16/10/2025
‘HINDI AKO SANGKOT SA ANUMANG ANOMALYA’
Bukas si Sen. B**g Go sa anumang imbestigasyon kasunod ng anunsyo ng Office of the Ombudsman at Department of Public Works and Highways (DPWH) na iimbestigahan nila ang koneksyon ng contractor couple na sina Sarah at Curlee Discaya sa construction firm na pagmamay-ari ng kaniyang ama.
Giit ng senador sa isang press conference ngayong Huwebes, Oct. 16, hindi umano siya natatakot dahil wala siyang itinatago at wala siyang kasalanan.
“I am one with the Filipino people in this crusade against corruption… Tumbukin n'yo po 'yung dapat tumbukin, hanapin n'yo 'yung dapat hanapin — 'yung talagang mga totoong buwaya, 'yung mastermind talaga,” aniya.
#106.7TrueFM