
31/07/2025
𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧, 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧: 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐰𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 2025 𝐬𝐚 𝐋𝐆𝐒𝐍𝐇𝐒
Nagdaos ng makabuluhang programa ang paaralan ngayong araw, Hulyo 31, bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may temang “Sa PPAN: Sama‑sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” at sub-temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”
Pinangunahan ng TLE Department ang aktibidad na may layuning paigtingin ang kaalaman ng mga mag-aaral, g**o at kawani tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pang-araw-araw na buhay.
Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang ang kanilang talento at pagkamalikhain sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak gaya ng pagsulat ng sanaysay, Nutri Jingle Competition, Slogan at Poster Making Contest. Ang mga nanalo ay ginawaran ng pagkilala at parangal sa isinagawang programa.
Ang matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay patunay ng patuloy na suporta ng pamunuan ng paaralan sa mga programang pangkalusugan ng Department of Education, kasabay ng layuning mahubog ang mga kabataan bilang malusog, may disiplina at responsableng mamamayan.