Present Future Past

Present Future Past This page is my little corner of love, faith, and reflection. A timeline of grace—cherishing the past, living the present, and trusting God for the future.
(5)

Barkada lang pala atupagin
11/10/2025

Barkada lang pala atupagin

Magnitude 7.6 (initially reported as 7.5 by some agencies)Date & Time October 10, 2025, at 9:43 AM (Philippine Time)Epic...
10/10/2025

Magnitude 7.6 (initially reported as 7.5 by some agencies)
Date & Time October 10, 2025, at 9:43 AM (Philippine Time)
Epicenter Offshore, 62 kilometers southeast of Manay, Davao Oriental
Depth 10 kilometers (Shallow)
Origin Tectonic
Intensity Felt in Davao City Intensity V (Strong)
Impact The strong shaking was felt across many areas of Mindanao, including Davao City. Authorities suspended all classes in Davao City immediately to allow for a rapid damage assessment of infrastructures and facilities. Monitoring for aftershocks and tsunami advisories was initiated due to the offshore location and magnitude of the quake.

" MALI BA ANG MAGMAKAAWA PARA LANG MAGSTAY ANG ISANG TAO SA BUHAY MO? "Dumating kanaba sa punto na nagmakaawa kana sa ta...
07/10/2025

" MALI BA ANG MAGMAKAAWA PARA LANG MAGSTAY ANG ISANG TAO SA BUHAY MO? "

Dumating kanaba sa punto na nagmakaawa kana sa taong mahal mo para dika iwanan? Do you experience a kind of situation na kahit alam mong ikaw na yung nakakawawa, pilit mo paring inaayos at isiksik ang sarili mo sa taong in the first place hindi kanaman binigyan ng halaga?

Langga ang totoong pag-ibig hindi dapat hinihingi o pinipilit dahil kusa itong binibigay o pinaparamdam. Hindi mo kailangan mamalimos ng oras at attention dahil kung totoong mahalaga ka sakaniya, kusa niya yang ibibigay para sayo.

If they want to stay, they will stay. If they want to go, let them go. Dahil kung totoong mahal kang talaga hindi kayo aabot sa punto na sobrang binababa mo na yung sarili mo para lang manatili siya sayo.

Minsan giving the freedom that they seek is much better than holding on to things na ikaw nalang ang may gusto. Hindi natin deserve na nagstay nalang yung tao dahil lang sa awa.

Hindi mo deserve yun at hindi yun ang totoong depinisyon ng TRUE LOVE. Sometimes love just isn't enough to make people stay. Dahil ang pagbigay sa kalayaan na gusto nila ay isang napakatapang na desisyon kahit ang pagbigay non ay siyang ikakaguho ng iyong mundo.

Aalis ang gustong umalis dahil deserve natin ang mahalin ng totoo without telling them that this is how we wanted to be love, dahil alam nila mismo sa sarili nila kung paano tayo itrato at mahalin ng tama. Palaging tandaan mahalaga ka.

CTTO.. .

Pagod pero lumalaban
07/10/2025

Pagod pero lumalaban

Akala ko kapag nagkaroon kang partner may masasandalan kana sa lahat ng problema mo... Mali pala, sarili at sarili mo pa...
07/10/2025

Akala ko kapag nagkaroon kang partner may masasandalan kana sa lahat ng problema mo... Mali pala, sarili at sarili mo pa din pala ang kakampi mo sa lahat."😢

Oo, hindi ako breadwinner…😥 pero araw-araw ako ang gumigising nang maaga, nag-aalaga ng mga bata, nagluluto, naglilinis,...
07/10/2025

Oo, hindi ako breadwinner…😥 pero araw-araw ako ang gumigising nang maaga, nag-aalaga ng mga bata, nagluluto, naglilinis, at nagbubuhos ng buong oras at lakas ko para sa pamilya.

Hindi man ito sinusuklian ng sahod o payslip, ang halaga ng ginagawa ng isang nanay sa bahay ay hindi masukat ng pera. Kaya sana bago sabihing ‘wala kang ambag,’ maisip na ang tahanan na inuuwian at ang pamilyang buo, yan mismo ang pinaghihirapan ko araw-araw. 🥺

Ang Kwento ni Aling Nena: Ang Ilaw sa Gitna ng DilimSa isang maliit na barong-barong sa gilid ng ilog, kung saan ang ing...
07/10/2025

Ang Kwento ni Aling Nena: Ang Ilaw sa Gitna ng Dilim

Sa isang maliit na barong-barong sa gilid ng ilog, kung saan ang ingay ng lungsod ay halo-halong usok at pag-asa, nakatira si Aling Nena. Limang taon na siyang biyuda at naiwan sa kanya ang tatlong paslit na anak. Ang pinakamatanda ay si Maya, sampung taong gulang, na sinasabing kamukha niya. Sumunod si Dino, na anim na taong gulang, at ang bunso ay si Bea, isang taon pa lang at malambing.

Araw-araw, bago pa sumikat ang araw, gising na si Aling Nena. Nagtitinda siya ng gulay sa palengke. Isang maliit na puwesto lang, halos hindi napapansin, pero doon siya kumukuha ng bawat butil ng bigas na kanilang kakainin. Hindi madali ang buhay. Madalas, ang kita niya ay sapat lang para sa isang beses na pagkain, at kung minsan, wala pa. Sa gabi, kung may tira pa siyang gulay, dinadala niya ito sa kani-kanilang kapitbahay at ipinagpapalit sa kaunting bigas o isda.

Pero si Aling Nena ay hindi kailanman nawalan ng pag-asa. Sa gitna ng pagod at hirap, nakikita niya ang liwanag sa ngiti ng kanyang mga anak. Para sa kanila, lumalaban siya. Si Maya, bagaman bata pa, ay tumutulong sa pag-aalaga kay Bea habang si Aling Nena ay nasa palengke. Si Dino naman, sa kabila ng kaniyang pagiging paslit, ay madalas na nakikitang nagpupulot ng mga plastic na bote upang ibenta, kahit pinagsasabihan siya ng kanyang ina na mag-aral na lang.

Isang araw, malakas ang ulan. Hindi makapunta si Aling Nena sa palengke. Walang kita. Malalim na ang gabi at walang makain ang mga bata. Ramdam ni Aling Nena ang kirot sa kanyang dibdib. Habang ang kanyang mga anak ay natutulog, tumayo siya at tiningnan ang bubong ng kanilang bahay na tumutulo. Sa gitna ng dilim at lamig, huminga siya nang malalim at nagdasal. Hindi para sa sarili, kundi para sa kanyang mga anak.

Kinabukasan, sa kabila ng malakas pa ring ambon, naisipan niyang maglakad patungo sa isang malaking subdivision. May nakita siyang naghahanap ng labandera. Bagaman hindi niya ito kadalasang ginagawa, alam niyang kailangan niya ng pera. Nang araw na iyon, may dala siyang pera pauwi—sapat para makakain sila at makabili ng gatas para kay Bea.

Taon ang lumipas, at sa bawat pagsubok, lalong tumibay si Aling Nena. Nakapagtapos si Maya ng vocational course sa tulong ng isang scholarship, at ngayon ay nagtatrabaho na sa isang pabrika. Si Dino ay masikap ding nag-aaral at pangarap niyang maging isang inhinyero. Si Bea, na noon ay sanggol pa, ay malusog at masayahing bata.

Ang barong-barong ay napalitan ng isang maliit na bahay, na unti-unting itinayo ni Aling Nena sa tulong ng kanyang mga anak. Sa bawat kuko na ipinukpok at bawat semento na inilatag, naroon ang dugo, pawis, at luha ng isang inang lumaban.

Si Aling Nena ay simbolo ng libu-libong ina sa mundo—isang babaeng lumalaban hindi lang para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Ang kanyang kwento ay patunay na sa kabila ng mga hamon, ang pagmamahal ng isang ina ay sapat na ilaw upang pagtagumpayan ang anumang dilim. Ito ang laban ng isang babae—ang walang katapusang pag-ibig at sakripisyo ng isang ina.

Hindi porket nagbibigay ka ng pera TATAY kana, Tapos babarkada kana at hindi na sila papansinin , Uuwi ka ng lasing at m...
07/10/2025

Hindi porket nagbibigay ka ng pera TATAY kana, Tapos babarkada kana at hindi na sila papansinin , Uuwi ka ng lasing at mainit pa ulo mo.
Sa barkada masaya ka pero sa bahay iritable ka, Hindi mo na sasamahan mga bata sa mga espesyal na araw nila, Iiwan mo na sa nanay nila lahat ng obligasyon dahil lang nagbibigay ka ng pera para sa kanila.
Dapat maramdaman nila na andyan ka, dapat secure sila, ipakita mo din na mahal mo ang ina nila.
Tandaan mo ang pagiging ama ay hindi natatapos sa pag bibigay lang ng pera, Dapat kasama puso , isip at buhay mo.
Pag nag pamilya ka hindi na sayo ang buhay mo sa kanila na.

CTTO.

Hindi kailanman nasusukat ang halaga ko sa pera lang, ngunit ang sarili kong kita ay susi sa sarili kong dignidad at kal...
06/10/2025

Hindi kailanman nasusukat ang halaga ko sa pera lang, ngunit ang sarili kong kita ay susi sa sarili kong dignidad at kalayaan. Ang pagiging ina ay isang buong-oras na trabaho, at ito ay may walang katumbas na halaga.”

Ngayon ko lang lubos na naintindihan kung gaano kahalaga para sa isang babae na may sariling trabaho at sariling kinikita. Hindi para ipagmalaki, kundi para hindi niya kailangang tiisin ang paulit-ulit na sumbat o ang paglalagay sa kanya sa mababang tingin, na para bang wala siyang silbi bilang ina o bilang tao, dahil lamang hindi siya nakakapag-ambag ng pera.

Ang pag-aalaga ng anak ay hindi biro. Isa itong buong oras na trabaho na puno ng sakripisyo, pagod, at pagmamahal. Hindi ito dapat maliitin o tratuhin na parang walang halaga. Ngunit sa lipunan, madalas na mas pinapahalagahan ang pera kaysa sa sakripisyo ng isang nanay na nagtataguyod ng pamilya sa ibang paraan.

Kaya mahalaga na maging matatag ang babae, hindi lamang emosyonal, kundi pati pinansyal. Para hindi niya kailangang magmukhang kawawa, para may kakayahan siyang umalis sa sitwasyong hindi na niya deserve, at para mapatunayan na ang halaga niya ay hindi nasusukat sa pera lamang.ctto

Good evening ❤️
06/10/2025

Good evening ❤️

Anyare AI ?
06/10/2025

Anyare AI ?

05/10/2025


Address

Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Present Future Past posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Present Future Past:

Share