
09/07/2025
KAPAG MAY ASAWA KA NA⚠️‼️
1. Tigilan mo na ang kaka-chat at kakapamigay
ng number sa ibang lalaki o babae.
Ang simpleng pakikipag-usap ay pwedeng maging
dahilan ng tukso. Huwag mong sirain ang tiwala ng asawa mo dahil lang sa pansamantalang kilig.
2. Kapag may problema kayo, asawa mo ang kausapin mo. Huwag kang hahanap ng ibang taong magpapakomfort sa'yo, lalo na kung alam mong pwede itong humantong sa maling relasyon. Mas mabuti nang mag-away kayo pero kayo ang magkasama, kaysa maghanap ka ng iba at mas lumala ang sitwasyon.
3. Kapag may nagpaparamdam o nambabastos sa’yo,
itigil mo agad. Huwag mong hayaang maging bukas ang pinto para sa tukso. Maging malinaw sa kanila na may asawa ka na at hindi ka interesado. Huwag kang magpakilig at huwag mong bigyan ng dahilan ang asawa mo para magduda sa’yo.
4. Huwag mong i-entertain ang tukso. Hindi lahat ng simpleng usapan ay inosente, lalo na kung may halong landian. Kapag alam mong hindi na tama, putulin mo agad. Ang katapatan sa relasyon ay hindi lang sa hindi ka nagloloko, kundi pati sa pag-iwas sa kahit anong posibleng dahilan para masira ang tiwala ng asawa mo.
5. Maging tapat, loyal, at totoo sa asawa mo. Hindi lang sa salita kundi sa gawa. Ang isang masayang pagsasama ay nakasalalay sa respeto at katapatan. Huwag mong ipagpapalit ang pamilya mo sa isang bagay na alam mong pagsisisihan mo lang sa huli.
❌ CHEATING IS A CHOICE, NOT A MISTAKE.
Hindi aksidente ang pagtataksil—pinipili mo 'yan. Kaya bago ka gumawa ng isang bagay na alam mong makakasakit sa asawa mo, isipin mo kung paano mo mararamdaman kung ikaw ang lokohin at ipagpalit.
Ctto : Mommy Ylah&Yleigh 📍