OneTV Philippines

OneTV Philippines OneTV Philippines — A Global Digital News Network based in Davao City, with its Corporate Office in Pagadian City.

‘WALA ’YANG KARUGTONG NA ALL PRESENT OR ALL LAW BENDERS’PUMALAG, PULONG DUTERTE! Mariing kinuwestiyon ni 1st District Da...
12/09/2026

‘WALA ’YANG KARUGTONG NA ALL PRESENT OR ALL LAW BENDERS’

PUMALAG, PULONG DUTERTE! Mariing kinuwestiyon ni 1st District Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y 10 boto na kailangan para baguhin ang 16-vote threshold ruling na maaaring makaapekto sa conviction ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Giit ni Duterte, walang batayan sa Konstitusyon ang naturang interpretasyon, dahil malinaw umano sa Saligang Batas na kailangan ang boto ng dalawang-katlo o 16 sa 24 na senador upang ma-convict sa impeachment.

Samantala, nauna nang sinabi ni Impeachment Court spokesperson Atty. Reginald Tongol na dahil apat na senador ang absent at hindi rin kabilang sa mga lumalahok si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III, 19 senator-judges na lamang ang boboto.

Nakatakdang pagbotohan ng Impeachment Court ang usapin sa voting threshold sa Setyembre 23.

NEWS UPDATE: 150 BAHAY, NAABO SA SUNOG SA PAGADIAN CITYUmabot sa tinatayang 150 bahay ang naabo at isa ang kumpirmadong ...
12/09/2026

NEWS UPDATE: 150 BAHAY, NAABO SA SUNOG SA PAGADIAN CITY

Umabot sa tinatayang 150 bahay ang naabo at isa ang kumpirmadong nasawi matapos sumiklab ang malaking sunog sa Purok Masanagon 1, Barangay San Pedro, Pagadian City, pasado alas-3 ng madaling araw nitong Setyembre 12.

Ayon sa paunang impormasyon, nagsimula ang sunog sa isang boarding house bago mabilis na kumalat sa mga kalapit na kabahayan.

Naapula ang sunog bandang alas-4 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at eksaktong lawak ng pinsala.

12/09/2026
NEWS NOW: Governor Divina Yu officially opened the 74th Araw ng Zamboanga del Sur, celebrating the province’s journey of...
12/09/2026

NEWS NOW: Governor Divina Yu officially opened the 74th Araw ng Zamboanga del Sur, celebrating the province’s journey of unity, love, heritage, and progress.

This year’s celebration carries the theme: “Diamond in the Making: 74 Years of Love, Legacy and Inclusivity.”

Screenshots from Victory Zamboanga del Sur

12/09/2026

𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔𝗪𝗔 | 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗗𝗘𝗣𝗘𝗡𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗧𝗨𝗟𝗢 𝗜𝗦𝗜𝗣 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗖 𝟰 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔-𝗨𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡

Dakong kalipay ug garbo ang gihatag sa mga KumSurian athletes human sila madeklarar isip Overall Champion sa KumBaTig DuLa Qualci 4 Athletic Meet 2026, diin nakatigom ang Kumalarang District og 191 gold, 124 silver, ug 71 bronze medals.

Mas nahimong makasaysayanon ang maong kadaugan tungod kay kini na ang ika-upat nga higayon nga nakadaog ang Kumalarang isip Overall Champion sa maong tinuig nga sports event.

Nagpaabot sa iyang mainitong pagbati ug pagdayeg si Mayor Ruel “Balong” G. Molina ngadto sa mga atleta ug sa tanang nahimong kabahin sa maong kadaugan. Gipadayag usab sa Mayor ang iyang dakong pasalamat sa mga athletes, coaches, trainers, DepEd, ug LGU personnel nga walay hunong nga naningkamot aron mahatagan og hustong suporta ug panginahanglan ang atong mga atleta.

Nagpaabot usab og pasalamat ang DepEd Kumalarang ngadto sa Lokal nga Pangagamhanan sa Kumalarang alang sa walay-lubad nga suporta niini sa mga atleta. Gipaningkamotan ni Mayor Balong nga mahatagan ang delegasyon sa mga gikinahanglan aron mas makapangandam ug makahatag og ilang pinakamaayo sa kompetisyon.

Kini nga kadaugan dili lamang medalya, kundili usa ka pagpamatuod sa disiplina, paningkamot, panaghiusa, ug determinasyon sa tibuok Kumalarang District.

Congratulations, KumSur Athletes!

TINGNAN: COMELEC, NAGSAGAWA NG FINAL TESTING AND SEALING NG MGA ACM SA COTABATO CITYIsinagawa ng Commission on Elections...
12/09/2026

TINGNAN: COMELEC, NAGSAGAWA NG FINAL TESTING AND SEALING NG MGA ACM SA COTABATO CITY

Isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw sa Cotabato City ang Final Testing and Sealing (FTS) ng mga Automated Counting Machines (ACMs) bilang paghahanda sa halalan sa Lunes.

Layunin ng FTS na matiyak na maayos at gumagana ang bawat ACM bago ito gamitin sa aktuwal na pagboto.

Matapos ang testing, isinelyado at inilagay sa mga kahon ang mga makina bago ihatid sa mga polling place. Muli lamang itong bubuksan sa Lunes, araw ng halalan.

12/09/2026
DAGDAG NA 2 BATTALION MULA SA 10TH INFANTRY DIVISION, PHILIPPINE ARMY, DINEPLOY PARA SA NALALAPIT NA BARMM ELECTIONSNag-...
12/09/2026

DAGDAG NA 2 BATTALION MULA SA 10TH INFANTRY DIVISION, PHILIPPINE ARMY, DINEPLOY PARA SA NALALAPIT NA BARMM ELECTIONS

Nag-deploy ang 10th Infantry “Agila” Division ng Philippine Army ng karagdagang dalawang (2) battalion upang magbigay ng dagdag na seguridad para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Kabuuang 342 tauhan mula sa 27th Infantry (Action) Battalion at 72nd Infantry (Gabay) Battalion, kasama ang 19 military truck at mga ambulansya, ang idinagdag sa kasalukuyang puwersa ng 10th ID sa lugar.

Pinangunahan ni Major General Alvin Luzon, Commander ng 10th Infantry “Agila” Division, ang send-off ceremony para sa mga tropa.

Ayon kay Luzon, layunin ng deployment na makatulong na mapanatiling ligtas at payapa ang kapaligiran upang malayang makaboto ang mga mamamayan ng BARMM.

Binigyang-diin din niya sa mga sundalo ang kahalagahan ng political neutrality, pagsunod sa batas, paggalang sa karapatang pantao, at disiplina.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,444 personnel, 43 military truck, at walong Wheeled Armored Vehicles ang idineploy ng 10th ID para sa BARMM Parliamentary Elections.

📷 10th Infantry Division, Philippine Army

SAMPUNG BOTO LANG, KAILANGAN PARA MABAGO ANG 16-VOTE THRESHOLD SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARASampung boto mula sa mga s...
12/09/2026

SAMPUNG BOTO LANG, KAILANGAN PARA MABAGO ANG 16-VOTE THRESHOLD SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

Sampung boto mula sa mga senator-judge ang kailangan upang mabago ang naunang ruling na nagtatakda ng 16-vote threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Impeachment Court spokesperson Atty. Reginald Tongol, 19 senator-judges na lamang ang lalahok sa botohan dahil apat na senador ang absent at hindi kabilang si Sen. Chiz Escudero.

Nakatakdang pagbotohan ang usapin sa Setyembre 23, kasunod ng talakayan kasama ang mga dating Chief Justice ng Korte Suprema.

Address

Block 13, Lot 8, Rosario Homes, Brgy. Dao
Davao City
7016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OneTV Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to OneTV Philippines:

Shortcuts

Share