Radyo Pilipinas Davao

Radyo Pilipinas  Davao Radyo Pilipinas is the flagship government FM radio station of the Presidential Broadcast Service

π‡πŽπ”π’π„ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑  ππ€π†ππ€π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐒𝐀 𝐔.𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 𝐍𝐀 π“π”π‹πŽππ† 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππˆπŠπ“πˆπŒπ€ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Marti...
09/08/2025

π‡πŽπ”π’π„ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑 ππ€π†ππ€π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐒𝐀 𝐔.𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 𝐍𝐀 π“π”π‹πŽππ† 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππˆπŠπ“πˆπŒπ€ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀

Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Estados Unidos sa karagdagang β‚±13.8 milyon ($250,000) na ibinigay para sa emergency shelter assistance at hygiene kits para sa 3,000 pamilyang Pilipino na nasalanta ng matinding pagbaha dulot ng habagat noong July.

Ayon kay Romualdez, patunay ang nasabing tulong sa matibay at matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, at sa patuloy na pakikiisa ng Amerika sa mga Pilipino sa panahon ng krisis. | ulat ni Melany Reyes

πŸ“Έ Philippine Air Force



09/08/2025

π‡πŽπ”π’π„ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑 ππ€π†ππ€π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐒𝐀 𝐔.𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 𝐍𝐀 π“π”π‹πŽππ† 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππˆπŠπ“πˆπŒπ€ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀

Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Estados Unidos sa karagdagang β‚±13.8 milyon ($250,000) na ibinigay para sa emergency shelter assistance at hygiene kits para sa 3,000 pamilyang Pilipino na nasalanta ng matinding pagbaha dulot ng habagat noong July.

Ayon kay Romualdez, patunay ang nasabing tulong sa matibay at matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, at sa patuloy na pakikiisa ng Amerika sa mga Pilipino sa panahon ng krisis.

Batay sa pahayag ng U.S. Embassy sa Maynila, ang karagdagang pondo ay pakikinabangan ng humigit-kumulang 15,000 indibidwal na nananatili pa rin sa evacuation centers sa Rizal, Laguna, Bulacan, at Pampanga.

Sa kabuuan, umabot na sa β‚±27.6 milyon ($500,000) ang humanitarian aid ng Estados Unidos para sa disaster response sa Pilipinas ngayong taon.
Nagpaalala si Romualdez sa DSWD na tiyakin ang maayos at transparent na distribusyon ng tulong, at bigyang prayoridad ang mahihirap na pamilyang may matatanda, PWDs, at maliliit na bata.

Binanggit din niya na higit pa sa depensa at ekonomiya ang ugnayan ng Pilipinas at Amerikaβ€”ito’y isang samahan na nakabatay sa malasakit at pagkakaibigan. | ulat ni Melany Reyes

09/08/2025

| August 9, 2025
Kasama si Joe Torres

πŒπ€π‘πˆππ€, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 π‘π„π•πˆπ’πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπˆππˆπŒπ”πŒ 𝐒𝐀𝐅𝐄 πŒπ€πππˆππ† ππŽπ‹πˆπ‚πˆπ„π’ 𝐒𝐀 πƒπŽπŒπ„π’π“πˆπ‚ π’π‡πˆπππˆππ†Naglabas ng bagong panuntunan an...
09/08/2025

πŒπ€π‘πˆππ€, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 π‘π„π•πˆπ’πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπˆππˆπŒπ”πŒ 𝐒𝐀𝐅𝐄 πŒπ€πππˆππ† ππŽπ‹πˆπ‚πˆπ„π’ 𝐒𝐀 πƒπŽπŒπ„π’π“πˆπ‚ π’π‡πˆπππˆππ†

Naglabas ng bagong panuntunan ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa minimum safe manning ng mga Philippine-registered ships sa loob ng bansa upang palakasin ang kaligtasan sa karagatan at kahandaan ng mga marino.

Ayon sa MARINA, nakapaloob sa β€œRevised Rules and Regulations on Minimum Safe Manning for Philippine-Registered Ships Operating in Philippine Waters” ang mas malinaw na batayan sa bilang at kwalipikasyon ng mga crew depende sa uri at operasyon ng barko. | ulat ni Ej Lazaro

πŸ“Έ PIA



09/08/2025

πŒπ€π‘πˆππ€, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 π‘π„π•πˆπ’πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπˆππˆπŒπ”πŒ 𝐒𝐀𝐅𝐄 πŒπ€πππˆππ† ππŽπ‹πˆπ‚πˆπ„π’ 𝐒𝐀 πƒπŽπŒπ„π’π“πˆπ‚ π’π‡πˆπππˆππ†

Naglabas ng bagong panuntunan ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa minimum safe manning ng mga Philippine-registered ships sa loob ng bansa upang palakasin ang kaligtasan sa karagatan at kahandaan ng mga marino.

Ayon sa MARINA, nakapaloob sa β€œRevised Rules and Regulations on Minimum Safe Manning for Philippine-Registered Ships Operating in Philippine Waters” ang mas malinaw na batayan sa bilang at kwalipikasyon ng mga crew depende sa uri at operasyon ng barko.

Bahagi rin nito ang pagpapalawig ng bisa ng Minimum Safe Manning Certificate (MSMC) sa limang taon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas episyente ang proseso at dokumentasyon.

Mananatiling epektibo pa rin naman ang kasalukuyang MSMCs at pinapayagan hanggang Enero 2026 ang mga kwalipikadong opisyal na pansamantalang gumanap sa mas mataas na posisyon kahit wala pang kaukulang DCOC.

Bunga ng malawak na konsultasyon at deliberasyon, layon ng MARINA na masiguro ang sapat at bihasang crew sa mga domestic ship, habang pinapangalagaan ang kaligtasan at kaunlaran ng maritime industry sa bansa. | ulat ni Ej Lazaro

09/08/2025

TNK2025



09/08/2025

11:55AM | August 9, 2025

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹, πˆπ“πˆππ”π“π”π‘πŽππ† 𝐍𝐀𝐒𝐀 π‹πˆπŠπŽπƒ 𝐍𝐆 πˆπ‹π‹π„π†π€π‹ πŒπˆππˆππ† 𝐒𝐀 πŒπˆπ’π€πŒπˆπ’ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹-𝐃𝐄𝐍𝐑Sinalakay ng mga tauhan ng kinauukul...
09/08/2025

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹, πˆπ“πˆππ”π“π”π‘πŽππ† 𝐍𝐀𝐒𝐀 π‹πˆπŠπŽπƒ 𝐍𝐆 πˆπ‹π‹π„π†π€π‹ πŒπˆππˆππ† 𝐒𝐀 πŒπˆπ’π€πŒπˆπ’ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹-𝐃𝐄𝐍𝐑

Sinalakay ng mga tauhan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang ilegal na pagmimina sa Barangay Nangcaon, Opol, Misamis Oriental na pinaniniwalaang pinatatakbo ng isang barangay official.

Naaresto sa raid ang operator ng hydraulic excavator at pagkakumpiska ng ibat-ibang equipment. | ulat ni Rey Ferrer



09/08/2025

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹, πˆπ“πˆππ”π“π”π‘πŽππ† 𝐍𝐀𝐒𝐀 π‹πˆπŠπŽπƒ 𝐍𝐆 πˆπ‹π‹π„π†π€π‹ πŒπˆππˆππ† 𝐒𝐀 πŒπˆπ’π€πŒπˆπ’ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹-𝐃𝐄𝐍𝐑

Sinalakay ng mga tauhan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang ilegal na pagmimina sa Barangay Nangcaon, Opol, Misamis Oriental na pinaniniwalaang pinatatakbo ng isang barangay official.

Naaresto sa raid ang operator ng hydraulic excavator at pagkakumpiska ng ibat-ibang equipment.

Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources, magkatuwang sa operasyon ang Mines and Geosciences Bureau , Environmental Management Bureau, NBI at militar.

Narekober at nasamsam sa lugar ang tatlong hydraulic excavator, sampung water pump at iba pang kagamitan sa pagmimina.

Batay sa kuha ng drone,may lawak na 4.88-ektarya ang apektado ng ilegal na pagmimina at matindi na ang pagkasira sa kapaligiran.

Ayon sa DENR, iniimbestigahan na ang kaso at tiniyak na papanagutin ang mga responsable partikular na ang nasa likod ng ilegal na pagmimina. | ulat ni Rey Ferrer

𝐍𝐁𝐈 ππˆππ”π‘πˆ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†πˆππ† π‡π€π“πŽπ‹ 𝐍𝐆 πŠπŽπ‘π“π„ 𝐒𝐀 π’πˆππ€π’π€ππˆππ† πŒπ€π’π“π„π‘πŒπˆππƒ 𝐍𝐆 πˆππˆππ€π†ππ€ππ€π–π€π‹ 𝐍𝐀 πŠπ€π‹π€πŠπ€π‹π€π 𝐍𝐆 𝐍𝐔𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑 πŒπ€π“π„π‘πˆπ€π‹π’Binigyan...
09/08/2025

𝐍𝐁𝐈 ππˆππ”π‘πˆ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†πˆππ† π‡π€π“πŽπ‹ 𝐍𝐆 πŠπŽπ‘π“π„ 𝐒𝐀 π’πˆππ€π’π€ππˆππ† πŒπ€π’π“π„π‘πŒπˆππƒ 𝐍𝐆 πˆππˆππ€π†ππ€ππ€π–π€π‹ 𝐍𝐀 πŠπ€π‹π€πŠπ€π‹π€π 𝐍𝐆 𝐍𝐔𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑 πŒπ€π“π„π‘πˆπ€π‹π’

Binigyang papuri ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naging hatol kay Roy Cabesas Vistal, ang sinasabing utak sa ilegal na bentahan ng nuclear materials, matapos siyang ideklarang guilty ng Municipal Trial Court in Cities sa Cagayan de Oro.

Sa desisyon noong August 7, nahatulan si Vistal ng isang taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 o Republic Act No. 5207. Ang kaso ay nagsimula matapos hilingin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang tulong ng NBI upang imbestigahan ang bentahan ng depleted uranium na maling ibinenta bilang mamahaling metal. .| ulat ni Ej Lazaro



09/08/2025

𝐍𝐁𝐈 ππˆππ”π‘πˆ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†πˆππ† π‡π€π“πŽπ‹ 𝐍𝐆 πŠπŽπ‘π“π„ 𝐒𝐀 π’πˆππ€π’π€ππˆππ† πŒπ€π’π“π„π‘πŒπˆππƒ 𝐍𝐆 πˆππˆππ€π†ππ€ππ€π–π€π‹ 𝐍𝐀 πŠπ€π‹π€πŠπ€π‹π€π 𝐍𝐆 𝐍𝐔𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑 πŒπ€π“π„π‘πˆπ€π‹π’

Binigyang papuri ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naging hatol kay Roy Cabesas Vistal, ang sinasabing utak sa ilegal na bentahan ng nuclear materials, matapos siyang ideklarang guilty ng Municipal Trial Court in Cities sa Cagayan de Oro.

Sa desisyon noong August 7, nahatulan si Vistal ng isang taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 o Republic Act No. 5207. Ang kaso ay nagsimula matapos hilingin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang tulong ng NBI upang imbestigahan ang bentahan ng depleted uranium na maling ibinenta bilang mamahaling metal.

Sa serye ng operasyon ng NBI, PNRI, at Armed Forces of the Philippines, nasamsam ang mahigit 100 kilo ng radioactive materials sa Pasay, Cagayan de Oro, at Mandaue noong 2024, at naaresto ang tatlong suspek, kabilang si Vistal.

Binigyang-diin ng PNRI na banta sa pambansang seguridad at kalusugan ang ganitong uri ng kalakalan. Nanawagan naman si NBI Director Jaime Santiago sa Kongreso na repasuhin at palakasin ang RA 5207 para sa pagpataw ng mas mabibigat na parusa sa mga lalabag sa batas ukol sa nuclear safety at security.| ulat ni Ej Lazaro

ππˆπ‹πˆππˆππ€π’ 𝐀𝐓 πˆππƒπˆπ€, ππ€π‹π€π‹π€πŠπ€π’πˆπ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‘πˆπ“πˆπŒπ„ π‚πŽπŽππ„π‘π€π“πˆπŽπPinalakas ng Pilipinas at India ang ugnayan sa seguridad at kali...
09/08/2025

ππˆπ‹πˆππˆππ€π’ 𝐀𝐓 πˆππƒπˆπ€, ππ€π‹π€π‹π€πŠπ€π’πˆπ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‘πˆπ“πˆπŒπ„ π‚πŽπŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ

Pinalakas ng Pilipinas at India ang ugnayan sa seguridad at kaligtasan sa dagat sa pamamagitan ng pormal na pagpapalitan ng Terms of Reference (ToR) para sa Enhanced Maritime Cooperation.

Sa isang seremonya sa New Delhi, India sa ginanap na State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipinasa nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at Indian Ministry of Defence Secretary Shri Rajesh Kumar Singh ang ToR sa harap nina Pangulong Marcos at Prime Minister Narendra Modi. Layunin nitong magtatag ng mga Working Group na tututok sa marine environmental protection, maritime safety, security and law enforcement, at capacity building. | ulat ni Ej Lazaro

πŸ“Έ PCO


Address

Mindanao Media Hub, Carlos P. Garcia Highway, Diversion Road, Bangkal
Matina

Website

https://radyopilipinas.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Davao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Davao:

Share