30/09/2025
Davao City, tinulungan ang 46,000 pasyenteng nakagat ng hayop
Iniulat ng City Animal Bite Treatment Center ang mataas na bilang ng mga pasyenteng nakikinabang sa libreng anti-rabies vaccination sa mga animal bite centers.
Ayon kay CHO Animal Bite Treatment Head Dr. Yleona T. Camelotes, sa I-Speak Media Forum, ipinakita ng pinakahuling datos na umabot na sa 46,000 ang bilang ng pasyente.
โNoong nakaraang taon 48,000 ang natulungan natin sa buong taon, [ibig sabihin] malapit na talaga ang tulong at mas marami pa tayong natutulungan,โ sabi ni Camelotes, at idinagdag na mas maraming tao na ngayon ang may kamalayan at alam ang kahalagahan ng agarang atensyon sa kagat ng hayop upang maiwasan ang rabies.
Dagdag pa niya, sa buong Davao City ay mayroong 10 Animal Bite Treatment Centers (ABTCs) โ siyam sa lungsod at isa sa Southern Philippines Medical Center.
โMas napalapit na talaga ang tulong dahil marami nang satellite animal bite centers sa Davao City,โ wika ni Camelotes.
Sa Davao City, bukod sa pangunahing Animal Bite Treatment Center na nasa Magallanes St., mayroon ding mga satellite ABTCs sa Toril, Mintal-Tugbok, Sasa, Calinan, Marilog District Hospital, Tibungco-Bunawan, Paquibato District Hospital, at Cabantian-Buhangin.
Sinabi ni Camelotes na patuloy ang pamahalaang-lungsod sa pagbili ng bakuna, at kung may kakulangan, tumutulong ang Lingap Para sa Mahirap sa pagbili ng gamot ng mga pasyente.
Dagdag pa niya, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya kontra rabies, patuloy silang nagsasagawa ng mga lektyur at information drive upang ipabatid sa komunidad ang tungkol sa rabies, maiwasan ang maling impormasyon, at itaguyod ang tamang first aid sa oras ng pagkakagat ng hayop.
โMayroon tayong mga lektyur, pagbobrodkast sa radyo, mga panayam, at nagtuturo rin tayo sa komunidad,โ ayon kay Camelotes.
Binigyang-diin din niya na bagamaโt nakamamatay ang rabies, ito ay maiiwasan.
Sa darating na Biyernes, Setyembre 26, 2025, makikilahok ang City Health Office sa World Rabies Day na gaganapin sa Rizal Park.