DVO Daily Trends in the Philippines

Try natin if sinong pipiliin ng taumbayan.
31/10/2025

Try natin if sinong pipiliin ng taumbayan.

30/10/2025

PINAKAMAHINANG PALITAN NG PISO SA DOLLAR SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Naitala ang pinakamahinang palitan ng piso sa US dollar sa kasaysayan ng umabot ito sa P59.13 kahapon, October 28, 2025.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang kamakailang pag-hina ng piso ay maaaring dulot ng mga alalahanin sa merkado ukol sa mabagal na paglago ng ekonomiya at mga inaasahan ng karagdagang pagpapagaan ng patakarang monetaryo.

Maaring naka-apekto rin sa ekonomiya ang kontrobersya tungkol sa maanomalyang flood control projects at corruption scandals sa gobyerno.

γ‚šviralγ‚·fypγ‚·γ‚š

30/10/2025

𝗗𝗔𝗩𝗔𝗒 𝗧𝗒𝗨π—₯π—œπ—¦π—§ 𝗣𝗔𝗦𝗦𝗣𝗒π—₯𝗧, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π——

Pormal ng inilunsad ng Davao Tourism Association (DATA) ang "Davao Tourist Passport", isang inisyatibong layuning palakasin ang turismo at ang partisipasyon ng pribadong sektor sa industriya ng turismo sa Davao City.

Isinagawa ang aktibidad kasabay ng 2nd DATA Hospitality and Tourism Experience (DATA HTX) sa Grand Regal Hotel sa nasabing lungsod

Ang mga may hawak ng passport ay makakakuha ng mga diskwento at promosyon sa mga kasaling establisimyento, at matatatakan ang kanilang passport sa bawat partner destination na kanilang bibisitahin.

Ayon kay DATA President Nicole Bian-Ledesma, magiging available ang passport sa Enero sa susunod na taon. Makukuha ito sa mga itinakdang distribution points, sa pamamagitan ng DATA page, at ibebenta rin sa mga partner hotels at establisimyento sa halagang humigit-kumulang β‚±450 hanggang β‚±500.

Ipinahayag naman ng Department of Tourism–Davao Region XI ang buong suporta nito sa proyekto.

γ‚šviralγ‚·fypγ‚·γ‚š

30/10/2025

"π—”π—‘π—§π—œ-π—£π—’π—šπ—’ 𝗔𝗖𝗧"

Nilagdaan na ni Pres. Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12312, o ang tinatawag na β€œAnti-POGO Act of 2025,” na nagbabawal sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa.

γ‚šviralγ‚·fypγ‚·γ‚š

𝗣π—₯π—˜π—¦. 𝗠𝗔π—₯𝗖𝗒𝗦 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π— π—”π—”π—‘π—’π— π—”π—Ÿπ—¬π—”π—‘π—š π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§π—¦: "π—”π—Ÿπ—”π—  π—‘π—”π—§π—œπ—‘ π—žπ—¨π—‘π—š π—¦π—œπ—‘π—’ π—¦π—œπ—Ÿπ—”"Sa isang Kapihan press br...
30/10/2025

𝗣π—₯π—˜π—¦. 𝗠𝗔π—₯𝗖𝗒𝗦 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π— π—”π—”π—‘π—’π— π—”π—Ÿπ—¬π—”π—‘π—š π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§π—¦: "π—”π—Ÿπ—”π—  π—‘π—”π—§π—œπ—‘ π—žπ—¨π—‘π—š π—¦π—œπ—‘π—’ π—¦π—œπ—Ÿπ—”"

Sa isang Kapihan press briefing, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nauunawaan niya ang galit ng publiko laban sa ilang opisyal na sangkot umano sa maanomalyang mga flood control projects.

Ayon kay Marcos, nakatanggap din siya ng mga mensahe hinggil sa umano’y mabagal na aksyon laban sa korapsyon at kung bakit wala pang mga indibidwal na nakukulong kaugnay nito.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na hindi maaaring madaliin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila dahil kinakailangan munang makalap ang sapat na ebidensya at sundin ang due process.

β€œDue process must be observed. We must make sure na… alam naman talaga natin kung sino sila. Kaya tiyakin natin na makukulong talaga sila at ang kanilang mga ninakaw ay ibalik sa gobyerno, ibalik sa tao,” pahayag ni Marcos.

30/10/2025

π—‘π—œπ—‘π—’π—‘π—š 𝗔𝗧 π—‘π—œπ—‘π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—”π—Ÿ

TINGNAN: Naging ninong at ninang sila Sen. B**g Go at Vice President Sara Duterte sa kasal nina Lieutenant Colonel Joseph Eleosida at Maica Martinez na ginanap sa Verjandel Hotel sa Quezon City noong Oktubre 28, 2025.

Sa seremonya, nagbigay din ng kanilang pagbati ang dalawang opisyal mula Davao sa mga bagong kasal.

**gGo γ‚šviralγ‚· γ‚šviralγ‚·

| πŸ“Έ Sen. B**g Go

25/10/2025

Titos and Titas of Davao reliving the golden hits of ABBA!

A night filled with nostalgia, music, and timeless classics that made everyone sing along!

γ‚šviralγ‚·

25/10/2025

Archdiocese of Davao Penitential Walk 2025: Make Corruption Shameful Again

γ‚šviralγ‚·

24/10/2025

P20/KILO NA BIGAS, ILULUNSAD SA DAVAO CITY! 🌾

Inaasahang ilulunsad ngayong araw, Oktubre 24, 2025, sa Davao City ang programang β€œBenteng Bigas, Meron Na” sa ilalim ng Kadiwa initiative ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA).

Gaganapin ang aktibidad sa Bureau of Plant Industry sa Bago Oshiro, Davao City, kung saan personal na dadalo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. upang pangunahan ang paglulunsad ng P20 kada kilo na bigas.

γ‚šviralγ‚·

SENADO, HANDANG ITULOY ANG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA KUNG BALIKTARIN NG SC ANG DESISYONTiniyak ni Senate President Ti...
24/10/2025

SENADO, HANDANG ITULOY ANG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA KUNG BALIKTARIN NG SC ANG DESISYON

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na nakahanda ang Senado na ipagpatuloy ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sakaling baliktarin ng Korte Suprema ang desisyon nitong idineklarang unconstitutional ang mga Articles of Impeachment laban sa kanya.

β€œYes, ang Senado mismo. Kung sabihin ng Korte Suprema na binabawi nila ang desisyon, muli naming kukunin mula sa archives ang Articles of Impeachment,” ayon kay Sotto.

Matatandaang noong Agosto, inilipat ng Senado sa archives ang mga dokumento matapos ideklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema ang impeachment complaint. Nauna nang inakusahan si VP Sara ng betrayal of public trust, graft and corruption, at iba pang high crimes ng mahigit 200 kongresista.

Bagama’t ibinasura ng Korte Suprema ang kaso dahil sa one-year bar rule at due process violation, nilinaw ng hukuman na maaari pa ring magsampa ng bagong reklamo pagsapit ng Pebrero 6, 2026.

21/10/2025

Chillin’ with the mountain breeze at Montefrio Garden Resort πŸ”οΈ

18/10/2025

ROMUALDEZ REQUESTED THE ICI TO POSTPONE ITS HEARING SCHEDULED ON OCTOBER 22, 2025

BASAHIN: Hiniling ni dating House Speaker Martin Romualdez na ipagpaliban muna ang hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nakatakda sana sa Oktubre 22, dahil umano ay sasailalim siya sa isang medical procedure.

Ayon sa ICI, maglalabas sila ng advisory sa sandaling matukoy ang bagong petsa ng pagdinig.

Address

Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DVO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share