21/08/2025
Naremember ko lang tatay-lolo bening ko. Siya ang pinaka-mabait sa lahat ng magkapatid siya ang nag-aalaga sa kanyang ama dahil sa sakit na cancer sa ulo. Mabaho na ang ama niya kaya pinalabas ng madrasta at lolo ko ang nag-aalaga. Hindi niya batid ang amoy ng ama dahil ama niya ito. Hanggang sa lumisan na ang ama, lumayas silang magkapatid sa kamay ng madrasta, hanggang nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Nang nabalitaan nila na nag deklara si Manuel Quizon na ang mga pilipino ay pwede nang makaangkin ng lupain sa Mindanao, lumayas ang pamangkin ni lolo tatay papunta sa Mindanao, dahil sa subrang higpit ng kanilang ama panganay na kapatid ni lolo tatay bening naisipan narin ng mgabkapatid na sumunod sa mindanao. Unang experience ni lolo tatay ay sa PANTALAN. Sa pantalan ng negros ay mga siga-siga ang mga tao, pinipilit sila na agawin ang mga gamit para ihatid sila pero hindi pumayg si tatay bening dahil wala raw silang pera, pero pinilit parin sila hanggang sa pinagtutulungan si tatay bugbugin ng mga tao sa pantalan. Awang awa ang mga maliliit na mga bata sa kanilang ama umiiyak na lamang sila.
Hanggang sa dumating sila sa Mindanao Pantalan parin at nabugbog na naman ulit si tatay dahil wala silang pambayad sa Pantalan upang makalabas. Ang unang experience ni tatay sa pantalan ang napaka hirap dahil bugbog sarado si tatay. Palipat lipat sila ng tirahan bukid sa mindanao at kung saan-saan. May naangkin na sana na lupa bahay dahil hindi nawawalan ng trabaho si tatay bening dahil madiskarte, matalino sa trabaho pero ayaw tumira sa bukid pero ang hinahanap-hanap lang pala niya ay isang PANTALAN. Parang meroon siyang hinahanap sa pantalan. Pabalik-balik silang tumira sa Daliao Pantalan.
Napaisip ako sa kwento ng nanay ko ngayon na si tatay bening pala ay bugbog sarado sa lahat ng pantalan na napupuntahan niya. At kaya pala gustong-gusto niyang tumira sa Pantalan daliao ay dahil meroon siyang alam na maraming mga bala at bomba nannakabaon sa Daliao pantalan. Si tatay ay naging astig dito sa Daliao pantalan sa panahon na nakatira siya dito, kinakaktakutan siya ng mga tao dahil nanghahamon ng away kapag lasing. Kaya pala ayaw niya ng bukid mas pinili niya ang Pantalan dahil nasa memories niya ang mga labanan noong bonubugbog siya nga mga tao sa pantalan.