15/05/2023
EMPLYADO NG KABULNAN IRRIGATION SYSTEM PINAGBABARIL SA DATU HOFFER MAGUINDANAO KANINA.
Maswerteng Nakaligtas sa Pamamaril ang isang Lalaki nang pagbabarilin ang sinasakyan nitong SUV sa Labu Labu Bridge, Barangay Labu Labu 2, Datu Hoffer Maguindanao del sur ganap na alas 6:00 ngayong umaga araw ng Lunes May 15,2023.
Nakilala ang sakay ng SUV na si Ismael " Mike " Gudal na empleyado ng Kabulnan Irrigation System.
Ihahatid sana ni Gudal ang anak nitong babae na nag aaral sa Esperanza Sultan Kudarat Province nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek pagsapit nito sa Labu Labu Bridge Datu Hoffer Maguindanao del sur.
Tinamaan ng ilang mga bala ang sasakyan sa pamamaril, subalit maswerte naman na Ligtas si Mike Gudal at ang anak nito.
Sa ngayon patuloy na Nagsasagawa na ng Follow up investigation ang PNP sa naturang Insidente ng pamamaril.
mamaspano vlogs
Photos ctto