01/07/2026
DAVAO NEWS | Pormal nang binasbasan nitong Martes, Hunyo 30, ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang daan-daang bagong dialysis machines at mga bagong pasilidad ng Southern Philippines Medical Center Kidney Institute (SKTI), kabilang ang Dialysis Center, Immunolab, Warehouse, Pharmacy, at Laboratory.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kulminasyon ng National Kidney Month, na naglalayong mapalawak ang access sa komprehensibo at de-kalidad na pangangalagang medikal para sa mga pasyenteng may kidney disease sa Mindanao. | via Jean Domingo