
09/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ง๐ข๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ฐ๐ข๐ฌ?
Mga relo na nagkakahalaga ng milyun-milyon, mga bahay na puno ng ginto, mga damit na gawa sa balahibo, mga bag na gawa sa leatherโisang bansang lubog sa baha at pangungurakot. Ipinagmamalaki ang uri ng buhay na mayroon ka, ipinagmamayabang ang lahat ng iyong naabot, ang uri ng pamumuhay na kasalukuyan mong tinatamasaโngunit nagmula ba talaga ito sa iyong sariling pagsusumikap? O ang mga pagkain at damit na kinagigiliwan mo ay nagmumula sa mga taong kailangang magtrabaho ng walong oras at higit pa para lang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan? Mula sa mga kailangang gumawa ng dagdag na milya para lamang matugunan ang kanilang gutom sa araw na iyon? Mula sa mga kailangang tiisin ang init ng araw para lang kumita nang sapat?
Kanino nga bang dugo at pawis ang nakatali sa sarap ng iyong tinatamasa ngayon? Sa bawat hakbang gamit ang iyong mahahabang takong, sa bawat kagat ng mga magagarbong pagkain, sa bawat sasakyan na iyong ginagamitโkanino nga bang dugo at pawis ang nakabaon upang makarating ka sa ganyang estado ng buhay? Kaya bago mo ipagmalaki ang iyong narating, ang mga bagay na iyong pinagmamayabang, tanungin mo muna ang iyong sariliโkaninong buhay ba ang iyong ginamit para buuin lamang ang saโyo?
Written by: Trixy Elaiza I. Fortuna
Illustrated by: Jannah Kayle Magtibay