19/10/2024
MAGNANAKAW ANG MGA PASTOR
Maraming taong di alam kung paano tumatakbo ang Church Finance, at bago natin husgahan ang Pastor about Church Finance, huminahon tayo at basahin ito.
ayon sa pagaaral , mababa pa sa 20% ang nagbibigay ng ikapo(tithes) sa Church , at wala pang 5% ang nagbibigay ng tapat.
mababa pa sa 30% ang nagbibigay ng mga handog(offering) at kakaunti din ang nakikibahagi sa Pledge.
Isa sa hindi alam ng mga myembro ay ang gastos ng ministry ay 300% na higit sa natatanggap ng Church.
malaking bahagi ng Ikapo at handog ay napupunta sa bills ng Church. Rent ng Church , water bill , electric bill, internet bill , other expenses sa mga gamit.
madalas pa nga huli sa listahan ang allowance ng pastor , TAKE NOTE , 90% ng pastors allowance lang ang natatanggap, kung may sahod man , hindi mapagkasya para sa pamilya.
ang tanong paano napupunan ang ibang pangangailangan ng panambahan?, that is the providing miracle of God.
50% ng Church ngayon ang pastors wife ay nagwowork, and 100% ng kanyang sahod ay support sa Asawang Pastor , paano pa kung may mga anak ang Pastor?, .. just do the math
90% ng pastor nagsisideline , minsan nahuhusgahan pa natin pag gusto magnegosyo ng pastor or pumapasok sa mga networking. pero malaking bahagi ng Pera ng Pastor ay saan nga ba napupunta?
Pag may member na nagigipit , walang bigas or makaen , patagong magbibigay ang pastor sa member dahil hindi pwede manggaling sa Finances ng Church.
Pag nashoshort ang Finance ng Church, di mo alam nagloloan ang pastor on their own name , at sila din magbabayad.
Pero bakit nagpapatuloy ang mga Pastor kung malake ang gastos , it is because we trust the one called us , kung sa Diyos nanggaling ang pagkatawag , siya din ang magsusupply.
kaya kung madalas mong sinisilip ang Finances ng Church maigi din na silipin mo ang Finances ng Pastors family.
at pag napatunayan mong magnanakaw ang Pastor mo, sumbong mo kay Lord.
pero pag napatunayan mong nagsasakripisyo ang Pastor mo , repent and Love your pastors.
paano?
Give your tithes and offering, be faithful in your pledges. Always Pray for your Pastors.
Evangelise with Him
Learn with him
Listen to Him
Happy Pastors Appreciation Month to all Pastors.
BY PASTOR ALAN BICORES