13/06/2025
THE REALITY OF LOSING A SPARK AFTER BECOMING A MOM”
Yes to all mommy outhere ramdam na ramdam ko kayo. Yong feeling mo na ibang iba na yong dating ikaw noon kesa sa ngayon!
Yung seksi’ng ikaw naging siksik na ngayon.
Paano ba naman ang hirap kaya,kapag palaging gutom lamon talaga tayo ng lamon.
(Breastfeeding mom can
relate.) 😂
Yung dating maayus manamit, ngayun halos wala ng time mag ayus
Yung dating confident sa sarili, ngayun lagi nalang nagtatago sa oversize na duster and t-shirts.
Minsan nga hindi nalang ako humaharap sa salamin kasi nakakawala ng kumpyansa sa sarili kapag nakita kong lumolobo na talaga ang katawan ko. Yong mala-boksidor kung braso, yong tiyan ko na parang buntis parin ako, yong buong katawan ko ibang iba na at ang laki talaga ng pinagbago.
Minsan nga natatanong ko sa sarili ko, bakit kaya yong iba parang ang bilis ng recovery sa physical nilang pigura, bakit aku parang ang tagal naman?
Hindi yan sa pagkokompara ha! Pero meron talagang mga Mommy na hindi nawawala yong Spark nila kahit nanganak na sila!
(SANA ALL!😁)
Pero sad to say, hindi aku belong sa kanila!
I choose to become a fulltime mom sa aking dalawang anak!
It takes courage and sacrifice to become a mom and I accept it with all my heart even if I will not get my old self again.
If you are someone, like me that still recovering, still healing and still adjusting please remember that….
Losing your old self doesn’t mean you lose your worth, you are beautiful enough and a hero to your baby and be Proud of that💚
Hindi madali ang pagiging Nanay.
💯 Totoo! Ang postpartum period ay talagang hindi madali para sa maraming mga nanay. Ang puyat, pagod, at pagbabago sa buhay natin ay maaaring maging sobrang challenging para satin. Kaya naman, importante na maging maunawain at mapagkumbaba tayo sa mga nanay na dumadaan sa ganitong yugto ng buhay. Dahil yong iba hindi ito kayang lagpasan. 😔
Kaya naman sa lahat ng mga NANAY, MAMA, MOMMY diyan, We might lose our Spark right now, soon we will be able to get it back for now our Baby is all that matter😇💚
゚