News5 Mindanao

News5 Mindanao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from News5 Mindanao, Media/News Company, Shrine Hills Matina, Davao City.

OVP SA CIVIL SERVICE MONTHNakiisa si Vice Pres. Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng Philippine Civi...
19/09/2025

OVP SA CIVIL SERVICE MONTH

Nakiisa si Vice Pres. Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng Philippine Civil Service.

“I commend the men and women of the Civil Service Commission for their commitment to enhancing morale by recognizing and praising public servants," saad ng bise sa pahayag.

"Their sacrifices in the name of public service inspire us and provide a powerful validation of hard work and unwavering dedication to the community,” dagdag pa niya.



📷: Office of the Vice President of the Philippines/Facebook

‘HINDI BA SIYA NAGSUMB**G SA’YO?’Inudyukan ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte si Pres. Bongbong Marcos na kas...
17/09/2025

‘HINDI BA SIYA NAGSUMB**G SA’YO?’

Inudyukan ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte si Pres. Bongbong Marcos na kasuhan ang mga mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa flood control projects.

Iginiit din ng kongresista na ang anak umano ng Pangulo na si Rep. Sandro Marcos ang pumili sa papalit kay Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.

“Mr. President, ano ba ‘to? Kung seryoso ka talaga laban sa korapsyon, bakit hindi ka mag-file agad ng kaso laban sa mga tiwaling mambabatas?,” saad niya sa isang pahayag.

“Hindi matatapos ang corruption sa iyak-iyak at bolahan lang… Patunayan naman natin hindi lang ito puro salita,” dagdag pa niya.

'ANG GUSTO NI PRES. MARCOS, DUE PROCESS'Ito ang tugon ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos ihayag ni Vice...
17/09/2025

'ANG GUSTO NI PRES. MARCOS, DUE PROCESS'

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos ihayag ni Vice Pres. Sara Duterte na nababagalan siya sa aksyon ni Pres. Bongbong Marcos laban sa korupsyon sa flood control projects.

"Siguro po kakailanganin na ni [VP Sara] ng mataas na grado ng salamin at hearing aid para marinig niya ang lahat ng ginagawa at mga inuutos ng Pangulo sa law enforcement agencies," saad ni Castro sa isang press briefing ngayong Miyerkules, Sept. 17.

BAHA SA DAVAOIlang kuha sa sitwasyon ng baha sa bahagi ng Davao, City bunsod ng masamang panahon ngayong Linggo, Sept. 1...
14/09/2025

BAHA SA DAVAO

Ilang kuha sa sitwasyon ng baha sa bahagi ng Davao, City bunsod ng masamang panahon ngayong Linggo, Sept. 14.



📸: Renante Luna

HINDI YAN DIRTY FINGERNilinaw ni Sen. Robin Padilla na bahagi lang ng kanyang panata bilang Muslim ang nagviral na pagtu...
11/09/2025

HINDI YAN DIRTY FINGER

Nilinaw ni Sen. Robin Padilla na bahagi lang ng kanyang panata bilang Muslim ang nagviral na pagturo niya ng daliri, dahil inakalang nagdirty finger siya habang kumakanta ng 'Lupang Hinirang.'

Ilang beses na rin nakunan ng litrato at video ang Senador na ginagawa ito.

Ayon kay Padilla, banal ito para sa mga Muslim na ang ibig sabihin ay "La Ilaha Ilala" na ang ibig sabihin ang walang ibang dapat sambahin na diyos.

SEN. B**G GO, NAGPAABOT NGA TULONG SA MGA NASUNOGAN SA MATI CITYKaagad na pinadala ni Senator Christopher “Bong” Go ang ...
10/09/2025

SEN. B**G GO, NAGPAABOT NGA TULONG SA MGA NASUNOGAN SA MATI CITY

Kaagad na pinadala ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang Malasakit Team upang matulongan ang mga biktima ng sunog sa Mati City, Davao Oriental, sa nakaraang Lunes, September 8.

Umabot sa 47 pamilya ang nakatanggap ng financial assistance, grocery packs, snacks, shirts, basketballs and volleyballs, foldable fans, at kalo na isinagawa sa Barangay Central Covered Court, Mati City, Davao Oriental.

“Tandaan natin, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na puwede natin gawin sa ating kapwa ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito,” sigon ni Go .

Dagdag pa ng Senador na hindi madali ang masunogan ngunit sa panahon na ito ay mas mahalaga ang magtutulongan.

Binigyang diin rin ni Sen. Go ang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act of 2021, enacted as Republic Act No. 11589, kung saan siya ang principally authored and co-sponsored. Mahalaga umano na laging handa ang mga fire personnel sa mga ganitong insedente kaya mas maiging ma-upgrade ang mga equipment, training, at manpower.

Dagdag nito na sana ay tutukan rin ang mga evacuation centers. Sa RA 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act, na siya ang principally authored and co-sponsored ay naglalayong maglagay ng evacuation centers para kumportable ang mga kababayan tuwing may sunog.

LOOK||MANIFESTATION OF SENATOR CHRISTOPHER "B**G" GO Mr. President, I congratulate Senator Risa Hontiveros for having be...
09/09/2025

LOOK||MANIFESTATION OF SENATOR CHRISTOPHER "B**G" GO


Mr. President, I congratulate Senator Risa Hontiveros for having been elected as the new Chairperson of the Committee on Health and Demography.

Nakakalungkot man po, pero ganyan talaga ang buhay, but I am ready to work with the majority as Vice Chairperson of the Committee on Health and part of the Minority.

It is an honor to have served as the Chairperson of the Committee on Health and Demography for six years. And I thank our colleagues for entrusting to me this Committee during the crucial times for our healthcare system.

Ours was not an easy task. We had to address immediate concerns that came up as we were battling the COVID-19 pandemic. And I am proud that we have accomplished so much in the Committee during the past two Congresses.

Even before the pandemic, I am glad that I/ was able to author and sponsor Republic Act 11463, during the 18th Congress, or the Malasakit Centers Act, which establishes Malasakit Centers in all DOH-run hospitals and the PGH to give convenient access to medical assistance provided by DOH, DSWD, PCSO and PhilHealth. To date, more than 17 million patients were catered by Malasakit Centers.

We also passed Republic Act 11959 or the Regional Specialty Centers Act. Nakakuha tayo ng unanimous support from our colleagues sa pagpasa ng batas na ito. Prayoridad po ito ng then Senate President Migz Zubiri na magkaroon po ng mga specialty centers sa buong Pilipinas. We were also able to successfully sponsor the passage of 92 laws to upgrade and establish public hospitals all over the country.

We have also advocated for the establishment of Super Health Centers across the country. Ang mga center na ito ay idinisenyo upang magbigay po ng primary health services sa ating mga kababayan, pwedeng magpa check-up at magpa-konsulta dito, nandyan na po yung PhilHealth Konsulta, pwedeng magpa-laboratory, minor operation, o manganak dito. Layunin ng inisyatibong ito na ma-decongest ang ating mga ospital.

In terms of health workforce, we have consistently pursued the payment of health emergency allowance to our healthcare workers who are our heroes during the pandemic. Services rendered po ito, pinagpawisan po ito ng ating mga health workers. Nagkaroon po tayo ng 15 hearings po sa Committee on Health sa 2024 at 2025.

Ito pong HEA na ito, this is pursuant to RA 11712 which was passed in the 18th Congress, led by our Senate President Tito Sotto. I am glad that the remaining P6.7 billion HEA will finally be paid as committed to us by DOH Secretary Herbosa and DBM Secretary Pangandaman.

Hindi rin natin tinigilan ang PhilHealth. Nagkaroon tayo ng monthly hearings para tutukan ito. Nagbunga naman po ang ating pangungulit sa PhilHealth as they were able to act on some reforms. Nagpapasalamat tayo sa bagong benefit packages para sa dental services, optometric services, emergency outpatient benefit package, dahil noon kailangan nilang magpa-admit ng 24 hours bago sila i-cover ng PhilHealth, at pati na rin sa pagtaas ng case rates at improvement sa benefit packages para sa most common diseases, tulad ng heart diseases.

We also successfully advocated for the repeal of outdated, illogical, and anti-poor regulations, such as the Single Period of Confinement Policy, na noon po ay sa loob ng nobenta na araw, bawal kang i-cover muli kapag nagkasakit ka the same na sakit. Ito rin pong 24-Hour Confinement Policy, at ito pong the 45-Day Benefit Limit na bawal pong i-cover more than 45 days ang pasyente. Ito po yung mga anti-poor policies na dapat nilang binago noon para wala pong excess funds ang PhilHealth na wawalisin ng National Treasury. Poor Filipino patients can greatly benefit from these reforms.

I will continue with my crusade for more health reforms as we seek to bring government medical and healthcare services closer to our people, particularly the poor.

I will not waver with our commitment. I will not hesitate to help our people. I will not stop working until our people, especially the poor, have the medical and healthcare services they so deserve.

My commitment to help those who are in need, those who have nothing to run to except the government, remains firm and consistent.

Diseases are non-partisan. Viruses and bacteria know no politics. Sickness does not care about your political color. If it hits you, it hits you---whoever you are.

Kung kaya, mas lalo tayong magiging masigasig at magtatrabaho para bantayan ang mga repormang atin nang nagawa, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno at mga kasamahan ko dito po sa Senado. Babantayan natin ang mga pangako ng Executive, lalo na po sa DOH at PhilHealth.

Magpapatuloy po ang aking adhikain para sa kalusugan ng ating mamamayan. Hindi ako andito para sa pulitika. Patuloy ang serbisyo at malasakit ko sa ating kapwa Pilipino.

I am here for the sick, for the struggling, for the hopeless and the helpless.

Thank you, Mr. President.

JINGGOY, HINDI SAFE? VILLANUEVA NADAWITPinangalanan ni former Bulacan DPWH engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng Kongr...
09/09/2025

JINGGOY, HINDI SAFE? VILLANUEVA NADAWIT

Pinangalanan ni former Bulacan DPWH engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng Kongreso sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva na nakinabang umano sa kickbacks sa ilang proyekto sa Bulacan.

Inisa-isa rin ni Hernandez ang pangalan ng bawat proyekto na konektado umano ang dalawang senador.

GARMA TO TESTIFY VS. DUTERTE IN THE ICCPinayagan si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager ...
08/09/2025

GARMA TO TESTIFY VS. DUTERTE IN THE ICC

Pinayagan si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police colonel Royina Garma na lumabas ng bansa upang tumestigo laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), sabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla.

Matatandaang si Garma ang nagsiwalat sa House Quad Committee ng umano'y "reward system" sa drug war ni dating pangulong Duterte.

Tiniyak naman ng DOJ na hindi maaabsuwelto si Garma sa reklamong murder at frustrated murder kaugnay ng pagpaslang kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga.

04/09/2025

| Agdao Flyover sa Davao City, isasara ng isang buwan simula ngayong araw, September 5 para sa isasagawang Preventive Maintenance.

Matatapos ang Repair at Rehabilitasyon nito sa October 5. via| Bryll Montalvo

04/09/2025

| Nakawan sa isang tindahan sa Digos City, Davao del Sur , sapul sa CCTV.

Mga suspek, nahuli na ng pulisya. via| Bryll Montalvo

P67 MILLION NA FLOOD CONTROL PROJECT SA MAWAB, NASIRAGumuho at nagkabitak-bitak na ang semento ng flood control project ...
04/09/2025

P67 MILLION NA FLOOD CONTROL PROJECT SA MAWAB, NASIRA

Gumuho at nagkabitak-bitak na ang semento ng flood control project ng Department of Public Works And Highways sa Barangay Poblacion, Mawab, Davao De Oro.

Ang nasabing proyekto sinimulan noong Pebrero 2022 at natapos ito December sa pareho ring taon.

Sinabi ng DPWH na ang dahilan umano sa pagkasira nito ay ang sunod-sunod na pag-ulan at lindol sa nakaraang taon.

Nag-aalala naman ang mga residente na baka tuloyan itong gumuho kung uulan ng isang linggo at madamay ang kanilang mga bahay.

Napag-alaman na nasa mahigit P67 Million ang inilaan ng ahensiya sa naturang proyekto.

Ang contraktor naman nito ay ang Legacy Construction Corporation na isa sa pinangalanan ni PBBM na may pinakamaraming Flood Control Project sa gobyerno.

Address

Shrine Hills Matina
Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News5 Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share