone niya, seryoso ang mukha habang nakatitig sa kanya.
"Addie," mahina nitong tawag, "may natanggap kang message na may successfully deactivated. Ano ‘yung dineactivate mo?"
Mabilis ang tibok ng puso niya.
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at binuksan ito.
Confirmation message ito para sa identity cancellation niya.
Buti na lang at naka-lock ang phone niya, kaya ilang salita lang ang nakita ni Elias sa screen.
Dahil dun, nakahinga siya nang maluwag at kaswal na sumagot, "Ah, wala lang. Yung luma kong social media account, nahack ata. Ni-recover ko lang, tapos dineactivate ko para safe."
Pagkatapos itong marinig ay napangiti si Elias, saka hinila siya palapit sa yakap si Adele.
"Sweetheart, hulaan mo kung anong binili ko para sa’yo?” Pabiro niyang tanong.
Sandaling natigilan si Adele bago malumanay na sumagot, "Yung sweet cream puffs galing Eastland."
Nagulat si Elias, lumiwanag ang mata. "Paano mo nalaman?"
Paano nga ba niya hindi malalaman?
Noong magkasintahan pa sila, tuwing nagagalit siya, pupunta si Elias sa kabilang dulo ng siyudad para bilhan siya ng sweet cream puffs para pagaanin ang loob niya.
Hindi siya mahilig sa alahas o mamahaling sasakyan. Yung tamis ng unang kagat—iyon lang ang kailangan niya para mapatawad si Elias.
Noon, tatawa si Elias at sasabihin, "Ang dali mong pakalmahin, Addie."
Tatawa rin siya at magtataray nang pabiro, "Hindi ako madaling pakalmahin. Mahalaga ka lang sa akin. Kaya handa akong magpatawad."
Pero palaging may kasunod ang sagot niya—seryoso ang tono, "Pero kapag dumating ang araw na wala na akong nararamdaman para sa’yo, kahit magpak**atay ka pa sa harap ko, wala nang magbabago."
Nawala ang alaalang iyon kasabay ng pag-abot ni Elias sa kahon ng cream puffs, may mainit na ngiti sa labi. "Alam kong hindi kita maloloko,"
Ngumiti lang si Adele, pero bawat salitang binitiwan niya ay puno ng bigat, "Tama ka. Hindi mo ako maloloko."
Sandaling natigilan si Elias. Parang may gumapang na hindi maipaliwanag na kaba sa kanya.
"Addie…" Mahina niyang bulong.
Pero hindi siya sinagot ni Adele. Bumangon lang siya at pumasok sa banyo.
Pagbalik niya, nakita niyang palabas ng bahay si Elias, nagmamadali.
Natigil siya nang ilang segundo bago ito sinundan sa labas.
Nang makarating siya sa pinto, natigilan siya.
Sa hindi kalayuan, nakatayo si Evelyn, walang pakialam kahit makita siya.
Mas nagulat si Elias kaysa sa kanya. Biglang dumilim ang mukha nito, saka mariing hinawakan ang k**ay ni Evelyn.
"Hindi ka ba nag-isip? Anong ginagawa mo rito? Di ba sinabi ko na ‘pag nasa bahay si Addie, bawal kang pumunta?" matigas nitong sabi.
Nanginginig si Evelyn, parang batang napagalitan, namumuo ang luha sa mata.
Hinila niya ang laylayan ng suot ni Elias, puno ng pagpapaawa ang boses niya.
"Hindi kita kayang iwan, kahit saglit. Pati ang baby natin, hindi rin.” Mahina niyang sabi, inilapat niya ang k**ay ni Elias sa tiyan niya
Nanatiling malamig ang tingin ni Elias habang tinanggal ang k**ay. "Wag kang magdrama. Pauuwiin ka ng assistant ko. Dadalawin kita at ang baby sa susunod na araw."
Pero hindi pumayag si Evelyn, mahigpit siyang kumapit kay Elias. “Hindi, ayaw ko sumama sa assistant mo. Ikaw ang maghatid sa’kin!"
Sabay ngiti siya at hinila ang tie ni Elias, saka yumakap para halikan ito.
Napakunot ang noo ni Elias, balak sanang itulak siya palayo, pero hindi nagtagal, bumigay rin siya. Mas mahigpit pa siyang yumakap at mas madiin pang hinalikan si Evelyn.
Doon mismo sa hardin, mas umiinit pa ang halikan nila.
Nang dumampi ang k**ay niya sa ilalim ng damit ni Evelyn, bigla siyang natauhan at umatras. "Umalis ka na."
Naluluha si Evelyn, pero may kaunting ngiti sa labi. May ibinulong siya kay Elias.
Bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya, sa huli, napabuntong-hininga si Elias at sumuko. "Sige. Sasamahan kita ngayong araw. Hintayin mo ako sa kotse.
Ngumiti si Evelyn, hawak ang tiyan habang masayang lumakad palayo. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at masayang pumasok sa sasakyan.
Pagharap ni Elias pabalik sa bahay, si Adele naman ang tahimik na lumayo bago siya makita.
Pagkatapos ng ilang sandali, pumasok si Elias sa bahay.
Ang una niyang sinabi ay, “Addie, gusto ko sanang kasama ka buong araw, pero may emergency sa work. Kailangan kong umalis. Magpakabait ka rito, ha? Pagbalik ko, sa atin ang buong araw. Okay?"
Kinakabahan siya habang naghihintay ng sagot pero inangat lang ni Adele ang tingin niya at tinitigan si Elias.
Hindi mabasa ang ekspresyon niya.
Sa isang sulyap lang ay natigilan si Elias.
Kailan pa na wala ang liwanag sa mata ng kaniyang Addie?
Lumunok si Elias, parang may kung anong bumara sa lalamunan. Mahina niyang tinawag, "Addie…"
May gusto pa siyang sabihin pero naunahan siya ni Adele. Mahinahon itong ngumiti, kalmado ang boses, "Sige, alis ka na. Ingat sa trabaho."
Mahinahon ang tono niya, wala itong pinakitang kakaiba.
Dahil doon, napayapa si Elias.
Ngumiti siya, hinaplos ang buhok ni Adele, saka lumabas ng bahay.
Maya-maya lang, narinig ni Adele ang tunog ng paalis niyang sasakyan, palayo nang palayo ang tunog nito hanggang sa tuluyan ng nawala.
Nawala ang ngiti sa Mukha ni Adele, napalitan ng mga tahimik na luhang bumabagsak sa kaniyang pisngi.
Pinunasan niya ang mga mata, lumapit sa mesa, at walang pag-aalinlangan na itinapon ang kahon ng cream puffs sa basurahan.
Saka siya umakyat, kinuha ang matagal nang nakaimpake niyang maleta.
Pagdating sa sala, sinulyapan niya ang bahay sa huling pagkakataon bago kinuha ang kaniyang phone.
Nagpadala siya ng huling mensahe kay Elias.
"Dalawang linggo na. Pwede mo nang buksan ang anniversary gift ko sa’yo."
Mabilis ang sagot nito.
"Sweetheart, hintayin mo ‘ko. Buksan natin ‘yun nang magkasama."
Bahagyang ngumiti si Adele.
Magkasama?
“Elias, mag-isa ka na lang,” sagot niya sa kaniyang isip. “Sa buong buhay mo, magiging mag-isa ka na lang.
Nang walang pagda-dalawang isip, tinanggl ni Adele ang SIM card mula sa kaniyang phone. Pagkatapos, itinapon niya ito sa basurahan na parang walang halaga.
Kinuha ang maleta, binuksan ang pinto, at lumabas.
Sa ilalim ng sikat ng araw, isang panibagong umaga ang bumungad sa kanya.
At simula sa araw na ito, hinding-hindi na siya mahahanap ninuman.