12/03/2025
Naniniwala ba kayo sa gayuma?
Eto na, mainit init pa, tatagalugin ko na sa inyo, kung ano ba ang nangyare ASIN Wedding Scam.
March 10 ang wedding, march 8 nagbook ang bride sa organizer na si Sir Ambing sa CDO to mga mamiiii. So nag meet sila sunday morning nagpropose si organizer ng package, umabot sa 270k yung total package including yung prep room hotel and venue. Nag final details, checklist, timeframe na din sila dun sa isang hotel kung saan naka check in ang bride. At dahil nga magaling mag salita si ate mo bride, napapaniwala si organizer na madatung itong si Bride kase daw sya ay pamangkin ni Sen B**g Go, at may mataas na posisyon ang Daddy eme eme nya. At kaya daw hindi sya makapag Down payment sa organizer kase hinold daw ng Daddy eme nya yung mga cards and bank nya para marush ang kasal nya. Kase daw ay buntis sya at para. Maiiwas sa kahihiyan ang family. So ayun rush wedding ang ate mong bride. Ang daddy eme daw nya ang magbabayad ng lahat kinabukasan. So si organizer dahil nga maboka si bride nagtiwala, binook nya yung mga tie up suppliers kahit wala pang dp. Sino ba naman hindi mae-excite kapag ang event mo ay maraming politicians and sikat na vloggers kuno daw ang mga bisita syempre dagdag exposure for marketing kineme din yun. At eto pa ang malupit, pinabayad pa ni bride sa organizer yung hotel na pinagcheckinan nila na 4,500. Ang sabi kse ng bride susunod sya sa office pra mag fit ng Gown, pero sumunod naman nga. Kaya si organizer tiwala. Eto na, sabi ni bride need na daw nila mag check in sa Pearl mont dun sa venue nila para madala na lahat ng gamit. So si hotel no dp no bookings. Since tiwala si organizer kay bride, si organizer na muna ang nagpaluwal ng payment na 50k sa hotel. Pero di nya pinaalam sa bride na bayad na yunh hotel para hindi marelax yung bride. Nangako naman kse si bride na umaga (araw ng kasal ay dadating na ang daddy para mag bayad.) eto na....
Wedding day, 6am palang nag follow up na si organizer for payment. Ang sabi ni bride ipapa deposit sa secretary. Hangang umabot na ng lunch time no payment parin. Pero since bayad si organizer sa hotel tuloy parin yung Preparation shoot. No entourage / No family mula sa bride and groom. Ang andun lang sa preparation site ay friend ni groom, yung friend ni groom din ang nag pay para sa breakfast ng couple dahil wala talagang kapera pera ang dalawa. Yung mga details shoot na hinihingi ng photo and video inabot na ng ilang oras walang maipakita ang bride, ang sabi e dala na ng daddy on the way na etc. Etc. So walang details shoot na nashoot (invitation, aras, veil cord). Si bride assist coor medyo nakaka ramdam na kse yung groom hindi maka usap, tulala, minsan tulog, pag gising wala sa wisyo. Tapos yung mga friends ni groom na nasa hotel kababata ng groom pero dinadaan daanan lang sila ni groom na parang hindi kilala. Kaya si coord nagtataka, nagtanong tanong sa mga friend ni groom. Sabi ng mga friend ni groom di nila kilala ang girl at na invite lang sila tru online. Eto na ang mas malupit, 3pm ang ceremony dapat, pero 3pm walang pang guests, wala pang judge na magkakasal daw. Tapos etong si bride nag request pa ng security para sa seguridad dahil may death threat daw kuno since mga politicians yung mga dadating. Si hotel nagpa high alert sa mga security personnel. So 3:30 pm na wala parin ang judge, fina followup na nila ang bride dahil kilala daw nya yung judge na magkakasal wala parin dumadating na daddy or judge or kahit sinong bisita. 5pm wala parin, 6pm wala parin hangang umabot na ng 8pm.
Yung asawa ng friend ni groom nagtataka na din sa kinikilos ni groom, and halos karamihan ng nasa hotel nakaka tunog na ng red flag si bride. So nakatalikod si groom, sinabuyan ng asin ng wife ng friend nya, ayun! Boooom! Bigla daw parang nagising ang groom. Biglang nagtaka anong nangyare, bakit nandun daw sya etc. So inshort nagbalik ang ulirat ni groom! Nakaka usap na sya ng matino. Dun nila napatunayan na ginayuma or na- hypnotize si groom. Dun na nagpatawag sila ng investigator para maimbistugahan si Bride! Sa makatuwid hindi natuloy ang kasal kase walang papers, walang marriage license, walang kahit anong papeles na nilakad.
Nung nasa presinto na, dun nila nalaman na CERTIFIED SCAMMER si ate mong girl. Dahil marami na syang nabiktima sa davao, bukod sa mga niloko nyang friends may mga boylet din sya na na scam, ginagamit un name nila para makapag loans at makapang loko pa ng iba.
ccto