10/01/2026
Para sa mga nagtatanong kung bakit daw nakakastress ang COT o demo teaching, eh araw-araw naman daw nagtuturo ang teachers at parte na raw โyan ng trabahoโeto ang sagot.
Magkaiba ang regular na klase at COT.
Sa normal na pagtuturo, may flexibility ka. Kapag hindi natapos ang lesson ngayon, pwede mong ituloy sa next meeting. Kapag may mga batang nahihirapan, may panahon ka para balikan at tutukan sila.
Pero sa COT, ibang usapan na talaga.
Sa loob ng 45 minutes to 1 hour, kailangan mong ipakita lahat. Hindi pwedeng kulang.
Ang lesson mo dapat well-planned, aligned sa standards, at gumagamit ng research-based strategies. Kung English ang subject mo, hindi lang basta discussionโdapat may connections pa sa ibang learning areas tulad ng Science o Values.
Sa simula pa lang ng klase, dapat engaged na ang lahat.
Hindi pwedeng may naiiwan.
Kailangan mong gumamit ng creative motivationโpwedeng games, stories, or activities na talagang magigising ang isip ng mga bata.
Required din ang ICT integration.
May presentation, videos, or digital materials para mas malinaw at mas interactive ang lesson.
Sa assessment naman, hindi lang isang type.
Dapat may:
โข checks habang nagtuturo ka (formative)
โข group or peer checking
โข self-assessment ng learners
โข at final output para makita kung may natutunan talaga
Importante rin na tugma ang objectives, strategies, at assessments.
Kapag hindi aligned ang mga โyan, delikado ang score mo. Kaya sa paggawa pa lang ng lesson plan, ubos na ang oras at brain power mo.
Yes, may ready-made lessons, pero maraming teachers pa rin ang mas pinipiling gumawa ng sarili para siguradong swak sa klase nila.
Dapat aktibo ang lahat ng learners, at iba-iba ang activities para ma-address ang differences ng students.
Lahat ng activities may rubrics, at kailangan mo pang ipaliwanag โyan sa mga bata para alam nila kung paano sila susukatin.
Kaya kapag tahimik ang klase o konti ang sumasagot, grabe na agad ang kaba ng teacher.
Target din na karamihan ng learners ay maka-achieve ng objectives.
Ang remediation ay para na lang sa iilan na kailangan pa ng dagdag na tulong.
Lahat ng expectations na โto, kailangan mong maipakita sa isang oras lang.
At kapag hindi mo na-meet ang standards, possible na maapektuhan ang rating mo at ang chances mo sa promotion.
Kaya sana mas maintindihan ng iba na ang COT ay hindi basta simpleng pagtuturo.
Isa itong highly structured, time-pressured, at mentally exhausting na proseso na sinusukat hindi lang ang lesson, kundi ang buong teaching competence mo.
CTTO.